KABANATA XX

986 46 32
                                    

Naging masaya ang gabing ito dahil umingay muli ang napaka tahimik na bahay ko. Habang nag iinuman kami ay pilit kong sinasariwa ang mga nakaraan.

Medyo nakainom na kaming lahat ngunit kaya pa naman namin kaya patuloy kami sa masasayang kwentuhan namin habang nag iinuman. 

"Grabe naalala ko pa nung kabataan natin," natatawang sambit ni Franco sa amin.

"Alin ang nakakatawa dun? Meron ba?" tanong ni Fernando sa kanya.

"Alin dun? Yung nahuli ka ng papa mo na nagdala ka ng babae sa kwarto mo tapos pinatakbo ka niya sa labas ng bahay nyo ng hubud-hubad?" seryosong sambit ko sa kanya.

"Gago! Hindi yun!" nahihiyang sambit ni Franco sa akin.

"Naaalala ko yang pangyayari na yan. Ako nagsumbong kay Papa niyan eeh," natatawang sambit ni Fernando sa amin.

"Kadiri ka Babe! Paano mo nagawa sa akin 'to!" inis na sambit ni Marian kay Franco.

"Huy! Wala ka pa nung panahon na yun tsaka loyal ako sayo," sambit ni Franco kay Marian.

"Patay ka ngayon Franco." natatawang sambit sa kanya.

Tumayo sa kinauupuan si Marian at kinuha ang mga bata.

"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong ni Franco sa kanya.

"Uuwi na kami!" galit na sambit niya.

"Bakit? Nagkakasiyahan pa tayo dito," sambit ni Franco sa kanya.

"Umayos nga kayong dalawa!" seryosong sambit ni Fernando kila Franco at Marian.

Umupo si Marian sa sofa at uminom ng wine habang nakabusangot na nakatingin kay Franco agad na lumapit si Franco sa kanya para aliwin siya ng biglang tumawa ng malakas si Marian.

"It's a prank!" natatawang sambit ni Marian sa kanya.

Napakamot ng ulo si Franco ng biglang tumawa ng malakas si Marian.

"Ano ba naman yun? Akala ko totoo na aalis kayo," seryosong sambit ni Franco sa kanya.

"Joke lang naman! Sige na mag-inuman na kayo diyan at nag chichikahan pa kami nila Andrea at Emily dito." natatawang sambit ni Marian.

Napapangiti nalang ako sa kanila habang nakakaramdam ako ng inggit sa sarili ko. 

 "So tell me about the death of Gianna?" bigla kong tanong sa kanila.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Henry sa akin.

"Yes! Anong nangyari kay Gianna bakit siya namatay?" seryoso kong sambit kay Henry.

"Sobrang memorable ng pagkamatay ni Gianna dahil namatay siya nung  mismong araw ng kaarawan mo 8 years ago," malungkot na sambit ni Henry sa akin.

"Anong kinamatay niya?" malungkot na tanong ko sa kanila.

"Nasunog siya ng buhay," sambit ni Fernando sa akin.

Nagulat ako sa sinabi ni Fernando sa akin para akong sinaksak sa puso ng marinig ko ito sa kanila. Nanghina ang pakiramdam ko at bigla nalang akong nalaglag sa upuan ko.

Pagkalaglag ko sa upuan ko ay agad akong inakay nila Fernando sa sofa para makaupo ako ng maayos.

"Sabi ko sayo wag na namin ikukwento eeh," sambit ni Franco sa akin.

Mangilid-ngilid na ang luha sa mata ko ngunit patuloy pa rin ako sa pagtatanong sa kanila kung anong nangyari.

"Paano siya nasunog ng buhay? Asan ako ng mga oras na iyon?" paulit-ulit na tanong ko sa kanila.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now