KABANATA XII

1K 40 2
                                    

Kakadating ko palang sa opisina ng marinig ko ang isang napaka gandang balita.

Gumising na si Lucio!

Sobrang saya ko dahil sa wakas mabuti na nga ang lagay ni Lucio.

Gusto ko mang pumunta agad sa hospital ngayon ngunit may importanteng bagay kaming gagawin ngayon sa opisina dahil ngayon ang unang araw ng photoshoot ng mga damit ni Bella.

Habang nasa trabaho ako ay hinayaan kong magbantay si Manang Pasing at si Alma na mga kasambahay niya.

Nakaupo ako sa upuan ko ng biglang tumawag sa akin si Marga ng Production team.

"Ms. Emily! We need you here right now."

Wala ng lumabas na salita sa bibig ko at nag madali na akong bumaba sa production team.

Sobrang daming tao sa production team ngayon dahil lahat ng modelo namin ay inimbitahan para sa isang malakihang photoshoot.

Paglabas ko ng elevator ay agad akong sinalubong ni Marga.

"What's wrong?" tanong ko agad sa kanya.

"Yung assistant ni Ms. Bella kanina pa nag aattitude dito,"

"Aahh... Ok! Akong bahala."

Lumapit ako agad sa assistant ni Ms. Bella at tinanong ko agad ito kung may problema ba.

"Hello Ma'am, kamusta po ang 1st day?" tanong ko sa kanya.

"Ms. Emily yung mga model nyo napaka lousy. Walang ka pose-pose kung pumosing,"

"Aahh ganun po ba? Sige po pag sasabihan ko sila."

Agad kong pinatigil ang photoshoot at pinagalitan ko lahat ng nasa production team.

"Anong problema nyo! Big break nyo itong photoshoot na 'to tapos patanga-tanga kayo? Ayusin nyo naman nakakahiya sa client natin!" Galit na sambit ko sa kanila. , "Ikaw Dimple! Umayos ka! Ayoko ng maattitude dito! Nag kapangalan ka lang lumalaki na ulo mo?" Galit na sambit ko sa kanya.

Inirapan lang ako ni Dimple at tumalikod sa akin.

"Asan na ang make up and hair team? Ayusan niyo ng maayos yang mga Modelo niyo ang papanget! Pag bilang ko ng tatlo dapat maayos na set nyo kung hindi ipag sesesante ko kayo!" Sigaw ko sa kanila.

Habang nagtatalak ako sa kanila ay dumating din si Celine.

"What's happening here?" Galit niyang sambit.

Agad na lumapit sa kanya si Marga para mag paliwanag.

"Ma'am Celine, Kasi po nagagalit yung sa Bella Co. Wala daw pong ka pose-pose ang mga babaeng model natin,"

"Ganun ba?"

"Ok guys! Unang araw palang ng photoshoot ito marami-rami pang magaganap kaya ayusin niyo ang ginagawa niyo! Ayoko ng patanga-tanga dito! Wag niyo akong ipahiya kay Ms. Bella!" Galit niyang sambit.

Purgang-purga na ang set sa galit namin kaya kinol-out muna ng Bella Co ang photoshoot.

"Sobrang hussle na at ayoko na ng ambiance. Will continue the photoshoot later. Mag pahinga muna kayo at mag ayos ng set nyo," sambit ng assistant ni Bella.

"Thank you and sorry for the inconvenience," Magalang na sambit ko sa kanya.

Agad na umalis ang assistant ni Bella at sinabayan ko ito sa elevator. Hinayaan kong naiwan si Celine sa production para pagalitan ang mga tatanga-tanga na model niya.

"We're really sorry Ms. Hayaan nyo po mamaya maayos na ang set."

Seryosong nakatingin sa pinto ang assistant ni Bella at hindi ito sumagot sa sinabi ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now