Kabanata XVIII

873 46 12
                                    

Habang nag babasa ako ng mga dokumento sa opisina ko ay may napansin akong isang folder sa gilid ng laptop ko.

"May naligaw pa na papeles." sambit ko.

Ibinaba ko yung binabasa kong papeles at kinuha ko ito para basahin.

Pagbukas ko ng folder ay kakaibang contract ang nabasa ko. 

"Signed by Gianna and Lucio?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Binasa ko ng buo yung contract na ito at nalaman ko na hindi pala tunay ang kasal naming dalawa. Mas lalo akong naging curious sa pagkatao ni Gianna ng nakita ko sa loob ng folder ang isa pang sulat.

"Marriage contract? At talagang si Henry pa ang nagkasal sa aming dalawa?" natatawang sambit ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Henry. Nakailang tawag muna ako sa kanya bago niya sinagot ang tawag ko.

"What the fuck?" bungad niya sa akin.

"Hey! Stop cursing!" inis na sambit ko sa kanya.

"Gago talaga mga pinsan mo hindi ako binalitaan na gising ka na! Kamusta Bro?" tanong niya sa akin.

"I'm good! May salu-salo sa bahay mamaya pumunta ka dahil marami akong itatanong sayo," sambit ko sa kanya.

"Ano na namang pumasok sa isip mo? Sige-sige I will be there," sambit niya sa akin.

"Ok!" sabi ko sa kanya sabay patay ng tawag ko.

 Lumiyad ako ng bahagya sa upuan ko at nag bugtong hininga.

"Gianna? Gianna? Sino ka ba talaga sa buhay ko?" tanong ko nalang bigla sa sarili ko.

Pagkatapos kong mag isip ng malalim ay tumayo na ako sa upuan ko at kinuha ko ang coat ko para umalis na sa opisina ko. Paglabas ko ng opisina ko ay nakita ako ni Emily mula sa labas.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Emily.

"I'm going somewhere," sagot ko sa kanya.

Hindi ko na nilingon si Emily at sumakay na ako agad sa elevator. Pumunta ako agad sa parking lot at sumakay sa sasakyan ko para pumunta sa isang lugar na biglang pumasok sa utak ko.

Patuloy ako sa pag da-drive ng sasakyan ko hanggang sa natunton ko ang mall malapit sa opisina ko.

Pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot at tsaka ay madali akong pumasok sa mall. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko bakit ako nandito ngayon basta bigla nalang akong dinala ng mga paa ko dito.

Naglalakad-lakad ako hanggang sa nakakita ako ng flower shop. Nakatitig lang ako sa asul na rosas na naka display doon parang nangungusap siya sa akin. Lumapit pa ako ng bahadya sa bulalak ng para kunin ito ng bigla itong hinawakan ng isang babae.

Nagkahawakan kami ng kamay na dalawa.

"Hindi ko sinasadya Miss," nahihiyang sambit ko sa kanya.

Ngumiti sa akin yung babae sobrang ganda ng ngiti niya. 

"Ok lang! Bibilhin mo ba 'to?" tanong niya sa akin.

"Aaah sige sayo na napatitig lang ako sa bulaklak na ito ng hindi ko alam," sambit ko sa kanya.

"Bakit? May naaalala ka ba sa bulaklak na ito?" tanong niya sa akin.

"Wala. Wala akong maalala pero parang kinakausap ako ng bulaklak na bilhin ko siya," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sayo na 'to baka maalala mo kung anong meron sa bulaklak na ito," nakangiting sambit niya sa akin.

"Anong pangalan mo?" bigla ko nalang natanong sa kanya.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now