Chapter 37

686 39 9
                                    

Pumunta na kami sa conference room at doon ay hinarap namin ang media. Pagbukas na pagbukas ko palang ng pintuan ay tumambad na agad sa amin ang mga cameraman na masigasig sa pagkuha ng mga litrato namin.

Umupo na ako sa upuan na nakalaan sa akin at nagulat nalang ako nang nandito din si Celine at Dimple.

"Anong ginagawa nilang dalawa dito?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Palinga-linga ako sa paligid ko habang nag iisip kung anong nakalimutan ko ng bigla akong tinanong ng isang interviewer.

"Magandang araw po Mr. Lucio Iglesias. Hindi na maitatago pa at maikakala ng karamihan na ang inyong mga gawang magazines ay talagang dekalidad at ngayon'y humaharap kayo sa tinawag na peak career sa industriyang napili niyo. Gusto lang po namin malaman kung anong pakiramdam na namamayagpag muli kayo sa takilya?" 

Ngumiti ako sa kanya ng malaki at tinugon ko ang katanungan niya.

"Sa una, hindi ko rin talaga ine-expect na babalik muli kami sa dati dahil alam niyo namang lahat na humarap kami sa matinding pagsubok dahil tinakbo ng mga dati naming shareholders ang pera ng kumpanya at nag iwan na malaking aberya sa amin. Malaki ang utang na loob namin sa Bella.co lalo na ako at sa mga naipasok nilang client sa amin,"

"Kamusta naman makatrabaho ang Bella?"

"Sobrang professional nilang tao and very creative dahil lahat ng nakikita niyong mga litrato sa online ngayon ay idea nila,"

"Ms. Bella, kumusta naman ang pakikipag partner sa candy magazine?"

"Well I didn't expect na ganito pala ang candy magazine,"

"What do you mean na ganito po Ms. Bella?"

Tumingin sa akin si Bella at sumagot sa interviewer.

"I'm not expecting na ganito kagaling ang company na 'to when it comes to modeling and photoshoot. And I would like to congratulate all the models, Camera-man and the production under candy magazine for accepting our challenges! To my fellow entrepreneurs come and join us to this company para naman maka experience kayo ng mas magandang product and quality." nakangiti niyang sambit sa interview sabay palakpak.

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Bella.

Habang nasa kasalukuyan kaming nag iinterview ay may mga dumadating na emails kay Emily.

Patingin-tingin sa akin si Emily habang nakangiting nakatutok sa kanyang laptop.

"Mr. Lucio Iglesias, how's your heart right now? Meron na bang bagong nag papatibok nito ngayon?" biglang tanong ng isang babaeng interviewer sa akin.

Para akong naistatwa sa tanong niyang 'yun hindi ko alam kung anong isasagot ko ngunit dahil sa ayokong putulin ang tanong na ito ay matapang ko itong sinagot.

"As of now hindi pa din talaga ako nakakapag move on sa pagkawala ng asawa kong si Gianna hanggang ngayon sinisisi ko pa rin kung bakit siya namatay. Iba ang Lucio 8 years ago sobrang tanga niyang tao dahil isinantabi niya ang asawa niya para lang sa ibang tao. Nagsisisi pa rin ako sa nangyari dahil hindi ko man lang nasabi sa asawa ko na mahal na mahal ko siya," maluha-luha kong tugon sa kanya.

"We're sorry to hear that Mr. Lucio pero atlist ngayon diba nalaman mo na mahal na mahal mo pala talaga ang asawa mo," , "Ok lang po ba na itanong ko ito sa inyo? Meron kasing isang unknown person na nag message sa akin na namimilit sa akin na itanong ito sa inyo,"

"Sige ano 'yun?"

"Bakit ang lakas ng kapit niyo sa Bella?"

Ngumiti ako sa kanya.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now