KABANATA XXV

1K 43 32
                                    

Makalipas ang ilang oras na pagtulog ko ng matiwasay sa opisina ko ay umuwi na ako agad sa bahay ng hindi ako nagsasabi kay Celine.

Hindi pa oras ng uwian neto ngunit nag kukumahog na ako sa pag uwi dahil sabik na sabik na akong makita si Gianna.

"Uuwi na ako kapag nag tanong si Celine sabihin mo may pinuntahan ako," sambit ko kay Emily.

"Sige akong bahala sayo." sambit niya sa akin.

Umalis na ako at nag madali na akong umuwi sa bahay. Mabilis ang patakbo ng aking sasakyan kaya mabilis akong nakauwi sa bahay.

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay gulat na nagtanong sa akin si Manang Pasing.

"Ang aga mo atang umuwi?" tanong niya sa akin.

"Na miss ko na si Gianna, Manang. Asan siya?" tanong ko sa kanya.

"Nandoon sa kwarto niya tulog ata," tugon niya sa akin.

"Salamat Manang." nakangiting sambit ko sa kanya.

Agad akong umalis sa harap ni Manang Pasing at madali akong tumungo sa kwarto ni Gianna. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto niya at pumasok ako sa loob. 

Masarap ang tulog niya kaya lumapit ako sa kanya para hipuin ang kanyang mukha.

"I really miss you Love." nakangiting sambit ko habang hinahawakan ang mukha ni Gianna.

Nakatitig lang ako sa kanya ng mga ilang minuto hanggang sa hindi ko na talaga natiis ang sarili ko at hinalikan ko na siya sa labi niya. Gumalaw ng bahagya si Gianna kaya madali akong lumabas ng silid niya dahil baka mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Saktong-sakto mula ng paglabas ko sa silid ni Gianna ay biglang dumating si Celine kaya agad ko ni-lock ang pinto ni Gianna at pumunta ako sa silid ko para mapalit ng damit ko.

Mabilis akong nagpalit ng damit ko at umupo ako sa kama ko.  Tumayo muli ako sa kama ko at kinuha ko ang magazine sa la mesa. 

Binasa ko ito ng bahagya ng biglang bumalibag ang pinto ng silid ko at nakita ko si Celine na namumula sa galit.

"Ano ba Lucio!" galit na galit na sigaw ni Celine sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa lumapit siya sa akin at pinagsasapak ako.

"Nakakainis ka! Bakit kailangan ko pang gawin ang lahat ng mga ito sana hindi nalang ako bumalik sayo!" galit na sambit niya sa akin.

"Sino ba kasing nag sabing magsumiksik ka pa dito sa akin? Hindi naman kita mahal dahil may Gianna na ako! Paano ba kita nabuntis? Kailan at saan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Bukod sa wala kang hiya nakakaawa ka pa Lucio! Sira na ang pamilya mo at wala ka ng babalikan na asawa!" sigaw niya sa akin.

"Yan ang akala mo! Kapag lumabas na yang bata na yan ipapa Dna ko agad yan para makasigurado ako na akin talaga yan!" galit na sambit ko sa kanya.

"Kapag anak mo 'tong bata na dinadala ko hahampas ko yung Dna mo! Punyetang 'to!" galit na sambit niya sa akin.

"Sige! Samahan pa kita sa pagkuha!" galit na sambit ko sa kanya.

Habang nag aaway kami ni Celine sa kwarto ay bigla nalang siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa aking labi. Nagulat ako sa ginawa niya kaya bigla ko siyang itinulak papalayo sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dali-dali akong lumabas sa silid ko at iniwan kong mag isa si Celine sa kwarto. 

Hindi ako natutuwa sa ginawa sa akin ni Celine kaya padabog akong umalis sa silid ko at tumungo ako sa baba para uminom ng alak.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon