KABANATA XVII

891 48 22
                                    

Unti-unti ko ng nababalik ang dating lakas ko ngunit ang mga alaala ko ay nananatiling sarado. Gayunpaman hindi naging hadlang ang alaala ko para sa trabaho ko.

Nakalaya na din ako sa apat na sulok ng silid na yun at ngayon ay babalik na ako sa kumpanya para alamin kung anong estado nito mula noong na-ospital ako.

Nagmamadali akong kumilos para makapasok ako ng trabaho. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay sumakay na ako ng kotse ko at umalis ng bahay.

Habang naglalakad ako sa building papunta ng opisina ko ay ang daming taong nakangiti sa akin lahat sila parang masayang nakita ako na buhay.

Binati nila ako isa-isa pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sinungitan ko silang lahat. Nagmadali akong sumakay sa elevator ko at sinara ito.

Nagmadali akong pumasok sa opisina ko at tinawag si Emily na gulat na nakatingin sa akin sa labas.

"Emily!" sigaw ko.

Agad na lumapit si Emily sa akin.

"Emily, I-briefing mo ako sa mga nangyari sa company ng wala ako." sambit ko sa kanya.

Agad na lumabas si Emily para kunin ang mga papeles at mabilis na bumalik sa loob.

"Sobrang daming magandang nangyari sa company nung nasa ospital ka pa at syempre hindi ko pinabayaan ang kumpanya mo," sambit niya sa akin habang inaabot ang mga papeles sa akin.

"So anong mga magagandang nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Sobrang daming nag sponsor sa ating company natin at nag invest. Alam mo yung Bella.Co? Sila ang dahilan kung bakit namamayagpag sa takila ang company natin," masaya niyang lahad sa akin.

"Bella.Co? Hindi ko sila kilala pero maraming salamat sa kanila," sambit ko sa kanila.

"Nasa production team sila ngayon dahil merong ginagawang photoshoot gusto mo ba sila makilala?" tanong niya sa akin.

"Ok!" sambit ko sa kanya.

Tumayo na ako sa upuan ko at sumama ako sa baba para tingnan ang kaganapan sa production team.

Pagbaba namin sa baba ay ramdam ko ang init dala ng crowded na lugar. Ang daming mukha sa production team. Nakatingin lang ako sa kanilang lahat ng biglang napukaw ng isang babae ang atensyon ko. Sigurado akong modelo siya dahil siya ang pinipicturan ng cameraman.

Habang nakikipag usap si Emily sa mga staff doon ay tinawag ko siya. Ngumiti siya sa akin at tinawag ang mga staff namin agad naman silang tumigil sa ginagawa nila at gulat na tumingin sa akin.

"Really? Ngayon nyo lang ako napansin samantalang kanina pa ako nandito?" inis na sambit ko sa sarili ko.

"Guys! I-welcome natin muli si Sir. Lucio Iglesias!" nakangiting sambit ni Emily sa kanila.

Agad na nagpalakpakan ang mga staff namin at bumati sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanila at tumingin muli ako sa babaeng tinititigan ko.

Pagkatapos kong magpakita sa kanila ay umalis na agad ako sa production team.

"Anong pangalan nung chinita na model natin?" tanong ko sa kanya.

"Sino? Chinita na model natin?" tanong niya pabalik sa akin.

Tumingin ako muli sa harap at nakita ko yung babae na nakaupo sa gilid.

"Yung model kanina na chinita," sambit ko sa kanya muli.

"Si Dimple?" gulat na tanong niya sa akin.

"Dimple ba name niya?" tanong ko sa kanya.

"Huy tumigil ka sa iniisip mo bestfriend ng asawa mo yan," inis na sambit ni Emily sa akin.

Tumingin lang ako kay Emily at umalis na ako. Iniwan ko si Emily sa production team dahil sobrang daming gagawin ngayon gawa ng madaming sponsor at investment. Umakyat na ako sa opisina ko para basahin ang mga papeles na binigay sa akin ni Emily pagpasok na pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Celine na nakaupo sa upuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya.

"Are you still mad at me?" sambit niya sa akin sabay tayo sa kinauupuan niya.

Lumapit sa akin si Celine at hinawakan ako sa kamay ko para akong nanlamig sa mga hawak niya sa akin parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit nahihiya akong gawin ito dahil sa masamang alaala ko sa kanya.

"I know hindi mo ako mapapatawad sa ginawa ko sayo pero sana naman kahit pag kakaibigan lang ay maibigay mo sa akin," sambit niya sa akin.

"Alam mo sinayang mo lahat ng pagkakataon sana tumanda kang dalaga at sana wala ng mag mahal sayo gaya ng ginawa ko sayo noon," seryosong sambit ko sa kanya.

"What if halikan kita ngayon?" malanding sambit niya sa akin habang nakatapat ang labi niya sa labi ko.

Tinulak ko ng bahagya si Celine kaya napalayo siya sa akin.

"I don't want to make a mistake anymore. Celine, wala ng papatol sayo dahil sa mga kagagahang ginawa mo sa akin! Kapatid ko pa talaga ang pinalit mo sa akin? Fuck you!" galit na sambit ko sa kanya.

"Wait? What? Kapatid mo pinalit ko sayo? So totoo nga ang balita na this studid Lucio loss his memory? So pathetic! Pero Babe! I will make you gather all your memory just come back to me," pangmamakaawa ni Celine sa akin.

"Sinong pathetic sa ating dalawa Celine? Get lost! Tapos na ang lahat ng namagitan sa ating dalawa wala na akong dahilan para balikan ka pa kahit na ikaw ang unang-una na naalala ko!" sigaw ko sa kanya

Binuksan ko ang pinto ng opisina ko at pinalabas ko si Celine mula sa loob. Saktong pagbukas ko ay papalapit naman si Emily sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ni Emily sa akin.

"Alis!" sigaw ko kay Celine.

Padabog na umalis ng opisina ko si Celine at nakikita ko sa mukha ni Emily na natutuwa siya.

"Kaya naman pala. Hoy Bitch!" sigaw ni Emily kay Celine.

Pumasok na ako muli sa opisina ko kasabay ng pagtawag ko kay Emily.

"Come inside!" tawag ko kay Emily.

Sumunod sa pagpasok si Emily sa loob ng opisina ko. Umupo ako sa upuan ko at inutusan ko siyang magtawag ng utility para linisan ang buong opisina ko.

"Sabihin mo sa utility na i-sanitize at ayusin ang opisina ko today and gusto kong makita ang Bella.Co kaya kung pupwede ay gawan mo kami ng schedule for dinner tomorrow night," utos ko kay Emily.

"Ok!" nakangiting sambit niya sa akin.

"And of course! May handaan sa bahay mamaya gusto kong pumunta kayong mag anak doon dahil gusto ko kumpleto tayong lahat na pamilya," sabi ko kay Emily.

"Ok Lucio!" nakangiting sambit niya sa akin.

"Call me Kuya stupid!" inis na sambit ko sa kanya.

"Ok Kuya Lucio. Ang pangit pakinggan!" natatawang sambit niya sa akin sabay labas ng opisina ko.

Susubukan kong mahalin ang mga taong nasa tabi ko ngayon alam kong may magandang samahan ang nabuo namin. Hahanapin ko ang Lucio Iglesias 8 years ago. 

"Aalahanin kita Gianna pinapangako ko yan sayo." nakangiting sambit ko.

Kinuha ko na muli ang mga papeles na iniabot sa akin ni Emily at binasa ito lahat. Sobrang laking pera ang nasa banko namin ngayon at dahil dito ay makakaahon na muli ako sa pagkakabaon sa utang kay Celine.

Pwede ko ng bilhin ang shares ko kay Celine dahil sa mga investment na natanggap ko.  




Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now