KABANATA 33

709 35 13
                                    

Mabilis lang lumipas ang mga oras at natapos ko na ang mga dapat kong trabauhin sa opisina ko kaya nauna na kaming umalis ni Emily sa opisina upang pumunta sa restaurant na kakainan namin para sa dinner na gaganapin ngayong araw.

"Anong prefer mong food? Italian? Mexican or anything na gusto mo," tanong sa akin Emily habang nasa sasakyan ko siya.

"Gusto ko lang ng simpleng pagkain ngayon ayoko ng madaming ginagawa," tugon ko sa kanya.

"What if buffet nalang para sari-sariling kuha ng food?" tanong niya muli sa akin.

"Hmm... Sabihan mo nga ang Bella na sumama na rin sa dinner natin with the team," utos  ko sa kanya.

"Why? Bakit kailangan kasama pa sila?" inis na tanong niya sa akin.

"Who's the boss here? Ikaw ba o ako? I will decide kung sino papuntahin ko," inis na tugon ko sa kanya.

"Do you have plans for dinner ba kaya ganyan ka?" tanong niya muli sa akin.

"Ang dami mong tanong Emily! Wala akong plans gusto ko lang kumain that's all!" tugon ko sa kanya.

"Ok. Ako ng bahala sa kakainan natin," sambit niya sa akin.

"No. Parang gusto kong pumasok sa isang lugar na mainit at mausok." nakangiti kong sambit sa kanya.

Lumipas ang ilang oras.

Nasa labas kami ni Emily ng isang pamilyar na kainan ng nakita naming dumating na ang buong miyembro ng aking kumpanya. Lahat sila nagtataka kung bakit dito ko sila dinala ngunit hindi nila alam na ito ang unang kainan na pinakilala sa akin ni Gianna.

Pumasok na kaming lahat sa loob at pansin ko na iritable ang mangilan-ngilan na modelo namin kaya hindi na naman ako nakapag timpi ng bunganga ko at nakapag salita na naman ako ng masama sa kanila.

"May umangal ba sa kakainan natin ngayon?" mataray kong tanong sa kanila.

Walang tumugon sa tanong ko kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha ako ng kakainin ko.

Nakakuha na ako ng pagkain na lulutuin ko ngunit hindi pa din sila tumatayo sa kinauupuan nila kaya sinimulan ko na ang pag grill ng pagkain ko.

"Ngayon lang ba kayo nakakain sa ganitong kainan?" tanong ko muli sa kanila.

"Hindi naman sa hindi pa kami na kakakain sa ganitong kainan medyo nagulat lang talaga ako na napapasok ka dito?" nagtatakang tanong ni Emily sa akin.

"Nakita ko na madaming tao dito lagi kaya gusto kong subukan ang kumain dito," tugon ko sa kanya.

"Aaahh... Ok kung ganun ay kukuha na kami," sambit niya sa akin.

"Simulan niyo ng kumuha dahil matatagalan pa kayo sa pagkain." sambit ko sa kanila.

Hindi pa dumadating ang mga Bella ng mga oras na ito kaya panatag pa akong kumakain ng niluto kong karne.

Ang lahat ay abala sa kani-kanilang pag iihaw ng bigla akong binulungan ni Emily.

"Hindi na ata dadating ang mga Bella," bulong niya sa akin.

"Kung hindi sila makakarating ayos lang sa akin may ibang araw pa naman," tugon ko sa kanya.

"Sabagay at tsaka nakakahiya naman na pakainin natin sila dito sa samgyupsalan," inis na sambit niya sa akin.

"Anong nakakahiya dito? Dahil ba sa mausok?" tanong ko sa kanya.

"Oo!" sigaw niya sa akin.

Bigla akong natawa kay Emily at pagkatapos ay tinitigan ko siya ng masama kaya nanahimik na siya.

Parang naging maamong tupa si Emily pagkatapos ko siyang titigas ng masama kaya itinuon nalang niya sa pagkain ang atensyon niya at hindi na niya ako muling ginulo pa.

Tuwang-tuwa ako sa ginagawa ko ngayon kaya nakadami ako ng pagkain.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ay bigla nalang napatili ang isa naming modelo.

Nag tinginan kaming lahat sa kanya at kitang-kita sa kanyang mukha na sobrang saya niya kaya tinanong agad siya ni Marga kung anong meron.

"Anong meron at tuwang-tuwa ka diyan?" tanong ni Marga sa kanya.

Pinakita niya ang cellphone niya kay Marga at nanlaki ang mga mata ni Marga sabay ngiti sa aming lahat.

"Naka feature tayo sa isang balita Sir Lucio!" masayang sambit ni Marga sa akin.

"Huh? Paano?" nag tatakang tanong ni Emily sa kanya.

"Tingnan niyo ang mga cellphone niyo dahil ibinabalita ang ating kumpanya sa tv dahil sa bagong launch ng product ng Bella!" masayang sambit ni Marga sa amin.

Nag palakpakan ang lahat at mas lalo silang natuwa ng nakita ang mukha ng mga modelo namin sa tv.

"Sikat kana Dimple!" masayang sambit nila kay Dimple.

Dahil sa mabuting balita na narinig ko sa kanila ay hindi ko napigilan ang sarili ko na makipag toss sa kanilang lahat.

Itinaas ko ang baso ng soju sa kanila at nakipag toss ako tanda ng kasiyahan ko para sa kumpanya namin.

"To success!" masayang sigaw ko sa kanila.

"To success!" tugon nila sa akin.

Nag inuman kami at kumain kami ngayon ng walang pang aalinlangan para sa kinabukasan.

Masaya na ang lahat kumpara mo kanina at mas lalong sumaya ang gabing ito sa amin ng makatanggap ng tawag si Emily.

Sinagot niya ito at pigil tili siya na nakikinig sa sinasabi sa kanya ng kausap niya.

Pinatay niya ang tawag at nag titili siya habang nag lululundag sa tuwa.

"May malaking offer ang isang istasyon sa atin para lang i-model natin ang iba't-ibang mga fashion designer clothes!" masayang balita niya sa amin.

Nagtayuan ang mga kasamahan namin at nagyakapan sa sobrang tuwa.

Masaya ako na ngayon pero hindi ko ito pinapahalata masyado sa kanila. Nababawi ko na nga talaga ang pangalan ng kumpanya ko at unti-unti na muli kaming namamayagpag sa takilya dahil sa tulong ng Bella.

Pinatawagan ko agad kay Emily ang Bella upang mag pasalamat sa kanila dahil sa tulong na ginagawa nila sa amin ngayon.

Inutusan ko si Emily na bumili ng mga bulaklak para sa Bella para ipadala sa kanilang opisina kinabukasan.

Hindi namin namalayan ang oras na gabing-gabi na pala kaya bago kaming mag hiwa-hiwalay na lahat ay pinaalalahanan ko silang lahat na gumising ng maaga para sa photoshoot kinabukasan.

Kasama kong nag lakad palayo si Emily at iniwan namin sila upang umiba ng direksyon ng bigla kaming hinabol ni Celine.

"Hey guys!" masayang sambit niya sa amin.

"Pagod na ako Celine at wala akong time para sayo," asar na sambit ko sa kanya.

"I just want to congratulate everyone  dahil sa matagumpay na trabaho that's all," malambing na sambit niya sa amin.

"Bakit hindi mo sinabi kanina 'yan nung magkakasama pa tayong lahat?" inis na tanong ni Emily sa kanya.

"Well, I'm out of words dahil sa saya kaya ganun. Anyway, I have to go. Bye!" nakangiting sambit niya sa amin sabay lihis ng daan.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Emily habang tinitingnan namin ni Celine na papalayo sa amin.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Emily sa akin.

Nag kibit balikat lang ako sa kanya at nag patuloy na ako sa paglalakad ko.

Nag madali na akong mag lakad dahil pagod na din ang katawan ko ngayon at medyo tipsy na ako dahil sa ininom kong soju. Sinabay ko na sa pag uwi si Emily at inihatid ko siya sa bahay nila dahil hindi naman kami malayong magkamag anak ngayon dahil kapatid ko na rin siya dahil asawa siya ng kambal ko.

Pagkatapos kong ihatid si Emily sa bahay niya ay umuwi na din ako agad sa bahay ko para mag pahinga at aralin muli ang kontrata ng Bella.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now