KABANATA XXIII

1K 47 20
                                    

Habang tumatagal ang pananatili ni Celine dito sa pamamahay namin ni Gianna ay mas lalong gumugulo ang lahat. Hindi ko na kayang makisama sa babaeng ito hindi ko na kayang saktan ang asawa ko.

Hindi natapos sa mga bangayan sa umaga hanggang gabi sa loob ng bahay namin parang nagkabagyo sa loob dahil hindi matapos-tapos ang bangayan ni Celine at Gianna.

Kinabukasan nagising nalang ako sa tabi ni Celine. Nakahiga siya sa mga braso ko kaya agad kong tinanggal ang ulo niya sa braso ko at pumasok ako sa kasilyas para maligo.

Habang naliligo ako ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Nakakahiya ako sobrang nakakahiya. Ano nalang mukhang ipapakita ko kapag nalaman ni Don ang mga ginagawa ko ngayon baka ilayo niya sa akin si Gianna.

Lumipas ang mahigit kalahating oras ko sa loob ng banyo ay natapos na din ako sa pagligo ko. Lumabas na ako sa banyo at nakita kong wala na si Celine doon kaya nag madali akong magbihis at bumaba sa kusina para mag almusal.

Pagbaba na pagbaba ko sa kusina ay nakita kong kumakain sina Gianna, Manang Pasing at Celine kaya agad akong lumapit kay Gianna para humingi din ng makakain ko.

"Love, Anong pagkain natin?" tanong ko sa kanya.

"Nagluto ako ng tinolang manok, Gusto mo bang kumain?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Sige." nakangiting sambit ko sa kanya.

Pinaupo niya ako sa upuan at tumayo siya para ipaghain ako ng agahan.

"Ooh! Mainit yan ingat lang," sambit niya sa akin.

"Salamat!" sambit ko sa kanya.

Agad kong kinain ang pagkaing inihain niya sa akin at sobrang sarap na sarap naman ako dito.

"Ang sarap!" masayang sambit ko sa kanya.

"Thank you," sambit niya sa akin.

"Try my egg I cooked it for you." pang aalok ni Celine sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nakatuon lang ang atensyon ko kay Gianna ng mga oras na ito.

"Lucio, Sasamahan ko palang mag grocery si Manang ngayon may ipapabili ka ba?" tanong niya sa akin.

"Wala naman," sambit ko sa kanya.

"Ok sige," sambit niya sa akin.

"Yan tama yang gagawin mo Gianna. Mas bagay sayo maging muchacha kaysa maging asawa," natatawang sambit ni Celine sa kanya.

"Enough! Kung hindi lang kita nabuntis hindi ka titira dito sa pamamahay ko kaya kung pwede manahimik ka diyan Celine!" galit na sambit ko kay Celine.

Hindi na sumabat si Celine sa akin at tinuloy nalang niya ang pag kain niya habang nakikita ko na nakangisi si Gianna na kumakain ng pagkain niya.

Mabilis na natapos sa pagkain si Gianna kaya umakyat na agad siya sa silid niya.

"Manang, Maliligo lang ako tapos after nito alis na agad tayong dalawa aah." sambit ni Gianna kay Manang sabay alis sa pwesto nito.

Tumingin ako kay Gianna at minadali ko na ang pagkain ko dahil ma-lelate na ako sa trabaho ko.

Pinalipas ko muna ng ilang minuto si Gianna sa silid niya bago ko sinubukan buksan ang pinto ng kwarto niya at sobra nalang ang kasiyahan ko sapagkat nabuksan ko ang pinto niya ng hindi nahihirapan.

Agad kong ni-lock ang pinto at naghubad ako ng pang itaas ko sabay pasok sa banyo kung nasaan si Gianna. Nakatalikod si Gianna sa pintuan kaya hindi niya ako nakita at naramdam kaya dahan-dahan kong hinawakan ang beywang niya at nagulat nalang siya ng nakita ako sa loob kaya pilit niya akong pinapaalis sa loob ng silid niya.

"Wag!" galit na sambit niya sa akin. , "Ayoko ng gulo Lucio! Pakiusap lumabas ka sa silid ko!" nag mamakaawa niyang sambit sa akin.

Pinagtulakan niya ako sa loob ng silid niya at pinalabas ako. Wala akong magawa kung hindi ang umalis nalang dahil alam ko kapag pinilit ko pa ang gusto ko ay magkakaroon na naman ng kaguluhan sa kanila ni Celine kaya nagpadala nalang ako sa pag papaalis niya sa akin.

Malungkot akong pumunta sa silid ko. Pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko si Celine na naka pameywang na nakatingin sa akin.

"Galing ka na naman kay Gianna!" galit na sambit niya sa akin.

"Anong pake mo? Asawa ko naman yun," inis na sambit ko sa kanya.

"Kung tanggalin ko nalang kaya yung pera ko na tinulong sayo? Matutuwa ka ba?" galit na tanong niya sa akin.

"Edi tanggalin mo! Mabuti ng tanggalin mo lahat ng shares mo sa kumpanya ko para mawala ka na din sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit! Bakit hindi mo ako kayang mahalin muli?" tanong niya sa akin.

"Simple lang. Dahil ikaw si Celine." pang asar na sambit ko sa kanya.

Galit na galit si Celine sa akin kaya pinag sasapak niya ako. Hindi ako bumawi sa kanya dahil alam kong babae siya kahit anong pananakit na gawin niya sa akin ay dapat hindi ako bumawi.

Hinayaan ko lang siya na ibuhos lahat ng galit niya sa akin hanggang sa mag sawa siya. Binuksan ko ang closet ko at kinuha ko na ang damit kong suuotin para sa trabaho at pagkatapos ay nagbihis na ako. Galit na lumabas ng kwarto ko si Celine hindi ko alam kung saan siya pupunta. Pagkatapos kong magbihis ay umupo na muna ako saglit sa kama ko habang patuloy na nag bubugtong hininga. Ilang minuto lang ang lumipas mula ng lumabas si Celine ng may narinig akong sigawan sa baba kaya agad akong tumayo sa kama ko at madali akong bumaba sa baba.

Sa garahe ay patuloy ang palitan ng maaanghang na salirta sina Gianna at Celine hanggang sa nakikita ko ng dehado na si Celine kay Gianna dahil nambabato na si Celine kay Gianna sa kotse.

"Anong nangyayari dito?" galit kong sambit sa kanila.

"Anong nangyayari? Tanungin mo sa magaling mong asawa!" galit na sambit ni Celine sa akin.

"Ooh? Sayo na mismo lumabas. Ako ang asawa at kabit ka lang!" sigaw ni Gianna kay Celine.

Nag-init ang ulo ni Celine kaya sinugod niya si Gianna sa kotse.

"Wag mong sasaktan ang asawa ko Celine! Nabuntis lang kita pero wala kang karapatang saktan ang asawa ko!" galit kong sambit sa kanya.

"Lucio! Ako naman ang nauna diba? Alam kong mahal mo pa din ako bakit pinoprotektahan mo ang basurang yan?" galit na sambit ni Celine.

"Wala kang karapatang manghingi ng pag mamahal sa akin sa una palang niloko mo ako ay nawala na lahat ng pag mamahal na meron ako sayo noon! Maligo kana at pumasok ka sa trabaho hindi pa nga lumalaki ang tiyan mo ganyan na agad ang asta mo? Buntis ka ba talaga? Bakit parang ang lakas-lakas mo?" galit na tanong ko sa kanya.

Padabog na pumasok si Celine sa loob kaya sumunod na ako doon para balaan si Celine sa masamang binabalak niya kay Gianna. Sinundan ko si Celine sa kwarto ko at doon ko siya binalaan.

Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso niya.

"Tigilan mo ang asawa ko kung ayaw mong ako mismo ang pag palayas sayo dito sa pamamahay ko!" galit kong sambit sa kanya sabay alis sa harap niyan.

Iniwan ko na siya sa silid ko at bumaba na ako para pumasok sa trabaho ng saktong kakaalis lang din nila Gianna ng bahay para mag grocery.

Sumakay ako agad sa sasakyan ko para pumasok sa trabaho ngunit ng nasa daan na ako ay naisipan kong sundan nalang sila Gianna sa grocery at wag na muna papasok sa trabaho.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEKde žijí příběhy. Začni objevovat