KABANATA XIX

927 45 24
                                    

Nakatayo ako sa isang kwarto ng biglang nag liwanag ang buong paligid habang palinga-linga ako sa kapaligiran ay nakita ko si Celine na bumubunot ng baril sa kanyang bag agad ko siyang tinakbo at nakipag agawan ako ng baril sa kanya ngunit sa hindi inaasahan ay nakalabit niya ang trigger at nabaril niya ako sa aking tagiliran.

Maraming dugo ang nawala sa akin kaya hinang-hina ako ng mga oras na ito. Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko si Manang Pasing na nakatingin sa akin at nag aalala kaya agad  niya akong itinakbo sa ospital para magamot ng mga Doctor.

Nasa ulirat pa ako nito ng nakita ko si Gianna na nakahawak sa kamay ko at nag sasabing "kailangan kong mabuhay" kaya lumaban ako mula sa kamatayan.

"Sir Lucio? Gising na po Sir Lucio." paulit-ulit na tawag sa pangalan ko.

Pamulat-mulat ang mata ko habang inaaninag ang liwanag ng makita ko ang isang babae na nakatingin sa akin. Napabalikwas ako sa higaan ko at bigla ko nalang nasambit ang pangalan ni asawa kong si Gianna.

"Gianna!" sambit ko bigla.

Palinga-linga ako sa kapaligiran ng magising ako sabay hawak sa tagiliran ko.

"Naaalala ko na," seryosong sambit ko sa babae. , "Hindi ako na-aksidente sa kotse bagkus ay tinangka akong patayin ni Celine," seryoso kong sambit sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ng babae na nakatingin sa akin at sabay umalis ng kwarto. Tumayo ako sa kama na pinag hihigaan ko at nakita ko ang malaking litrato namin ni Gianna doon.

"Unti-unti maaalala din kita pero sa ngayon hayaan mo muna akong harapin ang nagtangka sa buhay ko." galit na sambit ko habang nakatingin sa litrato ni Gianna.

Nag unat ako ng bahagya at pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto ni Gianna. Paglabas na paglabas ko palang kwarto niya ay agad akong sinalubong ni Manang Pasing.

"Sir Lucio! Kamusta? May naaalala ka na ba?" nagtatakang tanong sa akin ni Manang.

"Wala pa akong maalala Manang," sambit ko sa kanya.

"Ano yung sinasabi ni Alma na naalala mo ang nangyari sayo kung bakit ka na-ospital?" tanong niya muli sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na naaalala ko na ang parte na yun para na rin sa kaligtasan ko at sa pag hihiganti ko kay Celine kaya mag papanggap muna ako sa kanila na wala akong naaalalang pangyayari sa nakaraan ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Manang?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ayun kasi ang sabi ni Alma sa akin. Wala ka talagang naaalala?" tanong niya sa akin.

"Wala po talaga akong maalala Manang," sambit ko sa kanya habang hinahawakan ang ulo ko.

Agad akong pinigilan ni Manang sa ginagawa ko.

"Sige na wag mong biglain ang sarili mo na maalala ang lahat," nag aalalang sambit ni Manang sa akin.

"Sige po Manang." sambit ko sa kanya.

Inakay ako ni Manang na bumaba sa sala para batiin ang mga pinsan ko. Nandito na ang lahat at sobrang ingay na ng bahay dahil sa mga batang nagsisitakbuhan sa loob ng bahay.

"Kamusta!" nakangiting sambit ni Fernando sa akin habang inaabot ang bote ng wine.

"Mabuti naman ako," nakangiting sambit ko sa kanila. , "Sinusubukan kong alalahanin si Gianna sa kwarto niya pero wala talaga akong maalala," malungkot na sambit ko sa kanila.

Inakbayan ako ni Fernando at hinatid sa upuan.

"Ok lang yan! Mahaba pa naman ang panahon kaya maaalala mo din si Gianna," nakangiting sambit niya sa akin.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now