KABANATA XL

730 48 17
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang sa akin si Bella at hindi kumikibo sa tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip ko at hinila ko si Bella.

"Lucio!" sigaw ni Emily sa akin habang hinihila ko palayo si Bella.

"Wag kang susunod!" galit na sigaw ko sa kanya.

Mahigpit ang hawak ko kay Bella habang hila-hila siya papunta sa fire exit ng police station.

Pagpasok namin sa fire exit ay agad ko itong sinarado para kornerin si Bella. Dahil sa sobrang galit ko sa kanya ay naitulak ko siya at tumama ang katawan niya sa pader.

"Hindi ka ba natatakot na saktan ako sa loob mismo ng istasyon na ito?" galit na tanong ni Bella sa akin.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Una pinahiya mo ako sa media ngayon ano? Mahihimasok ka sa buhay ko?"

"You know nothing!"

"Then let me know! Sino ka bang talaga Bella?"

Biglang napalunok si Bella sa tanong ko sa kanya. 

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako?"

"Magtatanong ba ako kung hindi?"

Lumapit sa akin si Bella sobrang lapit niya. Napapaatras ako sa bawat hakbang na ginagawa niya palapit sa akin.

"Kiss me," sambit niya habang hinahawakan ang coat ko.

"Ano?"

Palapit ng palapit si Bella sa akin ngunit palayo ako ng palayo sa kanya dahil sa panunukso niya sa akin.

"Gaano mo kamahal ang asawa mo?"

"Walang makakapantay ng pagmamahal ko sa kanya."

Itinulak ko ng bahagya si Bella papalayo sa akin upang makahinga ako ng maayos.

"Kung sabihin ko sayong ako si Gianna? Maniniwala ka ba?" 

"Hindi,"

"Bakit? Wala ka ba talagang napapansin o sadyang nag tatatanga-tangahan ka lang?"

"Kilala ko ang asawa ko Bella hindi mo ako maloloko!"

"Gusto mo ba malaman kung bakit ko binuksan ang kaso ng asawa mo?"

"Pinapalala mo lang ang sitwasyon ko Bella! Masyado kang pakelamera sa buhay ko! Bakit hindi ka nalang manahimik at mag focus sa business mo?"

"Wala ka ba talagang naaalala Lucio? Sa Paris?" sambit niya sa akin habang niyayapos ako.

"Teka! Teka lang Bella! Hindi kita kilala at the first place tapos may ipapasok ka na namang Paris dito? Nahihibang ka na siguro?"

"Oo! Pinipilit kong itago 'to Lucio pero ayoko na! Ayoko ng mag panggap pa!"

"Huh?"

Nakatingin lang ako sa kanya ng mga oras na ito habang umiiyak siya sa harapan ko.

"Tumigil ka nga sa pag iyak diyan Bella! Baka sabihin nila dito sinasaktan kita!"

"Lucio! Ako 'to! Alalahanin mo naman ako!"

"Tang inang buhay 'to padagdag sa problema! Ooh ngayon sino ka nga?"

Galit akong nagtatanong sa kanya ngunit hindi na naman siya sumasagot sa tanong ko. Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla niya akong tinulak sabay bukas ng pinto ng fire exit.

"Bella!" sigaw ko sa kanya. "Saan ka pupunta?"

Mabilis na naglakad si Bella papalayo sa akin kaya sinundan ko siya.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now