KABANATA 31

710 36 8
                                    

Maaga pa sa usapan namin ni Marco ay nandun na ako sa lugar kung saan kami magkikita. Habang nag hihintay ako sa kanila ay nag palakad-lakad muna ako sa loob ng mall upang libangin ang sarili ko.

Kinakabahan kasi ako sa maririnig ko mula sa doctorang kasintahan ni Marco. Kapag nandito ako sa mall na ito ay lagi akong tinatahak ng mga paa ko sa ice cream store kung saan ay naging historical place na sa amin ni Gianna.

Nakatingin ako mula sa malayo ng bigla ko nalang naisipang bumili ng paboritong ice cream ni Gianna.

Itinulak ko ang pinto paloob at hindi ko sinasadyang mabangga ang batang may hawak na ice cream cone. Nalaglag ang ice cream niya kaya bigla nalang siyang naiyak.

"Sorry! Nasaktan ka ba?" nag aalalang tanong ko sa bata.

Tumingin ito sa akin at bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

"Bibilhan kita ng bago mong ice cream ok lang ba sayo 'yun?" nakangiting tanong ko sa kanya. , "Anong flavor niyan?" tanong ko muli sa kanya.

"Chocolate," tugon niya sa akin.

"Sige bibilhan kita ng ice cream mo para mapalitan natin yung nalaglag." nakangiting sambit ko sa kanya.

Madali akong tumungo sa cashier at masaya naman akong naaalala pa rin ako ng mga crew dito.

"Sir? Yung dati pa rin ba?" tanong niya sa akin.

"Yes! Make it two para dun sa bata," tugon ko sa kanya.

"Ok sige po." tugon niya sa akin.

Hinintay ko lang matapos yung crew sa pag assemble ng ice cream na binili ko at pagkatapos ay inabot ko na ito sa bata.

Lumabas na ako sa ice cream store at patakbong umalis yung bata sa harapan ko habang kumakain ako ng ice cream ay nag palakad-lakad na muli ako sa mall at dinala naman ako ng mga paa ko sa isang flower shop.

"Ale, pabili ako ng bouquet combination ng hydrangea at blue roses," nakangiting sambit ko sa tindera.

"Sige po." tugon niya sa akin.

Agad na ginawa ng babae yung order ko sa kanya at naghintay muli ako ng ilang minuto para dito. Naubos ang oras ko sa pag hihintay pero worth it naman ito dahil iaayos ko ito sa bahay para kay Gianna. 

Nararamdaman ko na malapit ko ng makasama si Gianna kaya napapadalas na ang pagbili ko muli ng mga paborito niya.

Ilang minuto nalang ang nalalabi bago kami magkita nila Marco kaya umupo na ako sa loob ng restaurant para doon nalang hintayin ang dalawa.

Malapit ng mag init ang ulo ko dahil sa tagal nilang dumating ngunit dahil sa ako ang may pangangailangan ay  mag titiis ako at mag hihintay sa kanila.

Bago pa ako tuluyang mabaliw kakahintay sa kanila ay tinawagan ko na si Marco.

Mabilis na sinagot ni Marco ang tawag ko sa kanya.

"Asan ka na?" inis na tanong ko sa kanya.

"Easy malapit na kami medyo na  trapik lang," sambit niya sa akin.

"Sige nandito na ako sa restaurant," tugon ko sa kanya.

"Okey!" sambit niya sa akin sabay patay ng cellphone.

Pakuya-kuyakoy lang ako sa upuan ko nito habang nag papatay ng oras ng bigla kong nakita sa di kalayuan si Gianna.

Napatayo ako bigla sa upuan ko at napatakbo akong tumungo kung nasaan si Gianna ngunit pagdating ko kung nasaan siya ay wala na ito.

"Gianna!" sigaw ko nalang bigla.

Natotorete ako ngayon dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na si Gianna yung babaeng nakita ko.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now