KABANATA 29

648 30 10
                                    

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang napaka liwanag na paligid.

Palinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang mga gamit ko.

"Nandito lang pala ako sa kwarto ko." sambit ko habang umuupo sa kama ko.

Nakasandal ako sa kama ko ng biglang dumating si Manang Pasing.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"Mabuti naman ang pakiramdam ko Manang. Ano pong nangyari?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Inatake ka ng hang over mo kahapon tapos sumakit ng sobra ang iyong ulo at nag panic attack ka na naman kaya binigyan ka ng Doctor ng pampakalma," sambit niya sa akin.

"Ganun po ba ang nangyari?" tanong ko muli sa kanya.

"Oo." tugon niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad ako patungo sa kasilyas ng parang walang nangyari. Nakatingin lang sa akin si Manang Pasing na tila ba'y may hinihintay na sabihin ko sa kanya.

"Anong meron Manang?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wa-wala naman," tugon niya sa akin.

"Ahh ganun po ba? Sige ligo lang ako at pupunta ako sa puntod ni Gianna." sambit ko sa kanya sabay pasok sa loob ng kasilyas.

Binuksan ko agad ang shower at itinapat ang katawan ko dito habang naliligo ako ay sumasakit pa rin ang ulo ko dahil sa naalala ko na si Gianna.

"Si Gianna ang asawa ko." sambit ko sa sarili ko.

Mabilis kong tinapos ang pagligo ko at pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo ay nakita ko paring nakatayo sa bandang pintuan si Manang Pasing kaya bigla akong napatanong sa kanya.

"Hindi ka pa din pala umaalis Manang? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Naaalala mo na si Gianna," nakangiting sambit niya sa akin.

"Oo Manang. Naaalala ko na sa wakas ang asawa ko kaya ngayon ay pupunta ako sa puntod niya upang dalawin siya," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sasama ako!" masayang sambit ni Manang sa akin.

"Hindi na Manang gusto ko din sanang masolo ang asawa ko ngayon," tugon ko sa kanya.

"Sige kung 'yan ang gusto mo. Mag hahanda ba ako ng babaunin mo dun gaya ng dati?" tanong niya sa akin.

"Wag na po Manang. Dadaan nalang po ako sa ice cream store para bumili ng paborito niyang sorbetes," tugon ko sa kanya.

"Sige." pang sang-ayon niya sa akin.

Nakangiting lumabas ng silid ko si Manang Pasing kaya agad akong nag bihis ng damit ko at pagkatapos nito ay kinuha ko na ang susi ng kotse ko at madali akong nag biyahe papunta sa sementeryo.

Napakatahimik at maaliwalas ang paligid dito sa sementeryo. Mas pinili ko pa ring bigyan ng magandang himpalayan si Gianna kaysa idala ang kanyang abo sa aming bahay para mas mabigyan ko siya ng tahimik at payapang lugar.

Habang inaalalayan ko ng bulaklak si Gianna ay tawag ng tawag sa cellphone ko si Emily kaya minabuti ko itong patayin nalang upang magkaroon kami ng oras na dalawa lang ni Gianna.

"Mahal, Ilang buwan din akong hindi nakadalaw sayo dahil sa katangahan ko. Simula ng nilisan mo ako nawala lahat ng lakas ko at naging ganito nalang ako. Matagal na nating nabawi ang kumpanya kay Celine ngunit hindi kita nabawi dahil iniwan mo na ako." malungkot na sambit ko sa kanya habang nangingilid ang luha sa mga mata ko. , "Kung bibigyan lang sana ako ng pagkakataon na makasama ka muli Gianna hinding-hindi na kita papaluhain pa at mamahalin kita ng buong-buo na walang kahati man."

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEOn viuen les histories. Descobreix ara