kapag nanghingi ka ng tulong sa kaklase mo during quiz.

766 18 2
                                    

IM GUILTY OF CHEATING!!

ARRGGHH.  

pilit kong binabawalan ang sarili ko na wag kumopya sa mga kaibigan ko kaya minsan bumabagsak ako.

Sabi nila, (kaibigan ko) kumopya na lang daw ako sa kanila. Tapos sabi ko, ayoko kasi di naman sa nakokonsensya ako, I just dont feel it. Nagreview kasi ako, kaya alam kong may masasagot ako. Pero pag actual na, nganga ako sa pagsagot.

Tapos kanina, sinubukan kong mangopya sa isa kong bestfriend kasi alam niya yung sagot.

Pero, sa pagkopya ko sa kanya, bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Kasi, nagreview naman ako pero mangongopya pa rin ako. Anong utak meron ako? Ang bobo bobo bobo bobo bobo ko!!!!

Pero later on, pag-uwi ko ng bahay, nakita ko ang nagkalat kong gamit sa lamesa. Halatang inumaga talaga ako ng pag-aaral. (Pero nangopya pa rin ako).

Narealize ko na di pala ako bobo. Tanga pala ako. Masipag ako mag-aral pero hinayaan kong mangopya ako kasi yun ang sabi ng mga bestfriends ko. Yung time na nakaupo ako sa lamesa ko habang nag-aaral, iba pala ang takbo ng pag-iisip ko. Determinado pala akong matuto.

Ang kaso, nung magququiz na, naalala ko yung sinabi nila na humingi ako ng tulong pag di ko kaya. Kaya ayun, mas pinili kong maging madali ang lahat ng di man lang sumagi sa isip ko na nagpuyat ako at baka this time, kaya ko ng magsagot ng tama.

Nung nangongopya ako sa kaibigan ko, naisip ko na siguro, may solution manual siya kaya nakakasagot siya. Siguro, sinabihan lang nila ako na humingi ng tulong para magmukha silang "the intelligent and genius one", siguro sinabi nila na humingi ako ng tulong sa kanila kasi tingin nila sa akin ay mayabang na I always want to go on my own way. Ang dami kong masasamang inisip sa kanila samantalang ang dapat ko lang isipin ay siguro sinabi nila yun para makapasa ako kasi alam nilang di ko kayang masagutan yun mag-isa. In short, dapat inisip ko lang na gusto nilang tumulong.

Then I realize, from now on, DI NA TALAGA AKO HIHINGI NG TULONG SA KANILA. DI NA AKO MANGONGOPYA, PANININDIGAN KONG KAKAYANIN KO KASI MAGTITIWALA NA AKO SA SARILI KO. Kasi narealize ko na pag nangopya pa ako sa kanila, baka kung ano pang sumagi sa isip ko na di sila tunay na kaibigan. Para rin sa amin lahat ang gagawin ko . At least, pag bumagsak ako, sarili ko lang ang kalaban ko. Iisipin kong, kailangan ko pa ng konting effort. Di katulad pag nangopya ako, bababa na nga ang tingin ko sa sarili ko, iisipin ko pang niloloko lang ako ng mga kaibigan ko. Mas di ko matatanggap na maling mali talaga ako kasi humahanap ako ng sisisihin wag lang masisi ang sarili ko, which is yung mga kaibigan ko nga. Pag sinabi pa nila na dapat humingi ako ng tulong, hinding hindi ako hihingi ng tulong pag quiz or exams. At least kapag bumagsak ako dahil kulang ang nalalaman ko, mas madaling tanggapin na bobo talaga ako. Pag nangopya ako, iisipin kong bobo ako at sisisihin ko pa sa iba ang kabobohan ko dahil di ko matanggap na bobo ako.

Eto na lang tatandaan ko,

I have to walk by my own. At di ko yun magagawa kung di ko susubukan.

Rules Of Accountancy StudentsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora