HELP ME PLEASE!! FEASIBILITY STUDY

1.5K 20 4
                                    

Feasibility study ang pinaka-nakakainis na subject sa lahat. Yung tipong product proposal lang ang hirap na.

First week of class, tinadtaran na kami ng assts. Product proposal ang pinakamahirap gawin. sSTRESSED OUT AKO NGAYON SOBRA SOBRA!!!

By the way, sinubukan ko pa ring mag isip ng product, sasabog na yata ako kakatingin sa internet ng mga possible na ibenta at kikita ng mataas. Naiiyak na ako hanggang ngayon wala pa akong naiisip. :(

One way na ginawa ko this week ay pumunta sa undergrad research section sa library namin. Nagtingin ako ng mga thesis:feasibility study.

Nagsulat ako ng mga product na approve sa professor namin ngayon. Hinanap ko talaga pangalan niya sa bawat thesis tapos nilista ko na.

Example:
Ceramic products
Shampoo soap
Convertible bags
Flash drive with flash light
Herbal soap
Hydrophonics
Abrasion cream
Mabolo fruit brandy
Etc...etc... (100 examples pa)

Unique yung mga products. Magagamit talaga. May 6Ms (manageable, marketable, money-making, manufacturable, matchless, at mutually beneficial)

Di ko alam gagawin ko sa mga nakopya kong product. Di ko alam kung paano ko pag aaralan.

Hanggang sa naisip kong i-rank bawat isang product from 1-10 and 10 being the highest according sa 6Ms nila. Then luckily, I took some notes of my analysis.
Then nahagilap ko din sa wakas ang order of priority ng mga prof. na nagiging basehan para maapprove nila ang isang product proposal.

Order of priority:
1. Manufacturable
2. Beneficial
3. Manageable
4. Marketable
5. Money-making
6. Matchless

And this is my analysis habang nirarank ko ang 6Ms ng bawat product.

Analysis:
1. Basic needs are always 10 no matter how much it cost. (Like rice retailing)
The remedy is think of alternatives.

2. Sa sobrang marketable ng isang product, di na siya matchless. (Like chichirya.)
So sa order of priority ko, kahit di siya matchless as long as marketable siya, kikita ako. Except yung matchless na product ay sobrang sobrang marketable din.

3. The components of the product shall not be contradicting.(like ampalaya chocolates)

4. Yung mga ayaw pero kailangan para sa mga bata ay kailangang ibenta. (Like vegetable bread)
See? Needs exceed wants. We are dealing with the emotions of our customer here. So ang sugal ay kailangan nating mag isip ng product na gugustuhin nilang bilhin dahil sa tingin nila ay kailangang kailangan nila kahit walang kasiguraduhan na kailangan nga nila.

5. Kadalasan foods ang madaming demands. So engredient or condiment alternative ang isipin.

6. Mas madaling imanage ang madaling imanufacture considering where and and when you'll need the materials. So pag mas madaming demands, kailangang mabilis kang magmanufacture. Di ka naman gagawa ng wine tapos kailangan na bukas right??

7. Kadalasan accessories(car, bed, hair, etc.) ang manageable pero hindi marketable.

8. Kapag matchless, minsan hindi manufacturable unless yung product mo ay gawa sa dalawang product na pinagdugtong lang. (Ex. Clock with sound recorder)

9. Kapag yung product matchless, di ka sigurado na money-making yun. Kasi iiintroduce mo pa lang siya sa market unless it is a basic need na may twist. (Like cauliflower rice)

8. The more na madali siyang imanufacture, money making siya.(common sense)

9. Pag basic na, di na matchless.(common sense)

10. Pag di sikat, di na money making.(common sense)

11. Matchless nga, hindi naman beneficial.(common sense)

Iyan yun lahat. Tapos naglista rin ako ng mga words na pwedeng pagsimulan ko ng ideas.

Examples:
Convertible
Embroidered
Movable
Blah with blah
Blah made of blah
Plus-sized
Herbal
Whitening
Remover
Detachable
From
Electric
Enriched
Waterproof
Convenience
Reloader
Scented
Refreshener
Recycled.

Yan yung mga nailista kong words.

Pinag aralan ko talaga kung paano papasa ang product ko sa adviser ko this coming tuesday.

Yes I have the idea on how to choose my product. Finally!!!

Pero pag nakakaisip ako ng products ngayon, palaging may kasunod na tanong.

Like,..
paano kung walang bibili nito?
Di naman yata ito kailangan?
Paano ko ito gagawin?
Masyado yatang costly nito?
Meron na nito sa market eh?

Ang dami kong tanong. It's draining me. Di lang naman feasibility ang subject ko ngayon! Dyusme naman!!! May mancon, finma, advacc, at manac din ako! Dagdag pa dyan ang mahal na books at college shirt na ayokong bilhin.

Pero naisip ko at naramdaman ko rin na all in all, business to. Gagawa ako ng business plan, ipapaapprove ko 'to sa mga investors in the near future. Kahit anong product ang maisip ko ngayon, palaging may tanong. Palaging may kulang.

Walang produkto ang pasok na pasok sa 6Ms tanggapin niyo yan.

Walang produkto ang perpekto. Wala ngang taong perpekto eh, bagay pa kaya na tao ang gumawa? Palagi yang may kulang, may kahinaan, may kalakasan, may iba't-ibang mukha. Nagbabago yan sa haba ng panahon but still, IT'S NOT PERFECT!

Ang magagawa lang natin sa ngayon pag nag isip tayo ng produkto, siguraduhin nating handa ito sa 6Ms, gawing handa hindi gawing perpekto. Di naman kasi natin kontrolado ang market.
In short, susugal tayo at sa sugal, it's either malulugi ka or kikita ka. Kaya't hanggang kayang makaisip ng product na pasok sa 6Ms, try lang pero wag tayong mag assume na perfect yun at kikita kasi nga, susugal tayo.

Pasensya na at malalim ang hugot ko sa pag iisip lang ng pang product proposal. Yung adviser kasi namin binigyan kami ng task na mag isip ng 5 products na ipapaapprove sa kanya at kapag lahat iyon ay NO or disapproved, 5.00 ang grades ko. Pag kahit isa man dun ay na approved, 1.00 ako.

So, I was like given 5 chances to go in heaven or rather 5 downfalls to land in hell.

Tuyong tuyo na po talaga ang utak ko kakaisip.

Any suggestions for me. Kailangan ko po talaga ng tulong niyo ngayon, I need ideas, comment it please. :( :( :(



Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now