Half empty or half full?

1.7K 46 4
                                    


Siguro ilang beses nyo na ring nabasa ang tanong na to. Minsan nga may picture pa ng baso for illustration. Meron yan sa facebook.

AT MERON DIN NYAN SA STUDIES.

(corny ko haha)

Kanina habang nagbabasa ako ng Auditing Theory 7:00-2:00 ng gabi, (uso magpuyat alam nyo yan haha) napansin ko na ang dami ko na palang nabasa. Hell week kasi kaya cramming mode. Mga 25 pages na pala yung naaral ko. Pero nung tiningnan ko kung ilan pang pages ung tatapusin ko, 25 pages din. Kaya ayun, para akong tinamad na magbasa.

half empty or half full?

50 pages... nakalahati ko na pero tinamad akong magpatuloy kasi mas naisip ko yung dami pa ng babasahin ko without thinking na nangalahati na pala ako. Half-empty ang mentality ko.

Pag half empty ang tingin mo, mas mabibigyan mo ng focus yung spaces that you need to fulfill, then kapag marami pa, tatamarin ka na. Yun ang sitwasyon kung saan ang tagal ng ALMOST.

Pag half full naman ang tingin mo, mas mamomotivate kang mag-aral kasi alam mong madami ka ng natapos at dapat di ka na tamarin. Ang bilis ng ALMOST. Yung mentality mo ay nakafocus sa positive side na matatapos mo din kasi nasimulan mo na, lumakad ka, nakarating ka dyan at ayaw mong masayang ang effort mo ng dahil lang sa tinatamad ka.

Another application for this is during examination (hell week, hell face).

Kapag time pressure ang quiz nyo at feeling nyo di na kakasya ang oras nyo sa pagsasagot, wag kayong magpanic at mawalan ng concentration and focus. Instead, isipin mo na half-full ka na, malapit ka na sa heaven and safe zone ng pasado. All you have to do is to concentrate how to allocate your last minutes to answer the questions correctly. Baka kasi pag pinanghinaan ka na ng loob, di mo matapos and worst, pagsisihan mo yung pagpapanic mo.

So if ever na nagsisimula na kayong tamarin sa pagbabasa, or panghinaan ng loob sa pagsasagot, isipin nyo palagi na half-full na kayo at kailangan nyong mafulfill yun ng buong buo.

YUN LANG :)

Goodluck sa mga mag peprelims dyan :)

kaya natin ito future accountants :)

Rules Of Accountancy StudentsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin