freshmen call

537 15 13
                                    

Hello freshmen!


Nakaenroll ka na...

Excited ka...

Madami kang tanong... mga expectations?

Gusto mo ng advice?

Two words:

"STAY ALIVE"


Bakit?


Akala mo madali lang ang kurso mo...
Welcome to hell! Kung saan susunugin na ang utak mo.
(Joke lang)

Sa totoo lang, lahat naman ng course ay mahirap. Nasa estudyante lang yan. Wala yan sa school or sa professor.

STAY ALIVE

Pag sinabi kong stay alive...

Act normal. Be yourself. Sana natutunan mo na ito noong high school.-Don't try to fit in or whatsoever.. Wag mong isipin na porket nasa college ka na, lahat na ng imperfections mo ay coconceal mo at pipilitin mong maging ot paniniwalain mo ang sarili mong maging MATURELOOKING-BUSINESSMINDED-SOPHISTICATED-FAHIONABLECHIC-LITTLENERD-OR-KINDHEARTED version of yourself.

Madami sa mga freshmen ay ganito. Kaya ang yayabang ng dating nila sa amin. Mas mukha pa kasi silang may alam kaysa samin samantalang di pa nila nararanasan ang bumagsak sa mga quizzes.

So what to think when entering college?
First is to accept your imperfections. Dont conceal it but try to flaunt it until someone like you for having one and little you did know that this someone is your true friend. Your lifetime friend. Someone you can share a cup of sorrows with.

Pagkatapos mo siyang makilala, overcome your imperfections with her. Halimbawa...

1. Kung popularity ang habol mo noong highschool, gawin mong academic naman. Bawas bawasan ang pakikipagkaibigan dahil hindi paramihan ng likers ang labanan.

2. Kung tahimik ka noong highschool, mag aral ka ng communication skills or magpacounseling ka na if feeling mo may sakit ka sa utak.

3. Kung sawa ka ng maging loser noong highschool, pagsawaan mo namang maging achiever ngayong college.

4. Kung ikaw ay isa sa mga cheaters noon, make a promise na hindi ka na mangongopya.

5.kung na enjoy mo ang pagsali sa mga school org noon, sumali ka naman sa iba.

6. Kung tambay ka lang sa bahay pag walang pasok, sumali ka sa mga outreach program.

So kahit alin ka man sa anim na yan, isa lang ang dapat mong gawin sa imperfections mo once na nagsimula kang magkolehiyo... MAKE IT ALL RIGHT. Ako parang ako yung no. One nung pumasok ako ng college. Ngayon masaya ako kasi may apat akong mga tunay na kaibigan and popularity doesn't make sense at all. Ako na yung tipo ng estudyante na tahimik sa gilid at walang ibang inisip kundi kung paano ko maiintindihan ang lessons ni sir.

STAY ALIVE, sa pagconquer mo ng fears mo. Dahil ang college ay kasunod na kabanata lang ng buhay mo at hindi ang ineexpect mo na NEW WORLD, NEW PLAYGROUND, NEW YOU, LAHAT NEW. It's a chance not to live like what you believe you should be. It's a chance to unzip imperfections and let the world know it until they didn't even notice that it existed after you graduate college.

Once you go out there, "STAY ALIVE"
gawin mo ang lahat para matalo mo ang dating ikaw. Ikaw lang ang makakagawa nun at wag ka ng umasa pa sa iba na gagawa nun para sayo.

And don't forget to dream harder and study smarter. Yung mga techniques and strategy na binigay ko sa previous chapters ay nonsense lang kapag wala kang pangarap, pag wala kang gustong maabot.

Yung ibang mga advice na nababasa nyo kung saan saan ay pasong paso na. Di ko kayo sasabihan na gawin lahat ng assignments niyo, maging responsible, may baha or ulan kaya magdala ng payong, magdala ng ballpen, ng binder, ng folders, ng notebook.

Ang ibinigay ko lang ay kung paano ka magsisimula. Yung mga practical advice like mentioned above, ay dapat ikaw gumagawa kasi natututo ka naman sa pagkakamali mo di ba? At sa pagkakamaling iyon like hindi pagdadala ng payong ay nasosolusyunan mo. Dapat lasi maexperience mo ding lumusong sa baha.

Stay Alive freshmen!!

Goodmorning future CPAs :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now