Paalam Mr. Perfect ng SAM

320 6 1
                                    

Siguro ganito talaga ang tadhana ko.
Lahat ng efforts ko di marecognize. Palagi naman eh bakit ba kasi hindi ako masanay?

From the previous chapter bago ito, binalikan ko ulit yung mga part ng past ko na may kinalaman sa kanya. Ang saklap di ba? Ang saklap ng kinahinatnan.

Akala nyo doon na natatapos ang lahat? Hindi pa.

Bago siya gumraduate, merong tinatawag na Salaguita Interlude ang CEU. Isa itong tradisyon kung saan ipinapasa ng mga senior ang responsibilities and duties nila sa mga susunod na gagraduate which is kami. Kasama ako.

Isa itong perforamance kung saan ang mga seniors at juniors ay magfoformation o bubuo ng malaking sampaguita habang kumakanta.

Pwede nyong isearch sa Youtube yung sinasabi ko, "Sampaguita Interlude of CEU". Pang-78th batch kami since nagstart ang tradisyon na ito noong 1938.(Wait lang masyado na yata akong lumayo hahaha)

Habang nagpapractice kami, pinagdarasal ko na sana si Jj yung makapartner ko para siya ang magsasabit sa akin ng sampaguita at ako naman ang magsasabit sa kanya.

Kinaumagahan noong first practice with seniors, na late ako. Nakaformation na silang lahat at namimili na ng partner. Nagulat ako dahil malapit lang sa akin s Jj. C20 siya sa senior  samantalang D21 ako sa junior. Halos magkatapat na kami ng linya pero hindi ko sya partner dahil D21 ng senior ang partner ko.

Di ako makakibo noon at di rin siya makalingon sa akin. Alam kong iniiwasan nya ako dahil halata ang pag iwas nya sa paglingon sa kanan.

Kapag nakatingin ako sa kanya, di sya makalingon sa akin. Alam mo yun? Kapag alam mong may tumitingin sayo, di ka makagalaw pero pag di na siya tumingin, makakarelax ka na. Siyang siya yun nung nagpapractice kami.

Noong 2nd day ganun ulit ang senaryo. Iwasan ulit kami. Di ko alam kung dapat ko pa siyang kausapin o hindi na. Ang gusto ko lang naman malaman ay ang response niya sa message ko sa kanya kasi dalawang taon ako naghirap para magkaroon ng lakas ng loob para magpakilala tapos ganun lang. Walang reply. Di man lang naseen tapos ilalagay niya sa timeline niya na "started school at CEU, FEBRUARY 20". Nang aasar pa yata siya.

On the third day of practice, gustong gusto ko na siya i-approach pero magmumukha lang akong wirdo sa harap ng mga kaklase ko kapag ginawa ko iyon. Iyon na yung pangalawa sa huli naming pagkikita.
Bago yung araw na yun, wala akong tulog dahil paulit-ulit kong naiisip na malapit na dumating yung mga araw na kahit kailan ay hindi ko na siya makikita. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para mag-aral gayong di pa ako sigurado kung gusto ko ang tinatahak kong landas.

Nang matapos ang third day practice, nag announce saglit yung choreo ng mga reminders. Habang nakatayo ako at nakatingin sa stage, parang may nararamdaman akong lumalapit sa gilid ko. Nang silayan ko saglit ay si Jj pala. Humuhugot ako ng lakas ng loob para kausapin siya, saktong wala sa tabi ko yung mga kaklase ko. Okay na. Okay na. Pwede ko ng sabihin ang gusto kong sabihin. Nag aalala ako dahil ang laki ng eyebags ko kakaisip sa kanya kagabi kaya baka sabihin nyang adik na adik ako sa kanya (Totoo na yata yun). Tapos napansin kong lumingon siya sa akin, pero natakot ako dahil alam kong lalapitan na nya ako. Naglakad ako ng mabilis sa kaklase ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko noon. Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ako umiwas kung gusto ko naman siya kausapin? Naguluhan  ako bigla sa sarili ko. Ang tanga ko lang! Pagkakataon ko na iyon! Masasabi ko na sa kanya pero bakit umiwas ako?

Kinagabihan, di na naman ako makatulog kakaisip sa kanya. Last day ko na siya makikita sa Sampaguita Interlude sa Tuesday. Last day na at di ko man lang masabi kung ano ang gusto kong sabihin. Di ko alam kung ano ang gusto kong sabihin. Nalilito na ako!!!!! Hanggang sa naisip ko na natatakot siguro akong sabihin niyang   wala siyang pakielam sa nararamdaman ko dahil wala siyang pakielam sa akin. In short, ayokong mareject. Siguro di pa talaga ako handa na maiwanan. Di ko kayang di ko na siya makita dahil isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako lumalaban.

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now