Lovelife against Accounting

3.1K 61 17
                                    

writer's message:

Im currently suffering from uncontrollable emotion of love, and I think I need to write something about it.

-----------------#######-----------------------

Ever since na nag second year college ako, meron akong nagustuhang guy. Ewan, para bang pag nakikita ko siya, nawawala ako sa sarili kong pag-iisip. Like I'm in an unknown tunnel of emptiness.

Nagsimula akong magkagusto sa kanya noong may group activity sa class namin. BTW, he is a marketing student, chinito and a kpop fanatic. May cover group na nga sila sa school. I think it's EXO. However nag buo sila ng new group na ECLIPSE.

Im not a kind of girl naman na mahilig mag-stalk sa crush, hindi rin ako kpop gaya ng mga friends ko. Ayoko din ng idea ng pagiging secret admirer kasi ang panget, kababae kong tao. hahaha

Pero later on, narealize ko na ginagawa ko na lahat para makita siya sa school. Everyday kong tinatract ang sched. niya para alam ko kung saang classroom ko siya sisilayan. and kapag nagpeperform siya sa stage, parang dumudugo ang puso ko sa tuwa, tapos pag nakakasalubong ko siya, para akong lumulutang. In short, naging CORNY ako.

everytime na kinukwento ko siya sa dalawa kong kaibigan, nakokornihan sila sakin. Napapansin nilang may spark sa mata ko kapag kinukwento ko siya kaya halata na kinikilig ako.

One time, sa sobrang kaadikan ko, sinubukan kong magpost sa secret file ng university namin about sa kanya. Nagconfess ako na crush ko siya pero di ako nagpakilala hahahaha(evil laugh). Madaming friends nya ang nagcomment pero di siya nagcomment. (sad :() and then before summer break, at di ko na siya magiging kaklase, nagconfess ulit ako sa kanya, but this time, nag-goodbye na ako, then nagpromise akong magpapakilala ako sa kanya if ever na perfect na din ako kagaya niya ( hahahaha, ang CORNY CORNY CORNY ko talaga noon hahahha).

at eto pa,

after that, di pa rin ako nakuntento, kasi naman wala man lang siyang comment (badtrip) .Gumawa ako ng fake na facebook account. hahaha di pa rin ako nagpakilala, pero balak ko na talaga. Minessage ko siya na crush ko siya. (grabe, third time na akong nagconfess). Eto pa ang shocking, nagreply siya sa akin na kaibigan nya daw ako at pinagtitripan ko lang daw siya. BTW, tama naman ang inisip nya kasi di nya naman talaga ako kilala.

He tried to guess kung sino ako. Pero umurong yung dila kong umamin kasi feeling ko pag nalaman niya, pagtitripan lang niya ako at ng mga kaibigan nya. Meron kasing rumor sa school na mga MEAN sila.(Sana exception siya)

bandang huli, di rin ako nagpakilala. :( :(

then later on, after 2nd sem. of my 2nd year... at pagtapos ng bakasyon,

NAKAMOVE-ON na ako sa kanya.

Pero minsan ngayon naiisip ko, sana nagpakilala na lang ako sa kanya noon para kahit friends lang kami ngayon okay lang.

Mahirap kasi yung feeling ngayon na magkakasalubong kayo sa hallway, tapos sayo flashback lahat ng kaadikan mo, tapos siya DEADma lang kasi nga di ka niya kilala. Like noong enrollment ng third year, tumabi siya sa akin sa pila at ang tagal naming magkatabi sa upuan. FLASHBACK talaga lahat ng KAGAGAHAN ko nung nakaupo ako.

Isa pa, pag nakikita ko siya ngayon, parang nadidisappoint ako sa sarili ko kasi, nagpromise ako sa kanya na magiging perfect din ako kagaya niya but hindi ko pala kaya. Im not the kind of person who break her promises. Kaya habang nakikita ko siyang nakakaACHIEVE ng mga awards, nagpeperform ng dance number sa school events and when I saw him happy, nalulunkot ako. Kasi di ko pala kayang gawin yung kaya niya. Parang pinapamukha na hanggang dito lang talaga ako.

Meron pa, minsan pag nakikita ko siya, gusto kong lumapit sa kanya kasi parang may gusto akong sabihin. Gusto kong mailabas ang secret identity ko sa kanya. Im not good at keeping secrets pala. Di kinakaya ng konsensya ko.

ngayon, sobrang distracted ako sa pag-aaral dahil sa nararamdaman ko.

Minsan nga, naiisip ko, kung panindigan ko na lang kaya yung promise ko na maging katulad niya then saka na lang ako magpakilala? I still have one year to fulfill my promises. 2 years pa ako dito kasi 5 year course ang kinuha ko. Kaya siya gagraduate na after one year. Ayoko naman na makita siyang gagraduate ng di nya ako kilala. Naiimagine ko nga, baka umiiyak na lang ako sa likod ng auditorium habang inaabot nya ang diploma nya. Di ba masakit yun? (for me lang)

Siguro ngayon, pangangatawanan ko na lang ang promise ko kahit nakikita ko siya na may iba't-ibang kasamang babae. Syempre kaibigan nya lang yun ;) Lahat naman kase ng babae na kasama niya ay friendly. And I dont blame them kung magkagusto siya sa isa sa mga yun.

How I wish na sana after one year, wala pa siyang girlfriend para di sayang effort ko hahaha.

Hindi joke lang, siguro I'll consider him as my stepping stone in fulfilling my dreams. Hanggang dun na lang ako.

Kaya kayong mga readers, if ever you find yourself distracted and bothered by the feelings na nararamdaman nyo for someone na pati accounting ay naisasacrifice nyo na, think of yourself as a real you. Without your feelings for him, ano ka ngayon? And you start from there. Wag nyo akong gayahin na sobrang kaadikan ko, nasumpa ko na ang sarili ko.

Kung disidido kang i-push yung feelings mo sa kanya, siguraduhin mong pangangatawanan mo, and accept the rejection kung nireject ka nya and kung hindi naman, think twice kung ipagpapatuloy mo pa. Yung love pede naman yan bigyan ng pansin pagtapos mo ng college eh. Masyado lang napaaga yung sakin. Sumuong kasi ako ng di nag-iisip haha. Pero okay lang, motivation ko na siya ngayon.

How will I start fulfilling my dreams?

Sisikapin kong mapataas ang grades ko para every recogntion day, DL ako. Pag DL ako, baka makasabay ko pa siya sa picture taking di ba? hahaha

tapos, gagalingan ko sa feasibility study next sem. para mapili yung group namin as finalist at makalaban ko si crush sa best feasibility study. Oh di ba? may chance ng mapansin nya ako.

Then the rest is...to work hard.

Malay ko naman di ba? Baka matagal nya na palang alam kung sino ako at he do have plans yeah hahahaha.

So, yun lang :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now