New Year, New Life, New Beginnings

221 10 0
                                    

Nagpapasalamat ako dahil 3.5 ako sa exam ko sa Tax at 3.00 naman ang Prelim grade ko. Tama ang nabasa nyo, nagpapasalamat ako. Babagsak na ba ako? No! Of course not! Challenging lang. Honestly, di ako nagreview. I spent my time with my family  last week kaya eto haha nagbunga ang di ko pagrereview. Milagro nga kasi kahit palyado, nakangiti pa rin ako. Nagagawa talaga ng positive thingking, iba rin haha wag lang sosobra.

At dahil kahit ilang ulit ko pang sabihin na magbabago ako, nahihirapan pa rin ako. Pero pero pero.... Syempre bilang isang tao, gagawa at gagawa ako ng paraan para maisakatuparan ang nais at gustuhin ko. Kung naging mahina ako last year, magiging matatag at masipag ako this year at walang makakapigil sa akin!!! Masaktan na ang masaktan kahit ang sarili ko pa. Mahirapan na ang mahihirapan makisama sa akin. Wala na akong pakielam sa kung ano sasabihin nila. Magbabago na ako at magbabago ako, at magbabago, at magbabago, hanggang sa maging bago ako. Promise. CRoss my heart. Walang biro.

Allowed ba akong maglista kung paano ako nagplano at paano ako nagbabago?
1. Una ayusin ang perspective. Kailangan nating makita ang mundo bilang isang kabuuan ng mga konektadong universe. Kailangan nating maintindihan na hindi lang tayo ang tao sa mundo at hindi lang sa atin umiikot ang mundo. Tayo BILANG Isang tao ay may gagampanan sa mundo at hindi ang mundo ang may gaganapan sa buhay natin. Kung gusto mong makapasa at maging CPA, KAILANGAN nating kumonekta sa mundo dahil tayo ang gaganap at hindi tayo ang gaganapan. Naranasan mo na bang sumakay ng bus tapos pakiramdam mo nasa ibang mundo ka na ibang iba sa mundong nakikita mo sa labas ng bintana? Kailangan mong ilagay ang sarili mo sa mundong nakikita mo sa labas at hindi sa mundo kung saan nakaupo ka lang at pinapanood sila.

2. Mag set ka na ng goals, objectives mo and mission. Ilagay mo sa frame kung saan araw araw mo yun makikita. Kasi iyon ang magpapandar sayo o kaya magsisilbing gasolina mo araw araw para magawa mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo.kunwari,

"kailangan this time mataas na quiz at exams ko at magagawa ko iyon kapag nagsioag ako. Kaya magsisipag ako. Para ito sa sarili ko kasi simula ngayon, mamahalin ko na ang sarili ko. "

3. Gumawa ka ng yes or no column sa journal mo. ISULAT MO yung mga dapat mo ng iwasan buong taon sa no at ano ang alternatives na makakatulong sayo sa column ng yes. Kunwari...

Yes:
Exercise every night, diet, sleep up to 5 hours per day, photography, writing sessions every night, household chores after school. Family time on weekends. Self discipline.

No:
Stress eating after exams, wandering alone, crying, procrastination, quarrel with brothers, insecurity, arrogance, judgmental, crab mentality.

4. Time managemnt is a must. Nagprovide ako ng malaking kalendayo na sinasabit ko lang sa pinto at doon ay sinusulat ko kung ano ang mga gagawin at deadlines. TAPOS GUMAWA DIN ako ng notebook for daily task ko na pwede kong isingit sa bulsa ng uniform ko.

5. Do what you plan. Ikaw ang may hawak ng pinlano mo kaya sana hindi lang plano yan. Sana may kilos yan.

Effective eto noong first year ako pero sana effective pa rin hanggang ngayon.

Everything is falling into place once again. May Time management na ako, more focus na, at alam ko na kung ano ang dapat sinasabi o ginagawa sa tamang panahon, tamang lugar at tamang sitwasyon. I am growing finally.

Sana mag grow up na talaga tayo :)
Goodnight future Cpas ❤️❤️

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now