anong dapat gawin kapag nakapasa sa last Quiz na tanging pag-asa para pumasa?

674 11 0
                                    


Magpakasaya to the heaven and above!!!!

Akalain mo yung pinaghirapan mong aralin ay may magandang ibubunga? That finally for the long time, naFEEL mo ulit yung vibes na WOW ANG TALINO KO!!! hahahhahaha

Sarap diba? Sarap talaga ng lasa ng 17/20, 46/50, 95/100, 8/10!! Oo may lasang ganyan wag kang epal. Hahaha jk. Yung tipong isa or dalawa lang mali mo? Or yung tipong isang point lang ay saktong tres ang grade mo at tuwang tuwa ka kasi saktong tres talaga ang habol mo???? Di ba ang saya saya.. tara TALON TAYO!!! Wwhhooo feeling ko wala ng makakapigil sa akin na IPUSH 'tong pangarap ko. Hahhaha.

But wait, what's next???

Pasado ako, fourth year na ako next sem, so ano na maghihintay sa akin next sem???

FEASIBILITY STUDY
ADVANCE ACCOUNTING
MANCON
etc.

Tapos, pag naharap ko ulit ito, habol habol na naman ako?

Ano kayang dapat kong gawin sa bakasyon para di ako mastress next sem? Anong preparation ang gagawin ko?? (Nakakatanga naman magplano. Bakit ba ang nega nega nega ko? Nakapasa na nga ako ngayon sa law eh. nuh ba yaaannn!!)

But seriously, kung tatanungin niyo ako ngayon kung ano gagawin ko, pipirmi lang ako sa bahay at magrerelAx lang. Ayoko muna ipressure ang sarili ko sa darating na sem. Ayokong magprepare dahil lang sa natatakot akong bumagsak. Gusto ko pag nagprepare ako, yun ay dahil sa desidido akong matuto.

For now, this summer, ikokondisyon ko muna ang utak, puso at kaluluwa ko para sa susunod na sem.

Realistically, magbabasa ako ng mga books at itatry kong maging disiplinado sa mga kilos at plano ko. Yun kasi ang nakikita kong naging mali ko this sem. Nanonood ako ng mga movies pag free time. Natutulog habang nagbabasa, at di ginaganahan na matuto.

Ganito na lang, kung ano ang sa tingin niYO ang naging psgkukulang niyo this sem, ay itry nyong ibuild up yun.

For example,
1. Nahihiya ka mag-english, then magworkshop ka or mag self-study ka.

2. You feel powerless, edi bonding with family lang ang sagot dyan.

3. Mababa ang grades mo, edi try mong magbuild ng study routine at siguruhin mong susundin mo lahat lahat.

Etc.

Yun lang. Isipin mo lang kung saan ka nagkulang.

Goodnight future CPAs :)

Rules Of Accountancy StudentsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin