kapag nag aral ka ng law.

815 27 7
                                    

Magbibigay lang ako ng tips sa pag-aaral ng Law subject.

Mahirap ang law. Mahirap talaga ang law. Hindi lang dahil sa kailangan nating kabisaduhin, kundi sa kailangan nating intindihin.

Paano tayo makikipagbakbakan sa Law?

1. Sa unang pagbasa, kailangan maging familiar sa mga words, topics and simple/basic analysis ng mga concepts. Magfocus sa mga general law.

2. Mag outline ng mga madaling makalimutan na exceptions sa general rule.

3. Gumawa ng sariling pagkakaintindi sa binasa. Kung kailangang tagalugin, tagalugin mo. Basta maintindihan mo lang at wag makakalimutan.

4. Kapag sinabi ng kaklase mong hindi siya nagbasa ng law book, wag kang gumaya sa kanya. Iba ang talino niya sayo. Palaging mag-assume na bobo ka para palagi kang mag-aaral. Wag lang aabot sa punto na PALAGI KA NG BLANKO KASI NAGASSUME KANG BOBO KA. kapag ganun ang nangyari, WAG KA NA MAGASSUME EVER!

5. Kapag sinabi sayo ng prof. mo na madali lang ang law, maniwala ka to the extent na maging positive thinker ka. pero wag kang pakampante na madali lang lahat. Sinabi nya sayo yun kasi ayaw niyang maPRESSURE ka sa pag-aaral.

6. Bago kayo magquiz, at naghihintay na kayo ng prof., magheadset ka or mag earphone. Wag kang makinig sa mga kaklase mong nililito ka lang sa mga inaral mo. Wag mong sagutin ang mga tanong nila. Di ka na dapat nagrereview at the day of exam. Kung ano yung inaral mo, yun na yun maging confident ka tapos.

7. Lumayo ka sa distracting thoughts. Paano? Bago ka kumuha ng quiz, isipin mo kung para kanino ang score na makukuha mo? Para kanino ka nag-aaral. Once na naisip mo yun, law of attraction will work for you. MAKAKAYA MO!

8. Alam natin na kapag law ang subject, may mga cases na binibigay. Kung tutuusin, di naman mahirap ang cases kapag magaling ka sa english at naintindihan mo ang mga rulings sa law. I recommend na idevelop mo muna ang hobby mo sa pagbabasa hanggang sa maging bookworm ka, then isunod mo yung pagbabasa ng law book and at the same time, idevelop mo na ang skills mo sa pagEENGLISH. habang nagbabasa ka, gumamit ka ng dictionary or grammar book.

9. Kapag nagrecite ka naman sa law at feeling mo nawala lahat ng inaral mo, tumingin ka lang sa mata ng prof. Mo at sagutin muna siya ng walang kwentang sagot hanggang sa makaisip ka ng tama at mailusot mo yung tamang sagot sa mga sinasabi mo. Kalma lang.

10. Kapag may exam ka sa law or recitation sa law, isipin mo palaging isa sa mga kaklase mo ay si Jesus. At nakaupo siya sa tabi mo. Kailangan mo lang kumalma at pakinggan siya. He will guide you through everything.

Goodnight future CPAs :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now