"Mahirap ba ang Accounting?"

1.1K 19 11
                                    


Physically, exhausting
Emotionally, self-killing
Mentally, tormenting

Physically exhausting

1. One day sasabihin sayo ng prof. Mo na sagutan ang buong chapter 1, ipapasa nyo yan bukas. (Gawin ng paunti unti ang mga sasagutan sa book. Gabi gabi dapat para di ka nabibigla. Have a study routine.)
2. Pag may reporting naman, magpapractice kang magsalita ng english sa harap ng salamin. (Feeling ko ako lang gumagawa nito kaya napapagod ako. Pero I swear, effective 'to wag lang kayo magkabisa. Just practice how to be natural)
3.Yung lalakarin mo from school to house sobrang layo, minsan baha pa.(pag may baha, magdala kayo ng tsinelas sayang ang black shoes nyo pag lumusong kayo sa baha)
4. Pag may extra school activity kayo na sa ibang planeta pa ang venue tapos hapon ang uwian and worst may assignments ka pang gagawin na kailangan mo ng ipasa kinabukasan. (Wag ka na pumunta sa school activity na yan kung di naman kinakailangan. Tapos kung kailangan talaga, matutong gumawa ng pinakamabilis na paraan para ma utilize ang nalalabing oras para sa assts.)
5. Schedule mo nagkarambola na. Tatakbo ka from one building to another para makalipat ka sa susunod na klase mo which is nakakapagod. Pag yung klase mo ngayon ay nag overtime tapos sa next class mo ay may quiz then terror yung prof. Na yun, Hihilingin mo talagang sana naging si Darna ka na lang.( mag excuse sa nag oovertime mong prof. na kailangan mo ng umalis kasi may quiz ka sa next subject. Wag kang mahiyang magtaas ng kamay at sabihin yun habang nagdidiscuss siya sa harap. Maiintindihan ka niya kasi overtime na nga siya. Lakas lang ng loob at tiwala sa sarili ang kailangan mong ipunin dito.)
6. Pag nakadorm ka, ang daming dapat linisin. (Maglinis ka bago ka umalis ng dorm at pagdating mo ng dorm)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now