Cheating 2

848 29 10
                                    


Usapang cheating pa rin tayo kahit malapit na ang pasko haha.

Cheating. Kailangan pa bang idefine to? Jusme!, halos lahat naman ginawa to. Ginawa ko na to, at ayaw kong ulitin kasi para akong sinusunog ng konsensya ko.

Wag na natin idefine.

Types of cheaters na lang, wala ako maisip eh haha.

360 DEGREE CHEATERS

-eto yung klase ng cheaters na magaling tumingin patagilid ng di ginagalaw ang ulo. Nakakatakot to, kasi akala mo may galit siya sa'yo or may pinaglalaban siya.  yun pala nakatingin lang sa papel mo.

PSSSTT.   CHEATERS
-eto yung tipo na sobrang hina ng boses pag nagtatanong ng sagot sa katabi. Dito ako naiinis kasi di ka makakapagconcentrate kapag mayat maya, may magtatanong sayo. Tapos minsan di mo masagot tanong niya kaya ikaw nganga.

COMFORT ROOM CHEATERS
-klase ng cheater na lumalabas sa room para mag CR at tumingin sa kodigo. Buti na lang di nawawala ang kodigo dun.

ABOT PAGKAIN CHEATERS
-kunwari nagaalok ng pagkain sa kaklase pero yung sagot nasa loob ng lalagyan ng pagkain. Pwede sa kahit anong chichirya na di transparent.

EARPHONE RANGERS
-may conversation na nangyayari sa habang nag eexam gamit lang ang earphone. Minsan pala audio record yung pinakikinggan nila.

KODIGO MASTERS
-tipo ng cheaters na gumagamit ng kodigo. Minsan nasa medyas, nasa palad, nasa maliit na papel, nasa cp, nasa panyo, at nasa lapis. Ginagawa to kapag identification or enumeration ang exam.

Eto talaga ginawa ko na ito haha. Nagprint ako sa maliit na papel ng kodigo, pero high school pa yun. Haha

TANONG MADNESS
-eto yung klase ng cheaters na lalapit sa teacher para magtanong kung tama ba yung ginagawa niya para habang ineentertain siya ng teacher at wala ang atensyon ng teacher sa pagbabantay ng examinees, pwede ng magkopyahan ang mga kaibigan niya. Minsan dalawa or tatlo silang lalapit sa teacher's desk para matakpan ang view ng mga kaibigan niya. ( ngayon nyo lang to nalaman no? Hahaha.)

madami pang ibang klase ng cheaters ang pakalat kalat sa paligid haha. Tawagin na lang natin na ALIEN yung iba. Hahaha.

Madaming nagsasabi na acceptable ang pagchecheat pag sobrang hirap ng problem. Pag halos lahat kayo di masagot yun ng tama or ibang iba yung tinuro niya sa binigay niyang questions. Pag ganito, magparinig kayo sa prof niyo na mahirap at di niyo kayang sagutan. Tapos irequest niyong seatwork na lang para makapagtulungan kayong magsagot. Kasi kung pipilitin nyong sagutan yon ng di nyo alam gagawin, wala kayong matututunan. Sabihin nyo sa prof. Nyo na WALA KAYONG MATUTUTUNAN direkta, kapag di nyo yun sinagutan ng nagtutulungan. Priority kasi ng prof. Na meron tayong natututunan kaya pag nagsabi tayo, baka magdalawang isip pa siya.

Tapos isa lang naman ang gusto ng cheaters kaya siya nagcheacheat. Yun ay para makapasa siya.

Pero sana makita din niya na siya na pala ang ninanakawan ng konsensya nya, siya na pala ang pinagsisinungalingan ng mga aksyon at desisyon niya at siya na pala ang sumisira sa sarili niyang kinabukasan.

Yun lang :) saka na lang ulit pag may naisip ako.

Salamat kaibigan, Sa votes and comments :D

Advance merry christmas :D

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now