Motivation?

345 13 2
                                    

Bagsak
Bagsak ulit
Bumagsak bagsak ulit
Bumangon pero bumagsak agad
Napanghinaan ng loob
Nangsisi ng iba
Tinamad na mag aral
Nawalan na ng dahilan para mag aral
Nagtatanong kung saan nagkamali
Naubusan ng sagot
Nawalan ng boses magtanong
Lumayo, napag isa
Hanggang sa maisip na...

SUKO NA  :(

Mahirap di ba? Mahirap lumabas sa kwartong pinasukan mo kung wala kang tamang susi para buksan ang saradong pintuan. Isang gabi noong first year ako, nanaginip ako. Kahit anong mangyari, hindi ko iyon makakalimutan...

----------------------------------------MY DREAM------------------------------------------------

...Nasa loob ako ng isang malaking palasyo kasama ang mga kablock ko. Sobrang engrande ng palasyo, puno ng magagarang furnitures and chandeliers. May malaking hagdanan papunta sa mga  kwarto. Kulay puti ang pintura ng pader at sobrang liwanag ng ilaw. Masaya kaming kumakain sa mahabang lamesa. Lahat kami ay masaya, lahat kami ay nakatawa. Pero may hangganan pala ang kasiyahan namin dahil  unti unti ng nagsara ang lahat ng pinto ng palasyo. Wala ng makalabas kahit isa. Ilang beses na rin naming sinubukan na sirain ang pinto pero wala pa ring nangyari. Nakulong kami sa palasyo at hindi namin alam ang paglabas. Maya maya pa ay may boses kaming narinig sa taas ng hagdan. Nakita namin ang liwanag na hugis katawan ng tao. Nagsimula itong magsalita at sinabing "Bawat isa sa inyo ay makakalabas sa palasyong ito kapag nahanap ninyo ang tamang susi  para sa inyong tamang  pintuan. Meron kayong tig-iisang pinto at tig-iisang susi sa loob ng palasyong ito at ang kailangan nyo lang gawin ay hanapin ang susi at pinto palabas. Ngunit kailangan nyo kaaagad mahanap ang susi ninyo dahil ang huling maiiwan dito sa  loob ay  hindi na matatagpuan pa ang susi niya at hindi na makakalabas pa." Pagkatapos magsalita ng liwanag ay agad agad na naghanap ng susi ang mga kaklase ko. May Nagtulungan at nagsolong maghanap ng susi. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ako tinutulungan ng mga kaibigan ko. Kanya kanya din sila ng hanap ng susi nila. Nagsimula akong maghanap sa ilalim ng lamesa at mga drawers, pero wala akong nakita. Ang hirap intindihin ng mga nangyayari sa loob, may ilan sa amin ay nakita na ang susi nila pero ang pinto na nilalabasan ay nasa loob ng refrigerator, sa loob ng kabinet, nakadikit sa sahig at meron pang sa libro lumalabas. Nang nakita ko kung saan sila lumalabas, sinubukan ko ding banggain ang lahat ng pader, tapakan ang lahat ng sahig baka sakaling makakita ako ng pinto. Bawat pahina din ng libro ay binuksan ko na. Pero wala pa rin akong mahanap na pinto at susi.   Hanggang sa unti unti na kaming nauubos sa loob. Nasa 20 na lang kami, hanggang sa naging 19...18... 17....16....15....Lahat kami ay aligaga na sa paghahanap ng susi at pinto. Pinagpapawisan na kami at naghihina sa paghahanap, inumaga at ginabi na rin kami. Nagugutom na ako at sumasakit pa ang ulo ko ganun din sila. 14....13.....12....11......10.....9....walo na lang kami sa loob. May napansin akong kakaiba sa labas ng pinto kapag lumalabas na ang mga kaklase ko. Tulad ng may dagat sa labas pag alis ng pang walo kong kaklase, may gubat naman sa pag alis ng pang pito, may bahay sa pang anim, at may langit sa pang lima. Nang apat na lang kaming natitira, nagpahinga muna ako saglit dahil hindi ko na kayang kumilos sa sobrang gutom at hina. Habang nakaupo ako, nakikita kong magpaalam sa akin ang pangatlo at pang apat sa huling lalabas. Nilapitan nila ako  at  niyakap, pinipilit kong pigilan ang umiyak at ngumiti na lang. Nang dalawa na lang kaming natitira sa loob, muli akong tumayo at hinanap ang kasama ko. Nadatnan ko siya sa kusina at nakita kong hawak na niya ang susi nya. Nang makita ko 'yon, nawalan na ako ng lakas para hanapin ang susi ko dahil alam ko ng lalabas na siya. Tinawag niya ako para lumapit sa kanya, sabi niya sabay na daw kaming lumabas sa pinto dahil wala naman sa batas ng liwanag na pwedeng dalawa ang lumabas. Nang nagbukas ang pinto, nakita namin ang labas. Isang tuwid at mapayapang daan na napalilibutan ng namumulaklak na puno  na nagsilbi nitong bakod. Nang sabay kaming dumaan sa pinto ay siya lang ang nakalabas. Parang may isang hanging pader na nagharang sa aking tumapak sa labas. Nagkatinginan kami ng   Matalik kong kaibigan. Nasa labas siya samantalang nasa loob ako. Ningitian ko siya dahil masaya ako para sa kanya pero nakita kong pumatak ang luha niya at iniabot ang kamay niya sa akin para hilahin ako palabas pero unti unti ng nagsasarado ang pinto at wala na akong nagawa kundi magpaalam na lang at bumulong sa kanya na "masaya ako para sa'yo, wag kang mag alala makakalabas din ako". Naiwan ako sa loob ng palasyo, masyado ng tahimik sa loob at hinang hina na rin ako. Umakyat ako sa hagdan para hanapin ang liwanag na nagsabi sa amin kung ano ang gagawin para makalabas. Pero wala akong nakitang liwanag. Kahit alam kong walang anino ang liwanag hinanap ko pa rin ito. Maya maya pa ay may nakita akong bukas na pinto papunta sa isang silid. Pumasok ako at doon ay nadatnan ko ang isang matandang lalake na nakasuot ng malagintong tela. Balot na balot ang kanyang katawan. Nakaupo siya sa sahig at tila inaabangan ako.

"Ako yung natira" pabulong kong sabi sa matanda habang pinipilit ko pa ring  pigilan ang aking mga luha. Tumingin  siya sa akin na parang wala akong dapat na ipag-alala. Umupo ako sa sahig kaharap niya.

"Makakalabas pa ba ako dito?" Tanong ko

"Oo" sagot niya. Muli akong nabuhayan ng pag-asa

"Paano?" Tanong ko

"Hanapin mo yung susi at pinto" nakangiti niyang sagot

"Sabi ng liwanag, wala ng susi at pinto para sa huling maiiwan dito sa loob. Kaya wala na rin akong hahanapin dito." Marahil ay hindi niya alam na ako na lang ang natitira sa loob. Kaya agad akong nawalan ng pag asa.

"Nandito sa loob yung susi at pinto" pagmamapilit niya. Tumayo siya iniabot niya ang kamay niya sa akin para itayo din ako mula sa pagkakahina.

"Nasaan?" Muli kong tanong

"Hindi mo pa rin ba makita kung nasaan ang susi at pinto? Ikaw. Ikaw ang tamang susi at tamang pinto para makalabas ka dito. Hindi mo na kailangang hanapin ang susi sa loob ng bahay na'to dahil nasa loob iyon ng iyong puso mo at ang pinto ay ang sarili mo.  Kung bubuksan mo ang sarili mo gamit ang iyong puso, makakalabas ka rito."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

NAGISING AKO SA PANAGINIP KO AT NAGSIMULA ULIT SA UMPISA KUNG SAAN AKO NATAPOS.

PS.. Totoo po itong panaginip kong ito noong 1st year college ako. At that time, di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na'to pero ngayong sobrang down na ako dahil sa Accounting, nalaman ko na ang kahulugan nito ngayon. Took me 4 years to realize that this nightmare is a shorter version of my college life :). A ride of up and down, Full of sorrows and joys.

A motivated goodnight future CPAs. I pray you all the best in life :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now