Is escapism a key to diminish your stress?

295 15 2
                                    

Walang pasok ngayon kasi pumasok si bagyong Nona hahaha. Ang saya ko kasi may quiz ngayong araw tapos di pa natuloy hahaha!! Whooo I won..but I felt sorry for the victims of Nona. Be strong guys, God is there with you all the time. (Wag kayong ano dyan haha alam kong may quiz ka rin ngayon at masaya ka kasi walang pasok.. Kaway kaway sa mga naligtas sa quiz!! Whoooo.. Ang sarap ng oras haha)

And to finish my day right without guilt of slumping all day, Magsusulat ako ngayon.

Unang una sa lahat, wala akong ginawa buong araw kundi magbasa ng Dead Ringer ni Annie Solomon. Nabili ko lang yun sa booksale for P15.00. Punta na din kayo sa booksale sa kahit anong SM branch madaming mura doon ngayong pasko. Sa SM Manila ako tumatambay after class haha kapag depressed lang ako. Kung marami lang akong pera, ang dami ko sanang nabili. Honestly, wala akong intensyon na bumili ng libro, pumupunta lang ako doon para gumaan ang pakiramdam ko.
 
You can bet that I'm a bookworm. High school pa lang ako, fictional books na ang nagpapakalma sa akin. (Yeah.. Medyo pscho. Haha Syempre yung iba dyan alak o barkada ang pinipinili. Tapos iisipin na alien ako. Edi wow!) Loner ako noong 1st year and 2nd year high school (baka isipin nyo naman emo ako or suicidal noon. Hindi ahh.. Silent type lang pero hindi napapanis laway ko wag kayong bully hahahah) at palagi ako sa college library tumatambay. Ayokong tumambay sa high school library, I can feel the tension na abnormal  ako kapag nakikita kong ako lang ang mag-isa sa dinami dami ng estudyante doon na magkakasama sa isang table.

Allergy ako sa tao, yung tipong feeling ko tinatawanan at pinag uusapan nila ako. (yung iba dyan judgmental na. Sasabihin na OA ako. Oo na!! OA na ako. Pero please wag nyong basagin ang trip ko ngayon.) Mas maganda kung wala na akong nakikitang estudyante kahit mag isa  lang ako sa library, okay na okay lang talaga sa akin. May mga times pa nga na hindi ako pumapasok sa klase  kasi gusto kong tapusin yung book na binabasa ko lalo na yung Young Royals series ni Carolyn Meyer, naalala kong napagalitan ako ni papa noong nadatnan niya akong nagbabasa ng ala una ng madaling araw. (I'm dead serious, akala niya may topak na ako noon dahil umiiyak ako mag-isa habang kaharap ko yung libro). Historical fiction yung series narrated by different life of England's known Princesses. Adik ako doon na halos nandun ako sa time frame nila. Sinundan ko pa yun ng "The other Boleyn girl" ni Philippa Gregory noong 4th year high school ako at "death and the virgin" ni  nakalimutan ko na author noong 3rd year college na ako. Karamihan sa binabasa ko noon ay puro self-help books.

Noon, hindi ko maexplain kung bakit gustong gusto kong magbasa. Basta masaya lang ako. Masaya ako sa ginagawa ko, parang wala akong problema at palagi akong kalmado. Nakakapag-isip ako ng maayos. Talaga namang nawawala ang lahat ng pressure kapag tahimik lang akong nagbabasa sa sulok without any interruption. (Tama ba spell ko ng interruption? Haha double R ba? Syet ang bobo ko talaga.)

I don't care if I appeared weird to some. I don't care about them as much as they don't care about me.

Ngayong college na ako, ngayon ko lang naintindihan kung bakit gustong gusto kong magbasa ng libro. Escapism ang tawag doon. Tumatakas ako sa realidad ng buhay sa sobrang bigat, knowing that there are worlds beyond the books I want to saunter in. For example bumagsak ako sa Tax o kaya sa Auditing, syempre madedepressed ako. Yun yung totoo. Yun yung reality ko. Pero dahil sa ayaw kong harapin ang reality ko, which is bumnagon agad agad sa pagbagsak, magbabasa muna ako ng libro para maramdaman kong na okay lang ako. I want to have the vibes that I can bounce back from failure.

Habang nagbabasa, nakakapunta ako sa ibang mundo. Malayong malayo sa reality ko. Tapos sa isang araw kong pagbabasa o kaya kapag nakatapos ako ng isang libro, pakiramdam ko kumpleto na ulit ako. Tuwang tuwan ako pag nangyari yun. Masaya ako kasi may natapos ako, may na-accomplished ako. Tapos ayun na, bumabalik ulit ako sa reality ng buhay ko ng mas confident kasi alam kong may natapos ako at masaya ako sa ginawa ko. Then hindi ko na namamalayan na nakakamove-on na ako sa  Tax at Auditing. Hanggang sa tuloy tuloy na ulit ako nag eexist sa real life.

To summarize kapag depressed ka, wag kang matakot na ihinto ang oras mo sa real life at magpahinga pansamantala. Don't over analyze or overthink about what failed you.  Nakakabaliw yun at hindi advisable. Pause for a while, do what makes you feel secure. Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin just make sure na babalik kang mas matatag. Build a wall of strength first so that you can protect yourself from the scorching heat of the sun then let the river of reality  take you into challenges.

So ayun haha.. Wag kayong matakot na gawin ang gusto niyong gawin because you have to sychronize your heart and mind into something magical, something you really want. Kung ayaw ng puso mo na bumangon agad, pagpahingahin mo muna pansamantala. Sundin mo muna kung ano ang gusto niya tapos kapag nakapagpahinga na at tumatag na siya ulit, ipakasal mo ulit siya sa mind mo. Itali mo silang dalawa para sa iisang pangarap mo. Kailangan matatag silang dalawa at nagtutulungan sila sa mga paghihirap na mabuhay sa realidad lalong lalo na ang puso, dahil puso ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ng utak. Tanging utak mo lang ang gumagawa at palaging nagpapatigil ng oras para pahingahin ang puso. (Hugot ba? In fact, gusto ko pa itong habaan pero masyado ng deep haha.)

Gusto ko pong magpasalamat sa mga comments and votes ninyo. Salamat dahil kapag nagsusulat ako dito, pakiramdam ko may nakikinig na sa akin. Maraming salamat dahil naniniwala kayong kaya ko. Maraming salamat at nandyan kayo, maraming salamat dahil pinapalakas niyo ang loob ko. Maraming salamat readers :)

Ipagpapatuloy ko lang ang pagsusulat dito hanggang sa maging CPA ako!!!

Ikukwento ko po ang lahat sa inyo. :D
Don't worry, magiging CPA din po tayong lahat.
We have to chase uncertainties. :D
Happy day!!

Rules Of Accountancy StudentsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora