Gaano kasapat ang sa tingin mo ay sapat na?

205 6 0
                                    

Nagising ako isang umaga at napaisip kung bakit kahit palakihin ko pa ang eyebags at dark circles ko kakaaral, hindi pa rin iyon sapat para pumasa sa mga quizzes? May kulang pa ba sa ginagawa kong pagpapaalipin sa pag aaral?

Gaano ba kasapat ang sapat na?

Ikinalulungkot kong sabihin pero gustong gusto ko ng bumagsak sa auditing kahit sobrang masakit, kaso pag bumabagsak kaming buong klase, inaadjust yung grades namin kaya nakakapasa kami. Although masayang nakakapasa pa rin ako, nakakalungkot pa rin isipin na PUMASA KA NGA, PERO ALAM MO SA SARILI MONG BAGSAK KA. Pag nag aadjust  si sir, hindi ko na malaman ang kinalalagyan ko. Alam mo yun? Yung di mo alam kung tama pa ba yung ginagawa niyang pag aadjust para maiparating sayo na SAPAT lang yung ginagawa mong pag aaral kahit bagsak ka? Yung hindi mo malaman kung san ka nya gustong makita sa future?

Gustong gusto kong tantyahin kung sadyang nagtitiwala ba si sir na kaya namin o sadyang ayaw nya lang talaga mambagsak dahil 15 na lang kami sa kaisa isahang 4th year section ng Accountancy program sa University. Di ko alam kung may pakielam ba siya o naiintindihan niya ba kami? Baka nagbibigay lang siya ng chance? Pero paano naman ako maniniwala sa chance na iyon kung every chance na binibigay nya ay bumabagsak ako kahit buong pagpapawis ko ng dugo ang inilalaan ko sa pag aaral? Nararamdaman ko na ang bawat daloy ng dugo sa buong katawan ko sa sobrang pagod. Nakakamanhid ng utak at nakakapanghina ng puso.

Minsan gusto ko ng sumuko, baka kaya sya nagbibigay ng chance kasi gusto nyang kami dapat ang makaalam kung saan kami dapat lumugar. And in the end, malaman ko na I DON't deserve that chance. Di ko na matantsa kung normal pa ba ang mga pinagdadaanan ko ngayon at SAPAT na bang makontento ako sa pagtitiwala ko sa grade adjustments.

Gaano na ba kasapat ang sapat na?
Gaano kasapat ang sapat na paghihirap mo?
Gaano kasapat ang sapat na pagbangon mo?
Gaano kasapat ang sapat na pagbabagong ginagawa mo?
Gaano kasapat ang sapat na pagdadasal mo?

At higit sa lahat...

Gaano kasapat ang sapat na pangangarap mo?

Sapat na ba iyon para mapakawalan ang lahat ng pagdududa mo sa lahat ng bagay at itayo ang sarili mo sa lugar na dapat mong lugaran? Kung ganun ang sitwasyon, sapat na sayo ang sapat na pinaniniwalaan mo.

Sa sitwasyon ko, kahit mahirap tanggapin sa ngayon, kailangan kong pakawalan ang lahat ng iniisip kong mali sa grade adjustments at itayo na ang sarili ko sa lugar na dapat kong lugaran, ANG MAGING CPA. Kahit matagal, kahit wala na akong nakikitang pag asa, hindi ko bibitawan ang SAPAT na pinaniniwalaan ko para punan ang sapat na pangarap ko.

Simula ngayon, hindi ko na bibilangin ang bawat SAPAT na pinaghihirapan ko dahil kung iyon lang ang magiging batayan ko, baka unti unti ko lang mapagtanto na nauubos na pala iyon. Atsaka isa pa, hindi ko kontrolado ang lahat, yung SAPAT na iyon ay pwede pang mabawasan kaya kailangan kong maghanda sa mga pwedeng ibato ng mundo sa akin.

Im going to win this battle.

Kung nalulungkot ka dahil nahihirapan ka na, sana pumasok sa isip mong unti unti mo namang pinupunan ang SAPAT na para magpatuloy  kahit gaano kabagal ang pag usad mo. Nakarating ka sa kung sino ka ngayon kasi sa umpisa pa lang naniwala kang kaya mo, sana hanggang sa mga oras na lugmok ka na sa lahat ng masasakit na sitwasyon, naniniwala ka pa rin sa lakas mo.

Kung meron man taong makakapagsabi sayo na wag kang susuko, dapat SARILI mo yun. Kung hindi man yon masabi ng sarili mo dapat makinig ka sa taas dahil malamang yung nasa taas ang tutulong sayo.

Haaayyy.. Buhaaayyy hahahahha tawa lang kaya pa yan.

kaya natin guys!!
Isa na ako sa mga naniniwala sa kakayahan mong magbigay ng pagbabago at matupad ang pangarap mo.

FIGHT!!!

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now