Is it my Accounting professor?

1.2K 36 8
                                    


Well, last school day ko na today 12-17-2014!!!!! Ang saya ko.

at dahil masaya ako, at malapit naman na ang christmas, kukwentohan ko kayo about sa mga professors ko :) yeah haha. anong CONNEct?

wag kayong umasa na sisiraan ko sila dito, Im not that kind of person.

So, let's start with my very first financial accounting professor na Dean din ng college namin. Matanda na siya, wala siyang asawa, malapit siya sa diyos at naniniwala siyang kaya naming maging magaling. Naalala ko nga nun, nagpakulay ako ng buhok tapos siya din nagpakulay,( I felt the CONNECTION haha.) Then one day nagsuot ako ng pin sa uniform ko at first time ko din siyang nakitang may pin na suot, parehas pa kami. (I felt the CONNECTION ulet). During that time sabi ko, siguro ako ang nawawalang anak ni Dean haha at siguro matalino din ako, di ko lang alam haha ( KAPAL!!). Hindi, seryoso na.

Totoong I felt the connection, at yung connection na iyon ay nagsilbing assurance ko na kahit anong mangyari, as long as I have that connection, magiging OKAY ako. Kapag bumagsak ako, OKAY lang.

Kapag ayaw ko na sa accounting at di ako para dito, OKAY lang. Kapag nakikita ko si mam I feel safe. She is indeed a one of a kind :)

2nd financial accounting professor during my 2nd year ay si *tooot... basta siya. haha lalaki naman tong pangalawa.

Di ko talaga siya makakalimutan kasi nasabihan niya ako na

"Naiimagine ko na to, na iiyak sa October"

buong class ang nakarinig. ang grades ko kasi ng prelim and midterm ay 2.75 kaya malaki pa ang habol ko. Pag bumagsak ako sa major or minor kong subject, bye bye BSAccountancy na ako.

During that time, pinangako ko na gagawin ko lahat para pumasa sa subject niya. Wala siyang karapatan na sabihang iiyak ako sa October samantalang lumalaban pa rin naman ako.

Yung sinabi niya parang pagpapalayas sa akin. nadiscourage ako sa sinabi niya. at those times, naisip ko, siguro tama nga si sir. I dont deserve to continue this course because this course dont deserve me. Matatalino ang mga kaklase ko, madiskarte, at honor student noong high school. Iniisip ko pa nga kung paano ako makakasabay.

During those times, I felt like Im in hell waiting to be burned. konting kembot na lang bagsak na. But you know what? Lumapit ako sa dyos at nagpakalunod sa prayers. Kaya ayun, gusto ni Jesus na maipasa ko yung subject kaya naipasa ko naman.

As for him, my professor, thankful ako kasi he didn't taught me how to hope, he taught me to trust. Nung mga times talaga na alam kong babagsak na ako, iniisip ko na kung bumagsak man ako, OKAY lang kasi yun yung gusto ni Jesus eh. May mas maganda siyang plano para sa akin. Pero alam mo, sobrang thankful ako sa prof. ko na yun kasi kung hindi niya talga ako pinahirapan, di siguro akk magtitiwala sa diyos, di ko siya makikilala at di ko malalaman kung ano yung mga kaya niyang gawin. Kung di ko nakilala si sir, di ako matatakot sa diyos.

kaya sana maging thankful pa tayo sa mga terror teacher kasi minsan sila yung mga pinakamagagaling, di lang natin napapansin.

so, yun lang for today :)

madami pa akong story about my prof.s pero hangganh dito muna ako gabi na kasi I need to rest pa.

Goodnight future CPAs!!!

sweetdreams :)

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon