Auditing!

362 11 10
                                    

Okay.. So nagsimula na ang second semester at wala na akong feasibility study.
Pero para pa rin akong nasa hell dahil sinalangan kami ng Auditing class from 7:00-1:00, 6 hours na sobrang drained ang utak ko ngayong araw. Syempre bawal magreklamo haha. Honestly, bawal magreklamo, sanay na ako dito. Wala naman talagang magagawa ang pagrereklamo di ba?

First meeting kanina sobrang sagad ni sir yung time. Ang sipag niya talaga magturo, dedicated and with passion kaya gustong gusto ko siyang prof kasi palagi ko rin naman gustong iligtas ang sarili ko sa Gera ng quizzes and self-study sessions. ( I said this because I'm very enthusiastically, consistently positive person, kahit mahirap okay lang.) NAMBABAGSAK DAW SIYA! (Okay lang!!)

As expected, kailangan nga ay mataas ang foundation sa finacc 1,2 and 3. Ang kaso, di namin nasimulan ang finacc 3 kaya wala akong alam sa capital accounts puro pahapyaw lang. Medyo mahina ako sa 2 and 1 or kailangan ko lang ng review. Kailangan ko lang talaga ng review (MATINDING REVIEW). Kanina kasi medyo malabo yung naiintindihan ko sa lecture ni sir pero review lang to makakaraos din ako.

At para makapagsimula ng review, nag isip ang malamandirigma kong utak na gumawa ng pinakuluang study plans sa malaking oven toaster na gusto kong i-share sa inyo para kahit papaano ay makatulong ako. Susubukan ko lang ang mga nakalista tapos iiimprove ko pa.

As a way to further understand the introduction of Auditing, I've listed BABYSTEPS to armor myself. So far.. Correcting entries, single entry and cash to accrual basis ang nilecture ni sir kanina kaya ito muna ang focus ko pansamantala. I recommend advance study.

Study plan( brace yourself!!)

1.Review the accounting equation amd classification of accounts
2.Review the accounting cycle, adjusting entries,reversing entries and correcting entries
3.Review accounts in Cost of sales and gross profit
4.Review amortization of liabilities and assets, interest income/expenses
5.Review depreciation
6.Answer basic bookkeeping (5 problems at least)
7. Review cash basis and accrual basis accounting
8.Research math of Auditing if there is one, short-cut methods, and other reference materials

After this...

1. Rewrite notes in Auditing
2.Analyze ACTA!! Haha
Acta- everything you need to understand.
( yung word na ACTA ay ginagamit ng prof namin para gisingin kami habang nagsasalita siya sa harap. Sumisigaw siya ng ACTA!! tapos tinataas niya ang dalawa niyang kamay, tapos gayahin daw namin siya. Mukha kaming baliw hahaha. Di ko alam kung ano ang ACTA. But to my self-interpretation, it's something you shouldn't missed out kaya siguro ginigising niya kami.)
3.Try answering the problems in Roque and Ocampo reviewer.

So far, yan pa lang ang nakikita kong study goals for Auditing haha. Medyo may doubt ako if effective . Given a time, kaya ko tong gawin at konting sipag pa. (Siguro)

Help me readers. Suggest some tips and advice :)
Goodnight.
God bless future CPAs :) kaya natin to hooooo!!!
Dream on!!

(Speaking of dream on... Na imagine ko na 6 years from now, 26 years old na ako. May asawa na kaya ako nun? Or milyonarya na kaya ako? Or nakapasa na kaya ako sa CPA BOARD? Parang di ko maimagine na within 6 years ay magbabago na lahat. Natatakot ako sa future. Ngayon ko lang napag isip isip na unti unti na akong nalalayo kila mama, papa, at sa mga kapatid ko. Sad life :(. )

Kayo, ano naimagine nyo?

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now