Bakit tayo tinatamad mag-aral?

543 13 3
                                    

Ano ba kasi ang dahilan kung bakit tinatamad tayo mag-aral?

What slows us down?

Merong dalawang dahilan. It's either we don't want to do what we ought to do or we were chased by distractions.
(Parang pag ibig, pag ayaw mo na aalis ka na lang o kapag nakakita ka ng mas maganda, mang-iiwan ka)

Minsan talaga aayawan mo yung ginagawa mo kasi paulit-ulit na lang tapos walang progress. Hindi mo kayang makatapak sa susunod na hakbang dahil hindi mo makita kung saan ka na papunta. You are longing for the change you want to achieve yet the stairway is so dark for you to see it.

Aral ka ng aral tapos bumabagsak ka naman. Sabi mo babawi ka sa prelims pero bagsak tapos sa midterms sasabihin mong konting push pa pero wala pa rin tapos sabi mo last na. Last na talaga! Gagalingan mo sa Finals para maging DL ka  pero ano yung nakuha mo? tumataginting na tres. (At least pasado ka pa).

Nakakapagod di ba? Ramdam ko yung feeling na yan kasi kagagaling ko lang dyan. Nandyan yung thought na SHIFT na lang o kaya ay DI NA AKO MAHAL NG ACCOUNTING. At dahil dyan, tatamarin ka ng mag-aral.

Ayaw mo na kasi masaktan. Ayaw mo na kasi napagtanto mong yung best mo ay worthless. Wala kang kakayahang maisakatuparan ang mga  gusto mo. Tapos tuloy tuloy na yung pagbagsak mo hanggang sa bumagsak ka na.

Pero naisip ko minsan na kahit tinamad na tayo at lalong dumami yung hahabulin natin, kayang kaya nating bumawi.

Napatunayan man natin sa sarili nating walang kwenta yung effort natin, meron pa rin tayong kakayahang itama yung mga mali natin.

Timbangin mo kung saan ka nagkulang. Kung kailangan mong isulat, ilista mo! Unti unti mong itama lahat ng iyon hanggang sa makabalik ka sa karera ng buhay. Siguro kapag nalaman mo yung mga mali mo, hindi ka na tatamarin kasi nakita mo yung pagbabago na pwede mong pasukan.

Next, distractions. Bakit ang daming distractions? At our age, lahat na yata ng makita nating maganda ay distractions.  Facebook, DOTA, instagram, wattpad, lovelife, lakwatsa, family events,  TV etc. Ang dami pa nyan.

Di ko sasabihin na mag deactivate na kayo ng accounts nyo or wag na kayo pumunta sa mga gatherings. All I want you to do is put these distractions in moderation.

Self-discipline is the key. Dapat kung ano yung tatapusin mo, tapusin mo muna bago yung mga hindi importanteng bagay.

Prioritize. Dapat alam mo yung dapat mong unahin.

Self-control. At higit sa lahat ay nasa tamang pag-iisip ka para alam mo kung sumosobra o nagkukulang ka sa mga ginagawa mo.

And to end this, I want you to make yourself busy whenever stress arrives.  Wag kang tamaring sugpuin ang kalungkutan kasi tatamarin ka talaga.

🍦🍩🍨🍧🍰🍔

Tara kain na muna tayo tinatamad akong mag-aral. Sorry hobby ko talaga kumain. Hehehhe

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon