Who are you: Questions from Readers

230 6 0
                                    

Merong isang reader dito na gustong makilala kung sino ako. Kung ano pangalan ko, bakit ako nagsusulat at kung bakit di pa ako graduate, etc.

Dear reader at sa mga may balak pang itanong ang tanong niya,  pasensya na at hindi ko maaaring sabihin sa inyo ang tunay na ako sa kadahilanang ninanais kong maihayag ng malaya ang aking mga opinyon.

Para sagutin ang inyong katanungan, (nosebleed na ako sa buong pagtatagalog!! Taglish na nga lang hahaha)

Enumerate ko na yung mga tanong tapos sagutin ko.

1. Anong pangalan mo?- Fgri678

Syempre, anonymous nga di ba? Haha di pwede sabihin. Sikretong malupit lang. Hayaan nyo, identity ko lang ang hindi nyo malalaman pero lahat ng sinasabi ko sa inyo ay galing sa aking big fat heart.

2. Ano ba dapat yung course mo if ever na di mo sinunod yung nanay mo?

Psychology yung nilagay ko sa highschool yearbook ko noon. Feeling ko kasi mature na ako noon. Feeling ko marami na akong alam compared sa mga kaklase ko. At higit sa lahat ay naniniwala ako na maraming may nangangailangan ng matinong mentality lalo na sa mga mahihirap. Gusto kong tulungan sila na maabot ang nais nilang marating gamit ang utak at puso.

3. Saan ka nakatira? Bakit mo pinili ang CEU?

Tubong probinsya ako pero gusto ko naman lumabas ng comfort zone ko kaya nagpamaynila ako. In short, gusto kong mahirapan. Di ko na sasabihin ang exact address ko pero along Dapitan St. Ako. Pinili ko ang CEU dahil sabi ng nanay ko, maganda daw doon kasi sa CEU rin daw nag aaral ang anak ng mga kaofficemates nya. Kaya ayun.

4. Nasabi mo na ba sa crush mo na crush mo sya?

Hahahhaha na-private message ko na siya before kami ilaban sa feasibility study. Nag thank you na ako sa kanya dahil sya ang naging inspirasyon ko pero hanggang ngayon di pa niya pa nababasa. Or nabasa nya na pero mark as unread nya lang. Gusto mo magsulat ako ng last chapter about him since gagraduate na siya bukas? April 7, 2016. Magiging mahabang istorya yun for sure.

5.  Sino ka sa klase nyo?

Ako yung tahimik sa center seat na may sariling mundo, palaging nakadukmo pag walang discussion. Ako rin yung slow makagets sa mga jokes dahil seryoso ako at sobrang dedma lang sa akin yung mga walang kwentang usapan. Ako yung pinakaboring na kausap dahil tanging "oo", "hindi", grabe, haha, talaga? Lang ang alam kong sabihin. As in parang kinausap mo yung pader pag ako kausap mo. Ako rin yung tipo ng estudyante na di mo aakalaing makakakuha ng mataas na score sa quiz ngayon tapos makakasingko kinabukasan hahaha. Ang galing no magic? Pero bilang isang kaklase, maaasahan din naman ako. Ako yung taga-gawa ng props pag may performance, taga gawa ng invitation at certificates tuwing general assembly ng JPIA, taga kuha ng HDMI sa MIAD at palagi akong present para ngitian ang mga kaklase ko kahit na malungkot ako. Ako yung taga appreciate ng jokes nilang minsan ay patama, ako yung taga-tago ng mga siraan nila sa isa't-isa at higit sa lahat ako na yung nagvolunteer na magmukhang pinaka outcast at pinakamahina sa klase para walang masaktan sa kanila. (And the dakila award goes to me hahahaha.)

These are the five questions I chose to answer. If you have any questions, be free to ask. I'll be here to answer.

Sana medyo nalinawan kayo kung sino ako at sana tanggap niyo rin iyon.

So, goodnight future CPAs.
One academic year down YEAH!!
MABUHAY ANG MGA READERS NITO! HAHAHHAHAHA.

Next chapter will be about my last goodbye to my crush. (love ko na yata sya)

goodnight 11:41
:)
:)
Sleep well. Happy vacation. :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now