For you who need to recover from depression; read my story

262 5 2
                                    

Hello guys :)
Medyo maayos ayos na ang pakiramdam ko after ng nangyari sa akin sa feasibility study defense. Yung last chapter na sinundan nito, talagang nadepressed ako kaya pasensya na kung nakapaglabas ako ng galit, (monster ako noon at madilim ang paningin ko sa kay mother earth) pero hindi ko binabawi lahat ng sinabi ko doon.

For those who want to read this chapter be ready because I'll be telling you my whole experience in FS defense. Pasensya na kung ang dami kong kwento about sa FS ko. Dito ko kasi huhugutin ang gusto kong ipamulat sa inyo. Nandito yung lesson na gusto kong maintindihan nyo ngayon. Actually, nahihirapan akong makapag isip ng title para sa chapter na'to but siguro mamaya pag natapos ko ng isulat makakaisip din ako.

So.. Simulan ko na!!

-------

Last year pa lang, nanood na ako ng best feasibility study 2014. Nakapwesto ako as audience. I was third year back then. Lahat ng 3rd year ay required manood kasi next year kami naman ang posibleng lumaban doon. Nung pinapanood ko sila na nagdedefense sa harap, nangarap na ako na next year kami naman ang nandyan sa harap at kami naman ang mananalo. 3rd year din yung crush ko noon, itago na lang natin sa pangalan na J-j. Audience din siya at nakaupo siya malapit sa likod ko. He's a marketing major, he tops everything, masaya siya sa course niya, he's a member of dance troupe, chinito, fair skin, at tahimik pero humble. What I admired about him is that he enjoys everything. Nakikita ko yun kapag sumasayaw siya sa stage. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ko susukuan ang accounting magiging kagaya ko din siya at papatunayan ko yun kapag natalo ko siya next year sa battle of the wits: best feasibility study 2015. I was his secret admirer. Alam niya na may crush ako sa kanya pero hindi ako nagpapakilala. Sinabi ko na magpapakilala lang ako kapag naging katulad ko na rin siya. I never said about my plan of winning the best fs. Habang nakikinig ako sa mga nagdedefense, nililista ko yung mga tanong ng panelist para makapagprepare na ako next year. Sobrang excited ko noon, determinado akong manalo, sobra sobrang gusto kong maging katulad niya.

Days passed. 4th year 1st semester, natapos yung feasibility study namin. Lima kami sa grupo. Maganda yung product namin pasok sa category ng technology. Pinili ko talaga yung Marketing Aspect kasi marketng major yung crush ko para pag nagdefense kami, may koneksyon yung sinasabi ko sa kanya (adik ako noh?!! Hahaha). Halos magpawis na ako ng dugo sa sobrang hirap ng market analysis. Nahirapan din yung mga kagroup ko aspect nila. Pinagpupuyatan ko talaga at halos di ko na maharap ang mga major subjects ko. But luckily, naipasa ko naman lahat.

Tapos...

Nitong 2nd sem ng 4th year namin, napili na kami as a candidate for battle of the wits:best feasibility study 2015. Sa wakas!!! Dream come true!! Ang saya saya ko!!! Kahit hindi na kami manalo, sobrang thankful na ako. Kami ang may pinakamagandang study sa buong section namin, makakalaban namin ang mga best groups sa ibat ibang sections ng ibat ibang course. There are five candidates, 1 from management, 1 from marketing, and 2 candidates from managerial accounting. Unfortunately, hindi na nakasama yung group ni J-j kulang daw kasi sila ng Financial aspect. Sayang, sana natulungan ko siya dun. Naalala ko nga, noong last day ng 1st sem, pumasok siya at ng mga kagrupo niya sa room namin para magpakonsulta sa prof namin. Nag eexam kami noon sa accounting laboratory at nandoon lang siya sa harap nakikipag usap sa prof. Di nga ako nakasagot kasi nakatitig lang ako sa kanya. (Feeling ko mukha akong ewan nun!!! Haha natutuwa tuloy ako kapag naaalala ko yun).

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon