Sinabi nya ng babagsak na ako. AKO LANG!

213 8 4
                                    

Darating talaga ang araw na katapusan na ng mundo mo. Akala mo kaya mong magpatuloy sa haba na ng narating mo. Wala pa lang halaga ang haba at tagal mong mag aral sa harap ng kabiguan. Marami na akong napagdaanan. Marami na rin akong iniiyak na problema. Marami na akong ipinagdasal na hanggang ngayon ay di pa rin nabibigayang katuparan. Ngunit, iba na ang pagsubok na nararanasan ko ngayon. Dumating na ang araw kung kailan ang problema ay naging permanente ko ng buhay. Tila isang katauhan sa loob ng aking isipan at kumikitil sa mga natitira ko pang pag-asa.

Nasaan na nga aba ako? Saan na ba ako papunta? Ano ba ang gusto kong isigaw sa mundo? Ano bang pinaglalaban ko? Ano na ba ako ngayon? 

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung may diyos ba na nakakaalam ng mga bagay na pinagdaanan ko. At kung alam niya iyon, bakit nahihirapan ako ngayon kahit na siya na lang ang nasasandalan ko?

Marahil ay itatanong niyo kung ano bang problema ko.

"Babagsak na kasi ako sa Auditing ngayong 4th year college na ako."

Simpleng mga salita lang hindi ba? Simpleng problema lang para sa inyo. Dagdagan pa natin yan ng maaari pang maging problema.

"May requisite ang Auditing next sem at hindi ko makukuha iyon kapag bagsak ako ngayon. Kaya dalawang subject ang hindi ko makukuha next sem"

Medyo mabigat na ba?

"Di patas ang nangyayari sa klase dahil nakakalamang ang mga nangongopya"

Dito medyo masakit na kasi hindi sila babagsak samantalang ako na tapat ay babagsak.

"Dahil sa malapit na akong bumagsak, kailangan kong bumawi pero hindi ako makabawi dahil ang daming requirements na kailangan tapusin sa ibang subjects"

Lahat na ng pwede kong maisip tapusin ay gusto ko ng tapusin para makapaglaan ako ng oras sa Auditing.

"Pagdating ko palagi sa bahay, palagi na lang akong palpak at wala sa isip at kung ituring ako ng nanay ko ay para akong isang empleyado niya na pwede nyang sabihan ng kahit anong masasakit na salita."

Palpak na nga ako sa school, palpak pa ako sa bahay. Wala na akong magandang ginawa sa buhay ko.

"Ibang iba na ang tingin ko sa mga kaklase at kaibigan ko. Ibang tao na sila sa akin at parang lumagpas na ang katauhan ko sa normal nilang ikinikilos."

Malamang ibang tao na ako sa kanila at ibang tao na sila para sa akin dahil babagsak ako at papasa sila. Malamang sasabihin nila na KAYA KO PA or MAY PAG-ASA ka pa. Pero maiintindihan ba nila ako kung wala naman sila sa kalagayan ko? Kung tutuusin nga, wala na akong karapatang makisabay sa mga tawa at usapan nila. Wala na akong karapatang sumabay sa kanila sa pagkain o karapatn para kumain. Wala na akong karapatan maging normal na tao dahil pabagsak na ako.

"May diyos pa ba?"

Isang buwan na akong hindi naniniwala na may diyos. Hinihintay ko siyang lumapit sa akin pero kahit isang anino niya ay hindi ko na maramdaman. Ganun ba talaga ang diyos? Hindi mo lang siya maalala, kakalimutan ka na rin nya? Bakit ganun sya kalupit?

"At higit sa lahat ay hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Wala ng direksyon ang buhay ko dahil kahit minsan ay di ako nagdesisyon para sa sarili ko. Ang tanging naging malaya kong desisyon  ay ang manalo sa Feasibility study para sa isang tao pero wala rin iyon, ibinasura ko na iyon.

Hindi ko akalaing ganito ang kakahinatnan ng buhay ko. Maiiwan akong mag isa, di ako gagraduate next year, at habambuhay na akong makukulong sa bagay na hindi naman ako masaya para lang mapasaya ang mga taong nagbigay ng pagmamahal nila sa akin.

Yung araw na nalaman kong babagsak na ako dahil hindi ko mahabol habol yung 3.00 na grade sa Auditing, umiyak agad ako kahit na nasa loob pa kami ng classroom. Nakatingin lahat ng kaklase ko sa akin at pati na rin ang prof. Namin. Lumabas ako ng room at nagkulong sa CR. Humahulgol ako ng iyak at kahit isang kaibigan ko ay hindi ako sinundan para katukin ako sa loob. Siguro alam nilang kahit nandoon sila ay hindi ko sila pakikinggan at hindi ko talaga sila pakikinggan sa mga oras na iyon.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto. Tinatanong kung okay lang ako sa loob. Sabi ko okay lang kahit na umiiyak ako. Tinawagan ko si papa paglabas ko ng CR. Narinig ko pa lang ang boses ni papa sa cellphone,  umiyak na ako at hindi ko na masabing bagsak ako. Nilakasan ko ang loob ko para sabihin sa kanya iyon. Sabi niya

"Bakit ka umiiyak?"

"Ano naman kung bagsak ka?"

"Edi ulitin mo kung bagsak ka"

"May quiz ka pa ba? Bawiin mo doon anak"

"Kalma lang. Masyado ka kasing nag iisip"

"Nasaan ka anak? Wag ka ng umiyak"

"Gusto mo na bang umuwi? Umuwi ka muna"

"Wag kang iiyak sa bahay pagdating mo. Sabihim mo lang kay mama mo na bumagsak ka at willing kang bumawi. Wag kang iiyak dahil manghihina iyon. Wag mo rin ipakitang mahina ka sa harap ng kapatid mo"

"Maging malakas ka anak. Normal lang yan. Talagang dumadaan tayo sa mga ganyan anak."

"Wag kang maiinggit sa mga kaklase mo ha. Mag aral ka lang ng mabuti."


Gustong gusto ko ng umuwi pero nang narinig ko yung mga sinabi ni papa, may tama siya. Kailangan ko lang talaga mag aral para makabawi ako at maipasa ko pa rin ang Auditing. Ngayon, gagawin ko ang lahat para sa mga katulad ni papa. Gagawin ko na talaga ito para sa sarili ko, sa kinabukasan ko at para itama ang mga pagkakamali sa akin ng mundo.

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon