uWhen you feel empty.

1.3K 51 12
                                    

ewan ko kung ako lang ang nakakaexperience ng pagiging empty headed pag nagtatanong sa akin ang mga kaklase ko ng sagot.

Nag aral naman ako, pero pag on-the -spot nila ako tinanong, nawawala ako sa focus at di ako nakakasagot.

Aaminin ko na, kaya ako ganito kasi mabagal ang processing ng utak ko. Mabagal ako magrecall and may social anxiety disorder ako. yup, you read it right. may social anxiety disorder ako.

Takot akong makipag-usap sa mga tao kasi alam kong may masama silang masasabi sakin. Yup, sobrang negative kong tao. Takot din ako magexpress ng sarili ko kasi alam kong mas magaling sila sa akin at kung ano man ang sasabihin ko ay magiging nonsense lang sa kanila. Ang sakit di ba?

So, ayan ganito talaga ako, hirap na hirap makipagcommunicate.

But one thing I learned, dapat labanan ko yung pagiging emptyheadedness ko, kasi nasasanay na akong palaging tulala, mabagal ako kumilos at pag nageexam, palagi ako naghahabol sa pagsasagot.

Paano ko siya lalabanan?

Hindi ko din alam, but as for now, magpaplano ako kung paano ko malalabanan ang fears ko.

Maghahanap ako ng mga ibang pagtutuunan ng pansin gaya ng pakikipagbonding sa family, lulutuan ng pagkain ang friends, makikipag CHAT sa bestfriends at higit sa lahat ay gawin ang gusto kong gawin, para lang mapaandar ko ang utak ko ng tuloy tuloy nang hindi pumurol ang utak ko. Bibilis ang retention skills ko. At syempre, pag di na mapurol ang utak ko, pede na ako makipagbakbakan sa sagutan ng mga kaklase ko kasi nag-iisip na ako ng sasabihin ko.

sounds simple? sounds ordinary?

I dont think so, lalo na kapag ang kakausapin mo ay walang tiwala at ayaw sayo, kaya hindi din siya makikinig sa sasabihin mo kahit gaano ka pa katalino.

yung mga ganung tao naman, pwedeng iwasan. Di naman sila kawalan. jusme!!!

just remember pag feeling mo blanko ka, matulog ka pero bago ka matulog, mag set up ka ng plano mo, at paggising mo, simulan mo ng gawin ang plano mo tapos wag kang titigil hanggat di kinakailangan. yun lang :) Remember, when you wake up in the morning, promise yourself to be the person you want to be on that day and tomorrow.

:)

Rules Of Accountancy StudentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon