My FS defense experience

429 9 1
                                    

Sino bang hindi kakabahan sa Feasibility study defense?
Mararamdaman mo na lahat ng kaba at halo halong emosyon ng takot at excitement. Nandoong naka-corporate attire ka habang nag papractice till the last minute tapos mapapatunayan mo pa ring hindi ka handa. Makakalimutan mo ang linya mo at parang masusuka ka sa sobrang dami na ng hanging naipon sa tyan mo.

Bibilis ang tibok ng puso mo at tila panghihinaan ka na ng loob. Ijujudge ka ng mga kaklase mo kung kaya mong magdefend ng paper. Bubuuin nila ng pangambang baka hindi ka makasagot at manatili kang walang alam sa isang bagay na alam mong pinaghirapan mong aralin at pinagbuhusan ng pagmamahal.

Papasok ka sa school. Makikita mo ang crush mo (crush na naman haha) na siya ring magdedefend ng thesis paper nila sa kabilang room after niyo. Gusto mo siyang sabihan ng "goodluck" pero maaalala mong di ka pala niya kilala. Wala pala siyang pakielam sa iyo. Kaso kahit alam mong ganun, ngingiti ka pa rin kasi alam mong para sa kanya ang ginagawa mo. Na isa siya sa mga taong pinag-aalayan mo ng paghihirap mo. Mapapaisip ka na lang na siguro nakita mo siya kasi gusto ni tadhana na lumakas ang loob mo sa defense.

. (Remember my promise sa chapter 2? Sabi ko gagalingan ko sa feasibility study defense kasi tatalunin ko siya sa best feasibility study sa december at pag nanalo ako, magpapakilala na ako sa kanya because it means that for the first time, mapapatunayan ko ring kaya kong maging katulad niya. Cornybells ba? Hahaha corny na .. Pero kasi... Basta... Ginalingan ko lang talaga dahil sa kanya!!)

So dahil sa mga pressure, ginalingan mong mag defend. Ginawa mo yung best mo. Itinatak mo na sa isip mong di ka dapat magkamali. Tapos nung nag defend ka na, madami kang napulot na aral...

1. Isalba ang groupmates mo na mali mali ang sinasabi sa pagsagot
2. Matutong magpasalba. Ibaba ang pride
3. Dont let your personal issues get in the way
4. Wag kang magmayabang na parang ikaw lang ang dapat sumagot
5. Sagutin mo kung ano yung alam mo.
6. Magtanong sa panelist or clarify things na hindi mo maintindihan lalo na kung recommendation nila yun
6. Maglista ng mga corrections
7. Be honest kung hindi na kayang lusutan ang pandaraya
8. Be brave to stand up for yourself kahit ijudge ka ng mga groupmates mo or tawanan ka nila ng palihim.
9. Look the panelist in the eyes and be yourself. You dont have to pretend like a genius
10. Walang sisihan kung mafail kayo or what
11. Lakasan mo ang boses mo to the extent na maintindihan ka nila hindi yung sinisigawan mo na sila.

And most importantly, kung mafail ang paper nyo, remember that there is still a room for improvement. Pumasok ka dun at tapusin mo bago ka lumabas. Sayang naman ang pinaghirapan mo diba? Itatama mo lang yung mga mali mo at walang mahirap dun kasi  yun ang tama.

Kapag nag succeed naman ang paper nyo, be thankful sa lahat ng paghihirap na ginawa mo. Pero wag mong kakalimutan na yung mga pagpapahirap sayo ng mga kagroup mo ay hindi kasama sa success ng paper nyo. Tandaan mo na kung saka lang nila nakita ang success ng paper nyo dahil sa pinasa at pinuri ito ng Panelists, hindi ito basehan na naappreciate nila ang paghihirap mo. Kung naapreciate nila ang paghihirap mo gaya ng pagaapreciate mo sa paghihirap nila, dapat doon pa lang ay masaya na sila at pakiramdam nila ay pasado na kayo lahat kahit ibagsak pa kayo ng panelist.

In my own personal experience...
Sinabihan kami ng panelist na maganda daw ang paper namin. Ang hirap daw hanapan ng mali dahil almost perfect. Plus, nagrequest sila kung pwede daw kaming ilaban sa BIDA next year at ilaban sa best feasibility study which is pangarap ko talaga haha. We passed the defense. Kaya paglabas ng panelist nagsisisigawan kaming lima sa room. Nagyakapan kami na parang wala silang pagpapahirap na ginawa sa akin at hindi talaga reasonable na pagpapahirap. I somewhat felt like a dumb during those times na nagcecelebrate sila ng success namin. Kasi saka lang nila naappreciate yung hirap ko nung success yung paper. What if na fail kami, maaappreciate pa kaya nila knowing that iba ang ugali nila? I am certain that when we failed that defense, they will put the blame on me or to others. Magsisisihan lang kami. Honestly, kahit naipasa namin yun defense, di ko ramdam yung success kasi hindi doon nasusukat yung victory. Naniniwala ako na ang success ay nakabase sa kung paano mo yun nakuha hindi kung gaano kaperpekto ang kinalabasan. It's about how you play the game. How we played the game? "Pagpapahirap sa akin, pagpaplastikan, paglalaitan, at madami pang negatives". Paano ko masasabing successful yan? Kaya nung nag aya silang kumain sa labas for celebration, hindi ako sumama. Alam ko naman kasi na maling mali na yung icecelebrate ko kung ganun. Yung extent ng pakikisama ko sa kanila ay hanggang sa feasibility study lang. ngayon kung gusto nilang makiplastikan beyond of it, di na kakayanin ng konsensya ko. Masyado ng lumayo ang loob ko sa kanila at sapat na rason iyon para wag kong ipagsiksikan ang sarili ko na sa tingin nila ay tama gaya ng ginagawa nila.

See? Remember guys, if ever na naipasa nyo ang defense sa panelist, that doesn't mean na successful talaga kayo lalo na kung di naman kayo nag enjoy sa paggawa niyo ng thesis paper at walang nabuild na connection sa isa't-isa. In short kung successful ang paper nyo pero pakiramdam mo ay hindi naman dapat mag celebrate, ibig sabihin nun ay...

SUCCESSFUL ANG PAPER NYO, PERO IKAW, SILA, KAYO, HINDI KAYO SUCCESSFUL.

HINDI AKO SUCCESSFUL
HINDI SILA SUCCESSFUL
HINDI KAMI SUCCESSFUL
Flat 1.00 ang grade namin sa defense but I don't think We deserved it. Kami lang ang naka-UNO, but I don't think we deserved it.

I thanked God though for making me realize these things. At least I learned one valuable lesson that makes me successful after all.

You! Yeah you, reading this..
I wish you goodluck in your feasibility study defense. Sana mahanap  mo din yung isang bagay na makapagpapatunay na successful ka after lahat ng hirap mo. At sana yung bagay na yun ay makapagpasaya sayo kahit walang nakakaalam.
God bless future CPAs.
Goodnight.

#Sembreak na yooooooohoooooo!!!!

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now