How to start your FINALS with a BANG!!!

723 21 2
                                    


In my personal experience and eversince na nagcollege ako, lagi na lang FINALS ang pinaka gusto ko. During this period, I always try my best to defeat my past self.

ALWAYS. "SARILI KO LANG ANG KALABAN KO NGAYON"

I've been through prelims and midterms without fulfillment, palaging may kulang sa ginagawa ko. Naranasan nyo na ba yun? Yung tipong start ng prelims, sasabihin mo sa sarili mong mag-aaral ka, babawi ka and you will do your best? Pero habang tumatagal, parang wala namang nangyayaring improvement. Sa halip na magbuklat ka ng books, manonood ka ng movies. Sa halip na solve ka ng accounting problems, maydedaydreaming ka. Sa halip na PINUPUNO mo ang utak mo ng theories and concepts related to accounting, nangangarap ka ng gising, nagsusurf ng net, facebook, twitter, nageemote, nagrerebelde, o kaya nagYOYOLO. And after you maintain the old you, knowing you will fail through such, YOU REMAIN THE SAME STUPID PAST VERSION OF YOURSELF. Alam kong masakit, kasi masakit talaga, wala ng explanation.MASAKIT! Period. Wala ka na namang natapos. HINDI KA NAGBAGO At NAKAKALUNGKOT. Nangako ka na magbabago ka pero walang nangyari sayo kasi mas pinili mong tugunan ang mga bagay na sa tingin mo ay nangangailangan ng matinding atensyon, pero kung tutuusin ay panandaliang kaligayahan lang ang hatid.

IMPROVEMENT?

Paano ka mag-iimprove kung hindi mo kayang DISIPLINAHIN ang sarili mo sa mga munting bagay na nakakahadlang sa kagustuhan mong magbago?

IMPROVEMENT?

Paano ka magiimprove kung TAKOT kang iwanan ang mga bagay na nakagisnan mo dahil yun lang ang nagbibigay halaga sayo when in fact, kailangan mo na talagang iwanan?

IMPROVEMENT?

paano ka mag-iimprove kung SARADO ang puso mo na tumanggap ng salita ng diyos? Ng suporta? Ng pagmamahal? Ng kaligayahan? kung hindi ka marunong MAKINIG?

IMPROVEMENT?

Paano ka magiimprove kung iniiwasan mo mga problema mo? Kung gumagawa ka ng sarili mong mundo at naniniwalang ikaw lang ang taong perpekto? Paano ka magiimprove kung hindi bukas iyang puso mo sa mga taong nagmamahal sayo?

Paano ka magiimprove?

Paano ka makakabawi?

Paano mo sisimulan ang huling laban?

Kapag nandito na tayo sa stage na gusto nating magbago pero feeling natin ay di natin kaya kasi ang dami nating tanong, at aminado tayong kasalanan natin pero di natin tanggap, isa lang ang nasa isip ko....

"KAHIT DI KO MAKUHA ANG GUSTO KONG SELF-IMPROVEMENT NGAYONG FINALS, AS LONG AS NATANGGAP KO ANG PAGKAKAMALI KO AT WILLING AKONG MAGBAGO, WALA AKONG DAPAT IPAGALALA. KASI ANG PAGBABAGO AT TAGUMPAY AY WALANG PINIPILING ORAS. MASUNOG MAN AKO SA PAGBAGSAK NGAYON, SIGURADO NAMAN AKONG MAGTATAGUMPAY AKO BUKAS."

Kaya dapat, bago magfinals, kung gusto nyo talagang mag-improve, tanggapin nyo muna ang mga pagkakamali nyo. Once you have accepted it, wag kang magplano kung ano ang susunod mong gawin. Iwasan mo muna ang mga dapat ay hindi mo ginagawa. Then by the time you have the self-discipline, magplano ka na. Mas magagawa mo ng maayos ang plano mo kapag may disiplina ka kaya mauuna muna ang disiplina bago ang plano. And most of all, WAG KANG MATAKOT SA PAGBABAGO AT MANIWALA KA SA SARILI MONG MAY MAIDUDULOT NA MAGANDA ANG GINAGAWA MO.

haaayyy.. medyo malalim ang pinanghuhugutan ko nito. Depressed pa rin ako ngayon actually and I think writing here is my only remedy.

Goodnight future accountants :)

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now