Ako lang ba ang nahihirapan sa Tax?

323 6 0
                                    

Sino sa inyo ang nahihirapan iapply ang theories sa practice?

AKO!!!!!
(Sabi ng tamad na estudyante.)

Pinag aralan namin yung donor's tax at syempre litong lito na naman ako sa mga rulings kaya palyado ang computations ko na worth 50% ng total score. Nakakaiyak na sobra. Naaawa na nga yata sa akin si attorney.
Hindi na ako sure kung anong rule pa ang gagawin ko para makipagbakbakan sa tax. Mahal mo raw dapat ang ginagawa mo kaya kahit masakit kailangan kong mahalin ang tax. Pero pinipilit ba ang pagmamahal? (Hugot 1 ahaha). Eto lang talaga ang alam ko, kung magmumukmok lang ako sa tabi, malamang hindi ako makakausad at kapag di ako makakausad, wala akong mapupuntahan. Siguro wala ng rule when it comes to love.(hugot 2). Kaya siguro ako nahihirapan kasi pinipilit ko ang isang bagay na hindi para sa akin. Para lang pala siya sa iba kasi doon bagay na bagay siya. (Hugot 3). Buti na lang medyo magaling ako sa Financial Management. Essay kasi iyon hindi gaano kailangan ng analysis. Binigyan nga ako ni sir ng 1.25 dun. Highest nga yata ako. Mahal talaga ako ni sir kasi tanggap niya ang kabobohan ko sa Math at tanggap niya ako bilang isang di perpektong tao. (Hugot 4). Hhhaa ayoko na tama na yung hugot. Serious na ulit.

Okaaayyy so.. Serious na
Erase
Delete
Skip
Next
Forward
Move on ( hugot 5 gotcha!)

Ayoko na talaga! anak ng tokwa! Yung emosyon ko humahalo sa kapasidad ng utak kong makapag isip!
Okay so.. tax...
Tax
TAX..
Mahirap yung tax? Tama ba?
Nasa tax na tayo di ba?
Tax TAYO diba? (Wala palang tayo. Hugot 6. Seriously guys di ko mapigilang humugot hahaha)

So tax...

3.00 ang prelim grades ko sa tax ngayong sem kay attorney. Inadjust nya na yun sa lagay na yun. Ang ikinakabahala ko lang ay baka di na ako makabawi. Bakit nga ba mahirap mag apply ng theories in practice? Sa tingin ko kasi..

1. Masyado akong nagkakabisa ng hindi ko naiintindihan kagaya ng ginagawa ko sa crush ko. Kinakabisa ko bawat lugar na nandoon siya  kapag nadadatnan kong wala siya doon, nadidisappoint ako kasi hindi ko naintindihan sa simula na 4th year na siya at may OJT na pala siya. Kaya ayun nadisappoint lang ako.

2. Masyadong detailed ang nakikita ko sa tax at di ko makita ang whole picture. Kagaya ng sa crush ko ulit. Napaka detalyado niya sa panaginip ko pero sa real life, parte lang pala iyon ng malaki nyang pagkatao.

3. We overanalyzed! Again kagaya na naman ng sa crush ko. Sobrang binibigyan ko ng kahulugan ang mga kilos at galaw niya thinking that it's for me. Pero echos lang pala iyon kasi kung ano ang nakikita ko iyon na talaga iyon wala ng iba pa.

4. We compete. I always wanted to be like him. But the truth is, I should be myself.

Ang dami ko pa sanang hugot ngayong gabi pero alam kong nakokornihan kayo sa akin. Actually nakokornihan din ako sa sarili ko pero at least di ba, tanggap kong mais ako

Im not sure what to do with tax but let me tell you a secret..
I want my feelings for him to go away so that it can't interfere with my academics.
In short.. Don't get distracted by emotions but don't be a robot either.

Goodnight :)
Kahit anong mangyari makakarating tayo sa pagiging CPA.
This is just the journey and journey is always rough.

Rules Of Accountancy StudentsWhere stories live. Discover now