Chapter 11: First Cry (Updated)

8.7K 149 13
                                    

RED

Thursday. Regular na naman ang pasok ni LJ bilang estudyante sa Aires University at bilang secretary ng Dazzlingly Beautiful na si Red Oliver.

2pm nang matapos yung klase niya. Dumiretso na sya agad sa SC Office.

"O Miss Martinez, akala namin hindi kana pupunta rito ehh." Pambungad na sabi ni Franz. Siya naman talaga yung palaging unang pumapansin kay LJ ehh. Nag usap lang sila sandali tungkol sa gagawin nya at kay Red Oliver. May sakit daw ulit ito.

"Sige na, puntahan mo na si Red. Biliiiis!" sabi ni Franz habang tinutulak pa si LJ. Kahit kelan talaga tong si Franz maloko. Mahilig pang manulak.

Pumasok na sya, dahan dahan. Nakita nya si Red, nakabowdown sa table nya. Mukang natutulog. Kinuha nya yung mga docs na itatype nya sa gilid, dun sa drawer. Saktong palabas na sya nang napatingin na naman sya kay Red Oliver. Naalala nyang muli yung sinabi sa kanya kanina ni Franz.

*flashback*

"Tamo si Red, kahapon imbis na magpahinga eh nagpakasubsob sa trabaho. Kaya ayan, tinablan ng sakit."

Napabuntung hininga nalang sya saka nilapitan nya si RED. Nakaside view si Red Oliver kaya kita ang muka nya. (mukang nyang POGI)

Dahan dahang nilapit ni LJ ang palad nya upang icheck yung noo ni Red Oliver kung may lagnat ito.

Nagulat siya nang hinawakan sya nito ng mahigpit na mahigpit na mahigpit na mahigpit sa wrist.

Napalunok si LJ. Gising si Red? Posible. Pwede ring nagising lang sya bigla. Nung iangat na ni Red yung ulo nya, pareho silang parang gulat na gulat.

"Loureen?"

Halos maiyak na si LJ sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Red. Halos kulay talong na tuloy yung palad nya.

"Oh, hindi ko sinasadya. Nabigla lang ako." sabi ni Red na napabitaw bigla sa wrist ni LJ.

Pinilit lang ni LJ na ngumiti sa harap ni Red.

"Give me that." sabi ni Red.

Para namang napaisip si LJ. Hindi niya alam kung anong tinutukoy ni Red. Kinuha niya yung wrist ni LJ. Nakita niya na sobrang namula ito at mukhang magkakapasa pa. He put an ointment on it.

"Mainit ka. May sakit ka ba, Sir?" sabi ni LJ. Napatigil si Red sa pagpahid ng ointment.

"Wala." sagot nito. Tumayo na ito at naupo sa harap ng table niya na akmang magsisimula na ulit magtrabaho.

Sinundan naman siya ni LJ. Bigla biglang hinawakan niya si Red sa noo.

MAINIT nga.

"Tsk. Uminom na po ba kayo ng gamot?" tanong ni LJ na parang naiinis.

"I'm not sick and I dont want to take ANY medicines."

Sandaling napatigil si LJ na parang ang lalim ng iniisip. Tapos nagpaalam sya kay Red na may kukunin lang saglit dahil may ibibigay sya rito.

*

LJ's POV

Sa may gate.

Napakaraming tao sa may gate. Kasindami ng estudyante sa tuwing dadating si Red Oliver tuwing umaga.

"Anong meron?" tanong ko dun sa isang babae na nakikisiksik sa kumpol ng tao.

"Bumisita kasi si Catherine Vera dito!!!" sagot nya.

Catherine Vera? Si Catherine Lois Vera? Yung international model at palaging nasa commercial at cover ng Magazine? Yung kapag makikita mo eh mapapanganga kang talaga? Sakto namang dumaan sya sa harap ko.

Nganga. Grabe ang ganda, ang sexy.

Ang kinis ng balat ATJUSKO TE, Ang taas ng heels. Di ko keri. Ay o'sya. Makauwi na nga. Gagawa pa ako ng Lasagna. Oo, Lasagna. Para kay Sir Red.

Panigurado, magugustuhan nya ako. Teka anong sabi ko? Aissh. Ano ba tong pinagsasabi ko. Sabay gulo ko ng buhok ko. Ouuuuuuuuuuuuch! Tsk. Ang sakit pa rin ng wrist ko.

Ang lakas naman nung Red na yun. Di ko tuloy magalaw masyado tong kanang kamay ko. Pasalamat sya, ang pogi nya. Pogi na, gwapo pa. Oha!

Aaaaay. Tama na nga. Alas sais na ng gabi. Papunta na ako ulit sa Aires. Alam ko, andun pa yung Red Oliver na yun. E mukang dun nga yun natutulog ehh. Ubod ng sipag. Marami paring estudyante kahit gabi. Mga pang night shift.

"Hi, Aimey! Andyan paba si Sir Red?" tanong ko. Si Aimey Garcia. Member sya ng board.

"Ah oo. Mukha ngang busy. Ayaw paistorbo ehh." Sabi nya na pangiti ngiti pa.

"Busy saan?" tanong ko. Medyo kinabahan kasi ako.

"Tingnan mo nalang. Sige LJ. Mauna nako. Bye!" Paalam niya.

Busy? Ayaw paistorbo? Bakit kaya?

Naglalakad na ako papunta sa office nya. At bawat hakbang ko eh bumibilis din ang kabog ng dibdib ko. Ayyyy anubato!

INHALE. EXHALE.

EXHALE. INHALE.

INHALE. INHALE.

"Exhale, Miss Martinez." Sabi ni................. Franz. Alam nyo na.

"Para kang sira. Inhale Inhale kapa dyan. Anong pang ginagawa mo dito?"

"Ah ehhh... kasi may nakalimutan ako. Binalikan ko lang sandali." Pagdadahilan ko habang tinatago ko sa likuran ko yung Paper bag na dala ko.

"Sige ha, una nako sayo!" Te-ka ano yang hawak mo?"

"Wala ahh. Sigi uwi kana, Sir. Bye bye!" Sabi ko. Sabi ko habang tinutulak ko sya palabas ng pinto. Tapos tiningnan nya ko. Yung tingin na nakakaasar. Pero umalis na sya. Buti naman. Phew! O eto na. Papunta na ako. Eto na talaga. Ano ba LJ! Bat ka ba kinakabahan? Isang hakbang pa pinto na ng mismong office ni Red Oliver. May part na glass yung door.

Sumilip ako mula dun.

Dug

Dug

Dug

Si......... si R..ed?

At yung.......

Cath...erine.............. Vera?

Walang tigil sa pagkabog ang dibdib ko.

Bakit ganto? Bakit ganto ang nararamdaman ko?

Ang alam ko lang eh kelangan ko ng umalis dito. Hindi ko namalayan habang tumatakbo ako, may nabangga pala ako.

"Sor....ry......" nauutal kong sabi. Pinipigil ko yung pag iyak ko.

"My Princess?" narinig kong sabi nung nabangga ko. Pero nagtuluy tuloy ako sa paglalakad.

"LJ! LJ, teka! LJ!!!" hinatak nya ako sa braso.

"Princess....... are you okay?" tanong nya.

Sa pagkakataong yun, di ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak. Niyakap nya na rin ako.

"Jo........nas........................."

TO BE CONTINUED



*

Kumusta Christmas nyo, REDers? :)

Angcuuute ng REDers.

Yun na tawag ko sa mga nagbabasa neto.

Sorry sa mga mispelled words.

Di ko maiwasan eh, kakamadali magtype.

Hindi ko alam kung gagawin kong VAMPIRE si LJ. :)

SA TINGIN NYO, REDers?

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now