Chapter 23: Through the Rain (Updated)

6.6K 132 13
                                    

RED

Flashback:

"LJ! LJ! Si Sir Red nawawala, kanina pa namin siya hinahanap pero di namin siya makita..."

LJ's POV

Nawawala? Si Red Oliver, mawawala?

E para ngang nakita ko lang siya kanina. Nagpaalam muna ko sandali kay Jonas.

Asan naman kaya siya ngayon? E ang laki laki ng Aires at halos di mahulugan ng karayom ang Aires ngayon dahil sa dami ng tao.

          Sa library, WALA.

          Sa Malapalasyong Canteen, WALA.

          Sa Paligid, WALA.

          Sa Building ng College of Business, WALA.

          Sa SC Office, WALA.

RED OLIVER, Asan kanaaaa?

"O ba't parang may hinahanap ka?" Sabi nung biglang nagsalita sa may likod ko. Pagharap ko, si Franz.

"Franz! Ay! Sir pala. Si----

"Red Oliver?........   Sssshhh ka lang ha?"

Tas may binulong siya sakin.

"Por shur andun yun, dun siya palagi nagmumukmok ehh. Buh-bye!" sagot nya.

Okay, sa likod ngbuilding ng SC Office.

LAKAD, LAKAD, LAKAD.

You won't believe me pag sinabi kong yung nilalakaran ko is Forest. FOREST sa CITY? Anu yun Joke? Pero ito na yung proof, nilalakaran ko na. Pag di raw mahanap si Red Oliver, dito siya matatagpuan. Halaaa. Maya maya unti unti ng nagdidilim.

Asan kana kasi Red Oliver?

Nasan na ba ko? Diretso lang daw sabi ni Vice ehh, diretso lang naman yung lakad ko. Maya maya pa, SA WAKAS, nakita ko na siya.

Lalapitan ko na sana. Nang bigla siyang nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Di siya nakaharap. Nakatayo lang siya. Sa harap nya may ilog o sapa. Maririnig mo yung agos.

Teka, pa'no niya nalamang andito ako e hindi pa nga ko nagsasalita?

"Aa, Sir Red, kasi ano.. sabi ho ni Sir Franz andito raw kayo, hm.. saka hinahanap po kayo sa SC." Sagot ko pero di na siya ulit nagsalita.

Nilapitan ko na siya. Nakatayo din ako. Malapit sa kanya. Steady lang yung tingin niya, dun sa tubig.

"Aa, Sir Red, okay lang kayo?" Tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot.

"Hmm, Sir Red siguro kaya po kayo ganyan kasi may LQ kayo ng girlfriend niyo no?"

"Anong LQ?"

Ay after 10 years, nagsalita rin. LQ? Di alam ni Red Oliver? Seriously?

"LQ po, lover's quarrel. Misunderstanding, parang ganon po." Sagot ko.

Bigla akong kinabahan. Iba kasi yung inaasahan kong isasagot niya. Sana sabihin niya na wala siyang GF. *Cross-fingers*

Pero parang wala naman akong naririnig na may girlfriend siya.

"Aaaaahh."

Akala ko yun lang ang sagot niya pero.... di pa pala dahil...

"Wala akong girlfriend. I never have one." Sagot niya. Emeyged. Yung puso ko lumulundag sa tuwa. Thank you Lord. Dininig niyo po ang munting hiling ko.

Anyway, ako eto, tinatago ang kasiyahang nararamdaman ko sa mga oras na to syempre para di obvious.

"Talaga po?" tanong ko ulit. Para sure.

"Yeah." matipid niyang sagot.

"E marami namang nagkakagusto sa inyo aa?"
Tanong ko.

"Marami nga, hindi ko naman sila gusto. No offense huh." sagot niya.

Aw.

Pano nalang kung malaman niya na isa pala ako dun sa MARAMING yon?

"Aa. E bakit po kayo nandito? Tanong ko ulit.

"Cause, I'm confused." sagot niya.

Confused? Nalilito yun diba? O naguguluhan?

"Confused? Saan po kayo confused?" tanong ko.

"Sa sarili ko, sa nararamdaman ko.. May nangyayari kasi sakin na hindi ko maintindihan.. May nararamdaman akong di ko naman dapat maramdaman." sabi niya. Di ako nakasagot kasi hindi ko maintindihan yung sinasabi nya.

E para kasi namang ang lalim ng sinasabi niya. Wala kong idea kung anong tinutukoy niya.

"Huwag mo nalang intindihin." Sabi niya as he slightly smiled.

Ayan, buti humarap na siya sakin.

Ngumiti lang din ako. Nararamdaman kong may pinagdadaanan siya talaga. Tungkol san kaya yon?

Tapos bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Nagmamadali na kaming maglakad. Basang basa na kami.

Ako eto, nahihirapan maglakad. Mabato kasi tas madulas dahil sa putik. Ang dilim pa.

Maya maya pa..

Halaa, san na si Red Oliver? Tiningnan ko ang buong paligid, WALA SIYA.

Di ko na siya makita.

"Sir RED!! SIR RED!!!" sigaw ko. Alam ko nauuna siya sakin maglakad eh, nakikita ko pa siya kanina ehh.

Natatakot na ko.

"Sir Red!!!!!!!!     Sir Red!!!! Asan kana?!!!"

Tumulo na yung luha sa mga mata ko.

"Red Oliver!!! Asan kanaaaaa. Huhuhu.. Red Oliver......."

Pumikit nalang ako. Umaasa akong sa pagdilat ko, nasa harapan ko na si Red Oliver...

1..

2.....

3...

Idinilat ko na yung mga mata ko..

Hindi ba ako namamalikmata?

"Loureen...andito ka lang pal----"

Di ko na siya pinatapos magsalita..

Niyakap ko na siya...

"Red Oliver, akala ko... akala ko... iniwan mo na ko... huhuhu. Natatakot ako.. ayoko na dito...." sabi ko. Wala na kong pake. Hindi ko na rin siya tinawag pa na "Sir".

"Loureen, look at me.... look at me... Loureen..." sabi niya tapos tumingin ako sa kanya.

"Kakargahin kita sa likod ko, pero PROMISE ME, you will close your eyes. And don't EVER open it hanggat hindi ko sinasabi. Okay?" sabi niya.

Tumango lang ako, kahit di ko alam ang dahilan bakit hindi ako pwedeng dumilat. Pero okay lang, basta ang alam ko ayoko na dito, at ligtas ako.

Maya maya pa, hindi ko na alam yung nangyayari..

TO BE CONTINUED

----------

UD na :)

Inspirado kay Crush ehhhh na ala Daniel Padilla ang style. Skl.

Eto na yung kasunod nung last Chapt!

Sana makapag UD ako tom. Para masayaaaa.

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now