S2 Chapter 16: A Tragic Birthday

1K 17 11
                                    

RED 2

RED's POV

Ever since that conversation with Loureen, hindi na ako mapakali. I know I have to tell her everything 'cause she has the right to know. She must know na yung mahal niya ay hindi tulad niya. Kasusuklaman niya na ako dahil what she knew is that I'm the one who killed her parents.

What's true is that I'm the last one she saw that night.

FLASHBACK

Young Thea is celebrating her 8th birthday with her parents, Sir Ulysses and Agatha. She's about to blow the 8 candles on top of her birthday cake but, men barged in to their main door.  Sir Ulysses managed to keep Thea on a secret cabinet not far from the kitchen.

"Thea anak, don't ever make a noise. Don't ever get out of this closet until I say so. Everything will be alright. We're just going to handle these monsters kay? Mommy and I loves you. Okay baby? Promise me." Bilin ni Sir Ulysses sa anak.

"I promise, daddy." Young Thea replied. 

From that cabinet, she heard everything.

"ILABAS NIYO NA ANG KAILANGAN NAMIN KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN!!" Man 1.

"AKALA NIYO MAITATAGO NIYO YUNG ANAK NIYO? PAPATAYIN MUNA NAMIN KAYO. TAPOS ISUSUNOD KO TONG BAHAY NIYO!" Man 2.

"Sino ang nag utos sa inyo? Si Sonja ba? If yes, I want to make a deal with her." Tanong ni Sir Ulysses.

"ANO NAMAN SAYO KUNG SI SONJA?! AKO ANG KAHARAP MO SO DEAL WITH ME!" Man 2.

"DAMI PANG SATSAT!! IBIGAY MO NA SAMIN YUNG VACCINES PARA MATAPOS NA TO." Man 1.

"Vaccines? Anong vaccines ang tinutukoy niyo?" Tanong ni Sir Ulysses.

"NAGPAPATAWA KA BA ULYSSES MARTINEZ? Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Kaya ilabas mo na yung vaccines dahil NAIINIP NA KO!!!" Man 1.

"Teka. Ako na ang magpapaalala sa kanya baka nakalimutan niya. Yung VACCINES na kailangan namin, yung anti venom na kapag tinurok o ininom mo, any vampire will turned to human. Galing mo don Ulysses! At ikaw naman Miss Agatha, tinatraydor mo sarili mong lahi!!!" Man 3.

"Alam ba to ni Count?" Tanong ni Agatha sa mga lalaki.

Count - Agatha is referring to her Dad, Federik.

"Let's say na Count is fool enough to believe Sonja. Biro mo yon, he actually believed her over her daughter. Nakakaawa kayo ng ama mo. Papabagsakin namin ang Ilmanuel Clan at kami ni Sonja ang papalit sa pamumuno niya." dagdag pa ni Man 3.

Si Man 3 ay around 50s na.

"Are you and Sonja..?" Tanong ni Agatha.

Pero hindi na ito sumagot. Ngumiti lang siya.

"INIP NA INIP NA KO!!! HALUGHUGIN NIYO NA ANG BUONG BAHAY. HANAPIN NIYO RIN YUNG ANAK NILA!!! PAG NAHANAP NIYO, SUNUGIN NIYO TONG BAHAY." Utos ni Man 1.

Gaya ng utos nung isang lalaki sa mga tauhan niya, hinalughog nga nila ang buong bahay. Pero pagtapos ng isang oras, bigo silang makita ang mga vaccines at ang anak ng mag asawa.

"SAAN MO TINAGO?! KUNG AKO SAYO ILABAS MO NA!!!" Sabi ni Man 1 habang hawak hawak si Sir Ulysses sa leeg.

"Madali naman akong kausap, Ulysses. Kung ayaw mo edi huwag. Pero kelangang may magsakripisyo." Pagkasabi nun ni Man 3 ay hinawakan niya sa pisngi si Agatha. Hanggang sa may itutok siyang patalim sa puso nito.

"AGATHA!!!" Sigaw ni Ulysses.

"Ulysses no! Don't you dare! Masasama sila. Vaccines must be kept from them!" Sagot ni Agatha.

"TUMAHIMIK KA!!!" Sabi ni Man 2 tapos sinampal si Agatha. Tapos hinampas ng hinampas ng kahoy si Ulysses hanggang sa mapahiga na lang siya sa sahig.

"ULYSSES!!!" Sigaw ni Agatha.

"Sasabihin mo ba kung nasan yung vaccines or papatayin kita my dear Agatha? Ay no. I'll kill you both para happy ending pa rin. Yun nga lang, kayo lang dalawa. Dahil isasama ko yung anak niyo. THEA, I KNOW THAT YOU'RE THERE! COME OUT NOW OR I'LL KILL YOUR PARENTS." sabi ni Man 3.

Dinuruan siya ni Agatha sa mukha. Tapos sinampal ulit siya ni Man 1. Binitawan na ni Man 3 si Agatha pero inihagis niya ito sa sahig.

"KILL THEM BOTH! THEN TURN THIS DAMN HOUSE TO ASHES!" Utos ni Man 3 at ito'y umalis na.

And you know what happened next.

Both Ulysses and Agatha suffered from stab wounds and injuries. They both died actually. Dalawa na lang na lalaki ang naiwan don. Nagbuhos na sila gasolina sa iba't ibang parte ng bahay. Nung akmang ihahagis na nung isa yung lighter, bigla na lang tumumba ang lalaki na may tig tatlong balisong na nakatusok sa leeg niya at sa dibdib. Sinugod ng isang lalaki ang bagong dating na lalaki mula sa likod pero naagapan nya muna ang pagbagsak ng lighter sa sahig.

"Oliveros!!! Alfred Oliveros!!!" Sigaw nung natitirang lalaki.

"Ang dapat sainyo, MAMATAY!" Sagot nung lalaking bagong dating. Naglaban sila. Makikita mo ang panlilisik ng pula nilang mga mata.

Hanggang sa mapatay ng bagong dating ang natitirang lalaki. Binale nito ang leeg ng lalaki.

Nilapitan agad ng lalaki sina Ulysses at Agatha. Pero parehong wala na nga itong buhay. Sinisisi niya yung sarili niya dahil hindi niya nailigtas ang mag asawa. Malapit ito sa kanya kaya ganon na lamang ang pagiging emotional niya.

Mula roon ay may narinig siyang paghikbi. Kitang kita niya ang pagtulo ng mga luha sa parehong mata ng anak nina Ulysses at Agatha na nakatayo nang di malayo sa kanya.

Gusto niya itong patahanin, yakapin, hawakan. Pero hindi maaari. Hindi pwede. Bawal na. And worse, limot na siya nito. Dahil iba na siya.

Lumabas muna ito at hinayaan si Thea na makapagluksa.

SA LABAS

May nakasalubong na isang babae si Alfred. Around 30s ang edad nito. Businesswoman at walang sariling pamilya. Nakabase sa US.

"GAGAWIN MO ANG MGA SINABI KO. MAGPAPANGGAP KANG IKAW SI BEATRICE MARTINEZ, KAPATID NI ULYSSES MARTINEZ NA ISANG KILALANG DOCTOR... KUKUPKUPIN MO ANG ANAK NILANG SI THEA AT BABAGUHIN MO ANG PANGALAN NITO. IKAW LANG AT WALA NG IBA ANG MAKAKAALAM NG TUNGKOL DITO KAHIT AKO....."

Kinompell niya ang babaeng ito. Ibinigay niya lahat ng impormasyang kailangan niya.

"NGAYON, PUMASOK KA SA MANSION NA NASA TAPAT MO. DOON MO MAKIKITA SI THEA. At.. Kakalimutan mo na nagkita tayo."


END OF FLASHBACK


"Malalim ang iniisip mo." Biglang sabi ni Loureen na nakayakap na sa likod ko ngayon.
Hindi ko siya naramdaman.

"Ang bango mo." Sabi niya ulit sabay subsob ng mukha niya sa leeg ko. Hindi ko maiwasan na magtaka. She's strange.

"Loureen.." I called out her name. But it seems that she's not her usual self. She kissed my neck then I felt her teeth on my neck.


"Joke lang." Sabi niya tapos pumunta siya sa harap ko.


Then she said. "I know your secret."



TO BE CONTINUED

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon