Chapter 33: A Hunk Body (Updated)

7.6K 128 18
                                    

RED

Kinabukasan

Isa nanamang boring na regular day para sa iba. Pero para kay Loureen, it's like everyday, VALENTINES DAY.

Start na ang BER. Actually, matagal na. Dama na yung simoy ng pasko. Pa'no ba naman, 2nd week na ng December. Nagtataka kayo ba't parang di nila cinelebrate yung All souls day. No, They had celebrated it. Si Red binisita yung puntod ng parents niya sa Alley Heights Memorial Park with his assistant slash bodyguard na si Eiffiel. Si Franz naman, I dunno. Di siya nagkikwento ng about sa parents niya. And as for LJ, according to her, sa States nakalibing yung parents niya.

Today is Thursday. So pinasukan muna ni LJ yung four classes niya bago dumiretso ng SC Office.

Sa SC Office, andaming dapat isaayos na docs. Pero si LJ, tatamarin pa kaya kung ang inspirasyon ay nasa paligid lang? Never ang sagot diyan. Pero, she's kinda IRRITATED. (Bakit kaya?)

Nakabusangot tuloy siya. Napansin iyon ni RED na pinapanuod si LJ mula sa window. Then lumabas siya ng SC Office, using the back door. At sa hindi inaasahang pagkakataon, he saw Jonas there.

Tutuloy lang sana siya sa paglakad na parang walang nakita, pero pinigilan siya ni Jonas.

"Teka!" -pigil ni Jonas.

Huminto si Red sa paglakad pero di siya nakaharap kay Jonas. Tapos matagal na walang IMIKAN.

"G-gusto ko lang sanang mag-- alam mo na.... na... magt-thank you." sabi nito.

Nagulat si Red sa sinabi ni Jonas, dahil hindi niya ito inaasahan na sasabihin iyon ni Jonas sa kanya pero kahit pano, ikinatuwa niya ito. Bago siya tuluyang umalis, may sinabi siya.

"Hindi naman ako basta uupo nalang at papanuorin ka sa ganung sitwasyon." sagot ni Red.

Then he went away. He went to a place where there's a LESHE PLANT. (Leche Flan)

Bumili siya nun, at pinageksperimentuhan niya yon. Pagbalik niya ng SC Office, pumasok siya using the front door at dahan dahan siyang lumapit sa desk ni LJ. Sabay lapag nung hawak niyang mini-circular plate na may fork at note sa gilid. Di iyon napansin ni LJ na super focus sa monitor ng PC.

---

LJ's POV

Ayykabayo!!! (muntik ng masagi yung plate)

Pa'no nagkaron ng... ng Leche Flan dito? (tingin tingin sa paligid)

Halos busy naman ang lahat,  teka ano to? *inunfold yung paper*

"Walang bayad ngumiti. ^___^" -Red

Aaaaay <3

Dear Diary, sa totoo lang, hindi maganda ang simula ng araw ko today. Andami kasing NAKAKAIRITA. Una, yung babaeng doorbell ng doorbell sa pinto ko. Nagising tuloy ako ng wala sa oras. (3:20am) Pangalawa, yung professor ko na ang aga aga nagbubunganga. Haaays. Sisihin ba kami dahil masisira raw beauty niya?

Pangatlo, yung keyboard nakakainis. Mali mali magtype >.< (Ayy, nanisi pa.)

Pero buti nalang, may isa paring dahilan ng aking pag ngiti. :'')

Leche Flan yung binigay niya (ni Red Oliver) na may happy face pa. Strawberry syrup ata yung pinang drawing niya. HOW SWEET <3

Ako naman, I admit, kinikilig ako. Gawin ba naman sayo yun ng crush mo, di ka kikiligin?

Actually, matagal na akong nagkakagusto kay Red Oliver at inaamin ko yon!

(Inner Self: Samantalang noon, naiinis ka sa kanya.)

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon