S2 Chapter 11: The Past

436 13 0
                                    

RED 2

LJ's POV

"We're here." sabi ni Red.

"Ahm, sige. Salamat sa paghatid ha. Baba na 'ko." sabi ko.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan pero kaagad siyang bumaba, siya mismo yung nagbukas. Nakakahiya. Kasi may mga student pa talagang huminto pa para panoorin kami.

Naririnig ko ang mga bulung bulungan nila.

"Si Sir Red ba yan? Lalong gumwapo!" Student 1.

"Oo nga. Bakit niya hinatid yung babae?" Student 2.

"Diba yan yung secretary niya dati sa Student Council?" Student 3.

"May relasyon ba sila?" Student 4.

Yan yung mga bulung bulungan nila. Nakakahiya. Nakakahiya na.

"Hey. Are you okay? Let's go." aya niya. Kinakausap na niya pala ako.

Teka, anong "let's go"?

"Let's go? A-anong--

"Ihahatid kita hanggang sa loob. To be sure na you're safe." sagot niya.

"Ha? Hala, okay lang. Baka malate ka pa niyan." sabi ko nalang. Well, dapat gantong oras nasa IIG na siya pero eto, talagang hinatid pa nya ako.

"You sure?" tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti. Hindi ko na rin kasi kaya yung tingin ng mga tao sa paligid. Parang kakainin ako.

"Okay. I'll pick you up later. Bye. *smooch*" sabi niya sabay halik sa labi ko. Smack lang pero.. lalong sumama ang mga tingin ng mga babae sa paligid. Nyaaay!

Red left. Hanggang sa pagpasok ko ng gate, feeling ko lahat ng tao nakatingin sakin. Para tuloy akong nanliliit. Until Jonas came.

"Hi. Dumadami fans mo ha?" pang aasar niya.

"Fans ka diyan. Fans ni Sir Red kamo." sagot ko.

Nagsmile lang si Jonas. Aww, dapat hindi ko binanggit ang pangalan niya sa harap ni Jonas.

Hanggang sa may lumapit saming tatlong babae.

"O em. MY RED OLIVER IS DATING THIS GIRL? I can't believe it." Mean Girl 1.

"If they're dating, how come na may nilalandi pa siyang iba?" Mean Girl 2.

"I wonder if Red Oliver knows about this. Let's go, girls!'' Mean Girl Leader.

Matapos nilang sabihin lahat ng yun, umalis sila. Kaaga aga yun makakasalamuha ko sa umaga? Naknang!

"Hayaan mo na lang yung mga yun. Naiinggit lang yun sayo." sabi ni Jonas sakin.

"Oo nga, wala rin naman akong mapapala." sagot ko. Saka kasi hindi ako warfreak. At isa pa, MAS MAGANDA AKO SA KANILA.

Sakin kaya nagkagusto si Red Oliver. Bwahaha. Maka MY RED OLIVER yung isa. Psssh.

"LJ..." tawag ni Jonas. At biglang sumeryoso ang muka niya.

"Oh? Bakit kumunot yang noo mo? Haha. Sayang. Pangalawa ka pa naman sa pinakapogi para sakin.'' sabi ko.

"Pangalawa lang naman ako palagi ehh." bigla niyang sabi.

"Jonas naman..." sabi ko tapos parang naka two strike na ako agad sa kanya ngayon pa lang umaga.

"Ano kaba. Okay lang. I knew it from the start. You love Red. Siya lang yung nakikita ng mga mata mo, kahit ako yung nasa harap mo. Siya yung palaging hinahanap mo kahit ako naman yung andito." sabi niya.

"Jonas.. Please. Wag ka namang ganyan.." sabi ko.

"LJ, let me just say this, please? LJ, mahal kita. Minahal kita sa paraang alam ko. Kaya kung nasaktan man kita, naging selfish man ako, I hope you forgive me." sabi niya.

"Hindi naman eh. Di mo ko nasaktan." sabi ko.

"Pero naging selfish ako sa kapatid ko." sabi niya.

Kapatid? Tama ba rinig ko?

"Kapatid? Teka. Hindi ko maintindihan." lito kong sagot.

"Well, Red might not mention it. Pero ako yung may gusto na walang makaalam. Sorry for hiding this to you. Red and I... We're brothers." sabi niya.

Sobrang nagulat ako sa sinabi niya.

"Tama ka ng rinig. Hindi ko totoong kapatid si Yoori. Kuya ko si Red. Kinasuklaman ko yung sarili kong kuya sa pag aakalang, pinabayaan nya ko. But I was wrong. It was all for my own sake."

Hindi ko inaasahan to. Si Red Oliver at si Jonas? Magkapatid? Pero mas hindi ko inaasahan yung mga sumusunod na sinabi niya.

"LJ, I loved you since the day I met you. Akala ko, ikaw yung lampa. Ako pala. Kasi nahulog ako sayo. Haha. Hinawaan moko ng kalampahan mo! SABI KO WAG MOKONG HAHAWAAN NG KALAMPAHAN MO EHH. Haha!" sabi niya.

Sinabi niya ba yun? Teka. Parang narinig ko na yun dati...

FLASHBACK

Thea: "Ervic, tulungan moko. Huhuhuhu."

Ervic: "Ikaw kasi eh takbo ka pa ng takbo, lampa ka naman pala! Ayan puro putik kana! Aissh."

Thea: "Eh hinahabol ko si Alfred ehh. Wag ka ng magalit!"

Tumayo si batang babae at lumapit kay Ervic.

Ervic: "Wag kang lumapit. Wag mokong hawaan ng kalampahan mo, Thea!"

END OF FLASHBACK

Di ko namalayan, natulala na pala ko. Hanggang sa nagpatuloy pa siya sa pagsasalita.

"I STARTED TO LOVE YOU 10 YEARS AGO. BUT NOW I'M LETTING YOU GO, ""THEA"".

"Ervic?" tanong ko kasi aamba na siyang umalis.

Ngumiti lang siya.

"Ikaw, ikaw nga si ERVIC. PERO SINO SI ALFRED?" tanong ko.

Nung itinanong ko yun para naman siyang nabato sa kinatatayuan niya.

"HINDI MO SIYA KILALA?" tanong nya.

TO BE CONTINUED

*

Ud naaaaa. Hihi. Kumusta po mga updates ko? Lame po ba? Nagustuhan niyo po ba? Any suggestions?

Basta malapit na siyang matapos. Haha.

Salamat po sa mga loyal at hindi nang iiwan na mga REDers diyan. Nakakatouch talaga. Kilala nyo na kung sino kayo!

MAGKUMENTO! BUMOTO!

Dahil lubos ko pong naaappreciate ang mga yon! :)))))))

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon