Chapter 19: Picture of Us (Updated)

7.7K 156 4
                                    

RED

SATURDAY

May ding dong mula sa pinto ng unit ni LJ, si Yoori.

"Yoori! Alas kwatro palang O." reklamo ni LJ na di pa maidilat ang isang mata.

"So, ayaw mo bang maging maganda mamaya?" tanong ni Yoori with matching taas kilay.

Syempre no choice si LJ. Nagpatulong kasi siya kay Yoori sa pag aayos sa sarili. Kapalit ng P A G K A I N ----- Breakfast, Lunch, Miryenda. Nagpahair spa sila, Foot Spa, Body Spa at kung anu ano pang spa.

Mag aalas dose nang sila'y makabalik sa condong tinutuluyan ni LJ. Humiga siya agad sa kama.

"Ohhhh. Ang saraaaap humigaaaa" sabi niya.

"Uy ano kaba babae, aayusin pa natin yang buhok mo! BANGON!" pasigaw na sinabi ni Yoori.

Walang magagawa si LJ. Gustuhin man niyang humiga pa, kelangang magtiis. E sa gusto at kailangan niyang magpaganda ehh.

Kung anu anong inilagay at ginawa ni Yoori sa buhok ni LJ. Inistraight, Kinulot, Inistraight ulit tas kinulot.

"Aray naman.................. ouch!" angal ni LJ.

"Kung gusto mong maging maganda, MAGTIIS KA!" sagot naman ni Yoori na seryosong seryoso sa ginagawa niya. Makalipas ang ilang oras na pagtitiis ni LJ.

"O.............................. maaaaaaaaaaaaaaaaay............ gaaad!" biglang sabi ni Yoori nang lumabas si LJ mula sa kwarto nito suot suot ang dress na binili nila ni Sam kahapon.

Nagmukha siyang elegante dahil sa suot nitong dress na above the knee ang haba, kulay white with silver diamonds kaya kumikinang. Nakacurl ang buhok niya sa dulo.

"LJ, ang ganda ganda ganda ganda gandaaaaaaaaaa mo." sabi ni Yoori na hindi maialis ang mata sa kaibigan.

"Ano, okay ba?" nahihiyang tanong ni LJ kay Yoori.

"Ikot ka nga, Girl!" biglang sabi nito. At umikot nga si LJ.

"Omy Omy Omy! Por shur maiinlab na sayo si Red Oliver nyaaan." dugtong ni Yoori.

Namula tuloy si LJ. Kinakabahan kasi siya. Kinakabahan siya sa magiging reaksyon ni Red Oliver pag nakita niya, siya.

3:52PM

Si Yoori na ang bumaba at naghintay sa harapan ng Condominium. Maya maya pa, ayan na ang BLACK na Porsche.

Bumaba ang ubod-ng-gwapong si Red. Simple lang ang suot nito, white na long sleeve na nakatucked in sa itim na pants nito.

Pero litaw parin ang kanyang kapogian. Nilapitan siya agad ni Yoori

"Ah, Sir. Dito." Sabay kalabit kay Red Oliver. At humarap ito sa kanya. Pumasok sila ng Condominium. Nag elevator na sila.

*

Nung bubuksan na ni Yoori ang pinto, bigla itong sumara ulit na para bang may naghihila mula sa loob, si LJ.

"LJ! Ano ba? Buksan mo yung pinto!" sigaw ni Yoori.

"Ako nga." Sabi ni Red, tumabi si Yoori sa gilid.

At walang kahirap hirap, walang kaeffort effort na nabuksan ni Red ang door.

K A T A H I M I K A N

Scenario: Si Red nakatingin lang kay LJ, di gumagalaw, di nagsasalita. In short, NGANGA. Walang umiimik sa kanila pareho.

"LJ, Ano ba yan? Ba't nakaslippers kapa? Andito na si Sir Red Oliver O." sabi ni Yoori habang halos kaladkarin niya si LJ papasok sa kwarto

"Loureen, I'll wait for you outside."

Lalabas na sana si Red pero pinigilan siya ni Yoori. Kaya naupo na lang siya sa couch.

*

"Sir, ready na siya." ngiting ngiting sabi ni Yoori.

And there comes the beautiful and elegant Loureen. With her hair down, curls at the end.. she's wearing that elegant white dress.

"Sir, ano po masasabi niyo po kay LJ?" tanong ni Yoori. Matagal bago nagsalita si Red Oliver.

"Let's go." Tanging sabi niya. At saka tumalikod at lumabas.

"Anubanamanyan si Red Oliver... Haaaaaaaang sungeeeeeet!" Yoori said.

*

Ipinagbukas na ng pinto ng sasakyan ni Red si LJ nang itulak ni Yoori ito.

"HEP HEP! Kukunan ko muna kayo ng picture." Sabi ni Yoori.

"Ano kaba, wag naaaa. Nakakahi--"

"Sure." Sabay na sagot ni Red at LJ. Wala ng choice si LJ. Isa pa, gusto rin naman niya ehh. PAKIPOT pa.

"And we're.. done. Kbye!" At kumaripas ng takbo si Yoori papalayo sa kanila.

Si LJ eh kinakabahan na nahihiya na sasabog na yung dibdib na di mapakali na ewan.

Pinagbuksan uli siya ni Red ng pinto ng sasakyan. (Gentleman, di kagaya sa panahon ngayon, ANG TUMAL na ng gentleman, Agree? )

"Shall we go?" mahinang tanong nito sa kanya. Tumango lang si LJ.

Halos 30 mins na silang bumabiyahe, yung dinadaanan nila parang malayo na city. Nahihiya naman si LJ na magtanong.

Hanggang sa huminto sila sa tapat ng bahay o let's say, MANSION na ang kabuuan ay halos SALAMIN lahat.

At gaya ng una, ipinagbukas ulit ni Red si LJ ng pinto ng sasakyan at inilahad nito ang kamay niya.

And her heart skips a beat. Again.

TO BE CONTINUED

*

UD NA! UD NA! Magdiwang na kayo :)

Bukas na yung PART 2. Niaantok nako eh. (Yawn)

Partida masakit pa ang ulo ko -____-

LJ's Dress over there. Pakiclick nalang!

Good NIGHT, REDers. :)

Ako'y matutulog na!

COMMENT lang :)

Gusto ko ng kausap... kasi.............. kasi ....................... basta! :'(

Okaya, PM kayo sa inbox :) GO lungs.!

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now