Chapter 31: I'm no one. (Updated)

6.6K 127 12
                                    

RED

LJ's POV

12:03PM

Uhhh. Good Morning Sunshi--- Omaygad. 12 na ng tanghali?

Hala. Patay ako neto kay Sir Re--- (Nang makita niya yung sticky note na nakadikit sa may lamp shade)

"Loureen, ginawan kita ng Lasagna.  Thank you for visiting me yesterday, my girlfriend. ^___^
Red"

Hindi ko alam kung mahihiya ako sa pinaggagawa ko. Pero ang swerte ng totoong magiging girlfriend ni Red Oliver. Gwapo na, matalino, mayaman, magaling na Chef (Lol!) kahit lasagna palang yung natitikman kong gawa niya, matangkad, sikat, nakakainlab, masungit nga lang minsan, pero pwede na pagtiisan.

Haaaay. Tama na nga ang pagdidaydreaming.

*

Alas dos na ko nakarating dito sa Aires. Pagpasok ko, aba, pinagtitinginan ako ng mga PEOPLE. Luh naman, Bakit kaya?

Yung tingin kasi ng iba e kulang nalang ay ipakain ako sa PIRANHAs. Yung iba parang hinuhubaran ako, tingnan ba naman ako head to feet. Anong meron? Dumiretso nako ng SC Office.

Pagpasok na pagpasok ko, nag AYIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEE silang lahat. Halaaaaa. May alam ba silang SOMETHING FISHY na hindi ko alam? Anubakasiyon!

Tapos bigla silang lumapit sakin.

"Yiee. Ikaw LJ ha. May hindi ka sinasabi sa amin ha." -sabi ni Aimey.

"Oo nga. Oo nga." agree nung apat na babaitang sina Zelly, Erika, Vivien at Melah.

"Wag mo ng pansinin yan, LJ. Naiinggit lang ang mga yan." sabat naman ni Chris.

"Heh! Baka ikaw diyan, bakit kasi ayaw mo pang ligawan si Aimey? Make a move, Dude!" sabi naman ni Zelly na siniko pa si Chris.

NagAYIIIIE ulit sila pero kay Chris at Aimey na. Nakoo. Si Chris pala e may something para kay Aimey.

TIME TO SNEAK OUT!!!

Hindi ko naman alam kung ano yung pinagssabi nila eh. Bago ko lumabas ng back door...

"HEP HEP HEP!" sita sakin.

Phew. Akala ko kung sino na, si Sir Franz lang pala. (Wow, may "Sir!")

Nginitian ko lang siya tapos sabi niya sumama raw ako sa kanya. Saan naman kaya?

*

Ang tahimik niya. TAPOS ambagal naming maglakad. Nabasag yung katahimikan namin dahil sa tanong niya na NAKAKAHINDIK BALAHIBO.

Nyaaaaaay~

"Girlfriend ka na pala ni Red? ^_____^" tanong niya.

Nagkanda samid samid ako. Anubanamanyang tanong na iyan? Hindi niya ba alam ang sagot? Ang sagot ay HINDI PA pero MALAPIT NA. (Lol!)

"Biro lang. Kasi may nakakita na inihatid ka ni Red sa Condo na tinutuluyan mo. Ayun, hanggang sa kumalat na yung balita. Alam mo namang maraming paparazzi si Red ehh." dagdag pa ni Franz.

"Aa. kaya pala." pagkasabi ko nun, may humagis na isang tennis ball samin. Buti nakaiwas kami. Tapos napansin ko, si Sir Franz napa "tsk tsk". Bakit kaya?

Lumakad ulit kami hanggang sa matanaw namin yung court. Tennis Court. 

Si S-sir Red yun ahh. B-bakit na siya naggaganon-- diba may bandage pa yung braso niya. Bakit na niya tinanggal?

Tumingin ako kay Sir Franz, bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"Ngayon, makikita mo na yung isang katangian ni Red na pag gusto niya, gusto niya talaga at gagawin niya. At walang makakapigil sa kaniya." sabi ni Sir Franz tapos umalis siya bigla.

Naiwan ako dun.

Di sana ako lalapit pero baka sakali.. b-baka sakaling mapigilan ko siya.

"Sir Red! Tama na po yan! Diba ho sabi ng doctor niyo bawal niyo pa po igalaw masyado yung braso niyo? Bakit niyo na po inalis yung bandage?" tanong ko pero parang di niya ako naririnig. Tuloy parin siya sa ginagawa niya.

Nung una pinapanood ko lang si Red kasi wala akong magawa. Hanggang sa lumipas yung mga araw, ganoon nalang palagi yung eksena sa tuwing dadaan ako ng Tennis Court.

Di ko kayang magwalang bahala na lang..

Di ko na kayang makita si Red sa initan, at mukhang nahihirapan..

"Sir Red, ano ba?! Itigil mo na to... Sir RED! Naririnig mo ba ko?!!!" sigaw ko. Pero bakit ganon. Parang hindi niya ako nakikita.

Kinuha ko yung tennis racket na hawak niya.

"Ano bang ginagawa mo?!" inis na tanong niya. Pakiramdam ko parang ibang tao tong kaharap ko.

"Pwede ba, makinig ka naman.. Itigil nyo na to Sir Red!" sabi ko. Yung boses ko medyo nagkacrack na.

Pinipilit niyang kuhain sakin yung raketa pero di ko parin yun binibitawan. Pero malakas siya. Nakuha niya rin sakin.

Palipat lipat siya ng pwesto palayo sakin kung nasaan siya, sinusundan ko siya.

Hanggang sa tumira ulit siya, at narinig kong napaaray siya.

"Sir Red ano ba! Itigil mo na to. Sir Red! Ano ba? Makinig ka naman o! Pakinggan mo naman ako pwede ba?!! Nag aalala na ak----"

"LEAVE ME ALONE!!! O shit. I don't care and I don't want you to worry about me. Can't you just leave me alone?!! Just leave me alone!!!" Pagkasabi niya nun, hinagis niya yung hawak niyang tennis racket sabay alis. Naiwan ako dun mag isa sa court. Nabigla rin yung mga tao sa paligid na nakakita nung pangyayari.

Tsss. Ang tanga mo, LJ. Napakalaki mong tanga.
Tingin mo ba, makikinig siya sayo??  Tssssss.
Ikaw lang naman ang secretarya niya.

Ang tanga mo LJ.... Ang tanga mo..... Ang tanga mooo...

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

TO BE CONTINUED


*
---

UD na. :)

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now