Chapter 6: Smells like Rivalry (Updated)

10.6K 219 1
                                    

RED

SUNDAY. Rest day ni LJ kaya 10 am na siya gumising. Maya maya'y naisipan niyang mag grocery dahil wala ng laman ang ref niya. At wala na syang stock ng lasagna my love recipe niya.

*

Nang pauwi na si LJ mula sa grocery, nakita sya ni Jonas na namili rin dun.

DING DONG.

Nagulat si LJ. Hindi nya inaasahan na may magdodoor bell sa unit nya. Wala namang nakakaalam ng condo unit nya eh. Sumilip muna sya sa maliit na butas sa pinto nya.

"JONAS." sabi nya sa sarili nya. Sabay bukas sa pinto.

"Jonas, pa'no mo nalaman-----" tanong ni LJ habang ito namang si Jonas eh tuluy tuloy lang na pumasok sa loob.

"JONAS?!" sigaw ni LJ

"Yes...........................(pause) My Princess?" tugon nito

Ito namang si LJ e natameme bigla. "MY PRINCESS?" Hindi alam ni LJ kung ano ang magiging reaksyon nya dahil unang una, hindi sya sanay na tinatawag sya ng ganon at pangalawa, nagtataka sya sa kinikilos palagi ni Jonas. Lagi kasi nitong pinapaalala sa kanya ang childhood friend nyang si Ervic. Natawa lang ng mahina si Jonas. Naspeechless ata si LJ dahil sa sinabi nya.

"Kasi po nakita kita sa grocery kaya sinundan kita. Nasagot na ba yung tanong mo, MY PRINCESS?" tanong ulit ni Jonas.

"Oo na. Salamat ha!" iritang sagot ni LJ tas pumunta sa kusina. Nang biglang nagring ang phone ni LJ.

"My Princess... phone mo..nagriring. Sasagutin ko na ha... Hello...........Who's this?" sabi ni Jonas dahil ang tawag ay mula sa unknown number.

"Ano kaba, Jonas...." pabulong na sabi ni LJ kay jonas sabay hablot sa phone nya.

"Hello, is this Miss LOUREEN JANE MARTINEZ?" tanong nung nasa kabilang linya.

"Oo, sino to?" sagot ni LJ

"This is Franz. Blah blah blah, blah blah." Tango naman ng tango si LJ. At saka nya ito binaba.

"Sino yun? " tanong ni Jonas.

"Si Vice. Andami raw kasing ginagawa ni-----" Di na naman pinatapos ni Jonas ang sinasabi ni LJ.

"Ba't ba kasi nag apply ka pa run bilang secretary nya? Alam mo kung napipilitan ka lang, habang maaga pa e umayaw kana!" Sabi ni Jonas na biglang nagtaas ng boses.

Hindi sumagot si LJ. Kinuha niya lang yung jacket niya, sinuot ito at nagsapatos. Papalabas na sana si LJ nang pinto nya nang hilain sya bigla ni Jonas sabay sabi ng "Sorry". Nakayuko sya nung sinabi nya yon.

Si LJ naman eh natawa. "Sorry ka dyan, ano kaba, okay lang yon no----" naputol yung sinasabi nya kasi niyakap na sya ni Jonas. 

"Buti naman, tara ihahatid na kita." Sabay hila ni Jonas kay LJ na hindi talaga alam kung pano sya magrereact. Nakarating na sila sa Aires. Tas sa SC Office.

Lahat nalang ng babae sa office eh ginreet si Jonas. 

*

LJ's POV

"O, Miss martinez. Andito kana pala!" sabi ni Franz at eto nanaman sya, hinalikan ang kamay ko.

"Ah, hehe. Opo." Sabi ko habang hinihila ko yung kamay ko. AWKWARD eh. Andun kasi si Jonas. Baka kung ano ring isipin nung mga nandun. Pano nalang din kung makita ulit to ni RED OLIVER? Aaaghhhh. Ano bang pinagsasabi mo LJ, ha? AS IF HE CARES?!

Inumpisahan ko na yung typing job ko. Para matapos ko na. Matapos ko nga kaya? Di ako makapagconcentrate ng maayos, to kasing si Jonas nasa gilid ko lang, nakaupo pero nakatingin naman sakin.

"Ano ba, Jonas?!" sabi ko habang nagtatype.

"Bakit natutunaw kana ba, My Princess?" sabi nya. Sya namang pagdaan ni.......................ALAM NYO NA. Timing na timing talaga e no. Tapos ansama ng tingin ni Jonas kay Red Oliver. Lumingon ako kay RED, buti naman mahinahon sya.

"Good afternoon po, Sir." Bati ko sabay tayo. Tas etong Jonas nato, nakaupo parin.

"Anong ginagawa nya dito?" tanong ni Red Oliver. What does he mean by "nya"? Ahhhh. Si Jonas. Sasagot na sana ako pero sumagot na si Jonas.

"Hinihintay ko lang po sya, BAKIT?" sabat ni Jonas.

Nag "po" nga sya pero iba parin yung tono ng pananalita nya ehh. Jonas naman O. Kalma lang please.

"You can wait outside." Sabi ni Red Oliver.

"Bakit, bawal bang dito ako maghintay? Tanong ni Jonas na....... na.............masama parin yung tingin kay Red Oliver.

"Hindi. Pero may sinabi bang pwedeng dyan ka maghintay?" sumabat na si Franz. Ayoko na ng mga nangyayari.

"Jonas...." mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon sya sakin at nagsmile sabay sabing "Sa labas nalang kita hihintayin ah? (pause) My Princess?"

Umalis na sya. "Sorry po, sir." Sabi ko kay Red Oliver.

"Franz, sa office." Sabi ni Red Oliver tas pumasok na sya ng office nya.

"Ano kaba. Hwag ka ngang magsorry. No need. At isa pa, ayaw nya ng word na yan." Sabi ni Franz sakin. Si RED OLIVER ayaw ng word na "Sorry"? Hmmm. Bakit kaya?

*

OFFICE

Nagpapaliwanag si Franz.

"E ang yabang eh. Buti natitiis mo pa yung lalaking yon." Sabi ni Franz pero tong si Red Oliver e wala man lang imik.

"Ay maiba tayo Red, hindi kaba nagtataka bakit hinihintay ni Jonas yung mahal mong secretary?" dugtong ni Franz. Tumingin lang si Red kay Franz. Wala ring nakuhang sagot si Franz mula kay Red Oliver.

"Gusto mong malaman?" tanong muli ni Franz with a smirk. Timing namang papasok si LJ nun sa office ni Red.

"O Miss Martinez. Timing na timing yung pasok mo. Eto kasing kaibigan ko may gusto sanang itanong sayo ehh." sabi ni Franz.

Sinamaan na naman ng tingin ni Red si Franz.

"Ano po yun, Sir Red?" tanong ni LJ na mukang kinakabahan sa itatanong ni Red Oliver

"You can leave now, wala naman akong itatano----------" Naputol yung sinasabi ni Red Oliver dahil itong si Franz na ang magsasabi.

"Ito naman kakapasok lang ni Miss Martinez ehh. Pinapatanong nga pala nitong kaibigan ko kung ano mo si Ahmmmmmmmmmmmm... teka ano ba talagang pangalan nya Red? Aaaaah, Jonas nga pala." tanong ni Franz.

"Kaibigan ko po siya. Bakit?" sagot ni LJ na mukhang nabunutan ng tinik. Akala nya kasi may ginawa siyang mali sa mga tinype niya.

"Buti naman. Akala ko mawawalan na ng kaloveteam tong kaibigan ko ehh." ngiting ngiting sabi ni Franz.

"PO?" tugon ni LJ na halos masamid dahil sa sinabi ni Franz.

TO BE CONTINUED

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu