S2 Chapter 12: Bros till the End

392 10 0
                                    

RED 2

Jonas' Pov

Whoo. Finally, nasabi ko rin lahat ng gusto kong sabihin. Pati yung tungkol samin ni Red. Kinabahan din ako dun ha. Nagtaka siguro kayo ba't biglaan tong ginawa ko? Na di nyo inasahan na ako pala yung magleletgo. Na bakit bigla akong bumait sa kapatid ko.

Well ganto kasi yun. When Yoori came back at home, together with Mom. That night, we're drinking.

FLASHBACK

"MIGGY!" tawag niya sakin. Halatadong may tama na. Pikit na yung isang mata eh, si Mama talaga.

"Ma, tama na po yan. Ang problema, hindi nareresulba ng pag inom." sabi ko.

Ngumiti lang siya. Hay nako.

"Miggy anak, nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay namin." sabi ni Mama.

"Mama, ano na namang drama yan. Yoori patulugin mo na nga to si Mama!" utos ko sa kapatid ko na iniistalk nanaman yung ex-VP ng Student Council, si Franz. Diba? Crush niya ehh.

"Busy ako! Mama, take your time! Mag emote ka lang there! Support kita dyan!" Sagot ni Yoori. Mag nanay nga talaga sila.

Di ko inasahan yung sumunod na sinabi ni Mama.

"SALAMAT KAY RED KASI IBINIGAY KA NIYA SAMIN."

"Wag ka ngang magpasalamat sa kanya, Ma. Hindi siya mabuting kapatid. PINAAMPON NIYA KO KASI PABIGAT LANG AKO SA KANYA, DAHIL HINDI NIYA KAYANG GAMPANAN ANG RESPONSIBILIDAD NYA SAKIN. KAYA HINDI KO SIYA MAPAPATAWAD. MASYADO SIYANG MAKASARILI!!!" sabi ko. Mejo nataasan ko na ng boses si Mama.

"Miggy anak, ikaw ang makasarili at hindi siya." Biglang sabi ni Mama na siyang ikinagulat ko, kahit si Yoori eh, napahinto sa ginagawa niya.

"MA?! ANO PO BANG PINAGSASABI NIYO? AFTER ALL OF WHAT HE DID TO ME, AKO PA NGAYON ANG MAKASARILI?" mariing tanong ko.

"Ma, nakalimutan niyo na po ba yung bilin ni Sir Red na wag daw ipapaalam kay Kuya?" singit ni Yoori.

"ANONG HINDI KO DAPAT MALAMAN? ANO YUN YOORI? ANO YON!!!" sigaw ko.

"MA.. SASABIHIN KO NA BA?" Tarantang tanong nya kay Mama.

"SABIHIN NIYO NAAAAAA!!!" sigaw ko ulit.

"Si Alfred, nung una ko siyang nakita. Binata pa siya. Mukang palaboy. Bibigyan ko sana siya ng tinapay, kaya pinapapasok ko siya pero ayaw niya. Hindi raw kasi siya karapat dapat tulungan dahil masama siya. Ilang araw ang lumipas, lagi siyang nakatanaw sa bahay namin dati. Isang gabi, malakas ang ulan at kumikidlat sa labas, kakauwi lang namin nun galing simbahan. Humiling kami sa Panginoon na bigyan ako ng anak, at nung gabi ngang iyon, ibinigay ka ni Red sa amin. Tuwang tuwa kami nun dahil dininig niya ang panalangin namin."

"MA, STOP IT. AYOKONG MARINIG YAN." pigil ko sa kanya.

"YOU NEED TO HEAR THIS, MIGGY. Si Alfred, that night when he gave you to us, there's blood all over him. At yun ay nanggagaling sa leeg niya lahat. Natakot kami. Pero bigla na lang siyang umalis. UMIIYAK KA PA NGA NON. At simula nun, nagalit ka na sa kanya." dugtong ni Mama.

"KASI IPINAMIGAY NIYA LANG AKO NG GANON GANON NALANG!!! NI HINDI NIYA NGA KO BINALIKAN PARA KUMUSTAHIN MAN LANG!!!" sabi ko. Tumutulo na yung mga luha ko. Ganon din yung kay Mama.

"Kuya, No. Palagi siyang nagpupunta dito." singit ni Yoori.

"What do you mean?"

"SIMULA NUNG BINIGAY KA NIYA SAMIN, APAT NA ARAW SIMULA NUN, NAGPAKITA SIYA ULIT SAMIN NG DAD MO. Ibang iba ang ichura niya kesa nung una namin siyang nakita. Mukha na siyang malinis at disente. ""BIGYAN NIYO SIYA NG PANGALAN AT BAGONG TIRAHAN. AYOKONG MATULAD SIYA SAKIN."" yan ang sinabi niya habang pinipilit niyang pigilin ang pagpatak ng mga luha sa PULA NIYANG MGA MATA. Alam na namin kung ano siya kaya naintindihan namin bakit niya nagawang ipaampon ka. Miggy, IT WAS FOR YOUR OWN SAKE. YOUR BROTHER CARES ABOUT YOU. Kaya hinayaan na lang niya na magalit ka sa kanya, at minabuting hindi nalang ipaalam sayo ang lahat." sabi pa ni Mama.

"At isa pa kuya, mali ka ng iniisip na hindi ka niya kinakamusta. Palagi siyang andito. Palagi niya rin akong tinatanong tungkol sayo. He really cares about you, Kuya. Mabait si Sir Red, kuya. Mabait siya." Dagdag pa ni Yoori.

END OF FLASHBACK

Aaminin ko, nang marinig kong lahat ng yon, di ko napigilang umiyak. Sobrang nagiguilty ako. I've been mad at him for so many years sa pag aakalang pinabayaan niya ko kasi makasarili siya. Pero, mali ako. Ako pala ang makasarili at hindi siya.

Para makabawi, pinag isipan kong mabuti, IPAPAUBAYA KO NA SI THEA SA KANYA. Hindi lang dahil para makabawi sa kanya, kundi dahil sa iyon ang nararapat.

At ngayon nga, nalet go ko na siya. Last night, nakapag usap na rin kami ni Red nung tinawagan nya ko without expecting na papapuntahin niya talaga ko. We went to a bar.

FLASHBACK

"Sorry, it's a sudden. And it's kinda awkward." sabi niya. Siya yung unang nagsalita.

"Oo nga eh, nakakapanibago. I'm not used to this na eto ka, eto ako, nag uusap tayo." sagot ko.

"Alam kong galit ka pero--"

Di ko na pinatapos yung sasabihin niya. Nagsalita na ko agad.

"I already knew what was that all about. Mom told me everything,..... KUYA." sabi ko.

Ewan ko saan nanggaling yung lakas ng loob para sabihin iyon, at para tawagin siyang KUYA. Siguro, for so many years, nangulila ako sa presence ng isang KUYA. He can't believe it at first. Kahit sila Franz. Si Ate Sam nga naluha pa.

Sino bang hindi? Diba? Ang bait talaga ng character ko dito. And after that, we celebrate. Oh wait. May pinaalam pa pala siya sakin.

"Ervic, ahm.. Well. You know how I love Loureen, I just want you to know that I want to propose to her. No matter what it takes. I want her. I love her. I want to be with her, forever." sabi niya. Hindi naman na ako nagtaka. Alam ko mahal niya si LJ. Simula pa dati.

"So sinasabi mo bang layuan ko na siya?" mariin kong sabi, animo'y nagagalit.

"NO. IT'S NOT THAT." Sagot niya. Sosyal talaga tong kapatid kong to eh. Pag bampira ba kelangan englishero? Can I be one? Haha. Naaaah, ayoko pala!

"Alam ko. Easy. Ayoko namang ilayo mo siya sakin. Well, IF FRIENDSHIP IS THE ONLY WAY TO MAKE HER STAY, THEN I WILL BE JUST A FRIEND TO HER EVEN IF I LOVE HER MORE THAN THAT WAY." Nakangiti kong sabi. Angbait ko talaga. Siguro super NGANGA kayo sa mga pinagsasabi ko?

Baka mamaya iG GM niyo pa, haha. Papurihan niyo naman ako. Sa sobrang kabaitang ipinapakita ko, totoo to ha. Okay, that's why, I already explained what happened. Wala akong nakain or what.

PERO BAKIT GANON? NAAALALA NAMAN AKO NI THEA AS ERVIC, BAKIT SI RED AS ALFRED DATI, HINDI NIYA KILALA?

TO BE CONTINUED

*

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora