Chapter 37: Companion (Updated)

5.9K 96 2
                                    

RED

(Check the 2013 Calendar)

Mula nung gabi kung kelan niya huling nakita si Red Oliver hanggang sa gabing iyon na nakaupo siya sa harap ng salamin habang kinakausap ang sarili at naghihintay sa tawag o text man lang..

Kanino pa bang text, edi mula kay RED OLIVER.

As if naman itetext siya nun no. Ni isang beses nga e di siya nakatanggap ng text message mula sa kanya kahit noon.

Sino ba yung "siya" na tinutukoy ko? E di si Loureen... a.k.a. LJ na secretarya ni Red Oliver..

ni Red Oliver na palihim niya ng minamahal.

"Akala ko ba 1 month lang. February na O. Pssshh! Sa tingin niya mamimiss ko siya? Pwes. HINDI SIYA NAGKAKAMALI. >.<" sabi ni LJ sa harap ng salamin. Mukha na siyang timang dahil nagsasalita siya habang sinasampal sampal ang sarili niya.

"Alam mo kung namimiss mo ko pwede mo namang sabihin ehh." sabi nung lalaki, Oo, lalaki na bigla na lang nagsalita mula sa likod niya.

Sa gulat niya eh nabigyan niya ito ng high kick.

"Araaaaay ko!" daing nung lalaki na natumba sa sahig.

"Jonas?! Hay nako. Nako talaga! Ayan tuloy. Naknock out ka sakin. Hehe!" pang aasar ni LJ.

"It's worth the pain naman ehh." sabi naman ni Jonas.

"Huh? Ano?" tanong ni LJ.

"Nako. Di ko alam kung sadyang nagbibingi bingihan ka lang or what. E ang lakas na nga ng sigaw ng puso ko. Sinisigaw yung pangalan mo! Boom!" sabi naman ni Jonas na nakuha pang pumick up. Pick up nga LANG ba talaga?

Si LJ ay natatawa na lang kay Jonas. Tapos naupo sila sa sofa. Napansin ni LJ na ang tahimik bigla ni Jonas. Naisip niya tuloy magjoke.

"Ba't ka pala nagpunta dito? Stalker kita no?" she said with matching crossed arms at taas kilay.

"Pa'no kung sabihin kong OO?" sagot bigla ni Jonas na inilapit pa ang mukha niya sa mukha ni LJ.

Ayan si LJ tameme ngayon.

"O ba't di ka makaimik ngayon?" sabi ni Jonas na ngumiti pa na parang nakakaasar.

"Wala. Joke lang naman yun ehh." sagot ni LJ na biglang tumayo.

"Gusto mo ng juice?" tanong niya ulit.

///

"O juice mo, Mr. Stalker!" -LJ

"Okay Miss Girl Version ni Jackie Chan. Ba't pala ang tamlay mo kanina sa harap ng salamin?" tanong ni Jonas.

Pero di na sumagot si LJ. Nakatingin lang siya sa may bintana. Patay malisya lang si Jonas pero deep inside, alam niya kung bakit nagkakaganoon si LJ ngayon. Di naman siya manhid no.

"Dumating na si Franz kanina ahh." biglang sabi ni Jonas. Siya namang pagharap ni LJ sa kanya. Sa isip isip ni Jonas, AWW LANG HA </3 Tama nga siya. Pag related talaga kay Red ang pinag uusapan, interesado siya.

"Talaga? Kelan?" tanong ni LJ.

"Kanina. Si Franz lang nakita ko eh. Ewan ko kung pati si...." sabi ni Jonas pero di na niya tinuloy yung sinasabi niya dahil sa reaksyon ni LJ.

Tapos parang nadown na si LJ. (Ay nako. Wag kang OBVIOUS LJ. Nahihurt si Jonas O. </3 )

"Bakit ba ganyan kayong mga babae? Kung alin yung wala, ayun yung hinahanap niyo? Minsan sa kakaganyan niyo, di niyo na nabibigyang importansiya yung mga nasa paligid niyo lang." sabi ni Jonas sabay walk out.

Naiwan na lang doon si LJ. Medyo nakakahalata na rin si LJ na may nararamdaman si Jonas para sa kanya. Pero hindi niya naman mabrought up ito kay Jonas dahil ayaw niyang saktan ito.

*

LJ's POV

FEBRUARY 11, MONDAY

Aysows. Monday again. Makikita ko na kaya siya mamaya? Ayy HUWAG MAGEXPECT. Baka madisappoint lang ako.

Lakad. Lakad. Lakad.

Kampante akong naglalakad.

Nang biglang may humarurot na kotseng black.

It must be....

Aruuuuuy. Hindi naman PORSCHE ee.

Saka nagtuluy tuloy lang. Aysows, Loureen. Wag ka ng mangarap. Di ka na babalikan non. Secretarya ka lang naman niya. Hindi ba? </3 SAKLAP!

"Huy. Daydreaming lang ang peg, sister?" sabi nung biglang kumalabit sakin.

Sister? Pagharap ko, si Jonas!

"Hahaha! Hi Girl :''>" sabi niya sabay hagod ng buhok. In fairness may pablink blink pa ang eyes. Sa isip isip ko, nagladlad na ba siya?

"Anong nangyayari sayo? Naging bakla kana ba?" tanong ko.

"Uy di ah. 101 % akong lalaki." sagot niya sakin.

*

These past few days, si Jonas na lang ang palagi kong kasama. Minsan si Yoori din. Kaya ayun, walang araw na hindi sumasakit ang tiyan ko, kakatawa.

Ngayon nga, andito siya sa bahay ko. NANAMAN. Hatid sundo niya ko alam niyo ba. Matagal na. Ayy aywan ko ba dun bakit.

Teka nga, itatanong ko kung bakit.

"Jonas!" tawag ko.

"Owyes, My Princess?" sabi niya.

"Bakit hatid sundo mo ko lagi?" seryosong tanong ko.

"Part time job ko yun. Kala mo huh. Magpapabayad din ako sayo. Wahahaha!" sabo niya. Kahit kelan talaga, maloko tong lalaking to. Ang ayos nya lang kausap e no. Pssshh.

"E kasi nga diba ako body guard mo. Alam mo na, kelangan makatiyak akong safe ka, my princess. ^__^" dagdag pa niya.

Psssh. Ang epal niya talaga. Pero kahit na ganoon, okay siya. Mas lalo pa kaming naging close. Sa totoo lang, parang pakiramdam ko parang ang tagal na naming magkakilala. Sabi sa inyo parang siya talaga yung childhood friend ko. Si ERVIC.

Ang masasabi ko lang kapag kasama ko si Jonas, MASAYA ako. (Aysows!) (Yieeee<3)

kasi masaya siyang kasama. MASAYANG NAKAKAINES.

Pero hindi pa rin mawala si Red sa isip ko. Hindi niya man lang ba ako naaalala?

TO BE CONTINUED


*
UD na. :))

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now