Chapter 47: Ex Secretary (Updated)

5.5K 94 10
                                    

RED

LJ's POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung kahiya hiyang pangyayari noong gabing iyon.

Tatlong araw ng hindi ako nagpupunta sa AIRES.

Tatlong araw ko ring pinag isipan ang mga bagay bagay.

MAGRERESIGN NAKO.

Hm, I guess thats the right thing to do, pagkatapos ng ginawa kong yun, wala na kong mukhang maihaharap sa kanya.. kay Red Oliver..

Nag dire direcho na ko sa SC OFFICE. Nung una, pinipigilan pa ko nila Aimey pero siguro.. nakita nilang desidido na talaga ko. Si Triscia parang may sasabihin pero... di naman niya ko nilapitan.

Huminga muna ko ng napakalalim bago pumasok sa office niya. Wala ng katok katok. May tinitingnan/ginagawa siyang kung ano sa laptop niya, napatigil na lang siya nang makita niya ko.

Parang di niya ko matingnan nang maayos. Basta inilagay ko sa ibabaw ng desk niya yung envelope.

"Good Morning po, Sir. Resignation letter ko po yan." sabi ko. Di siya nagsasalita. Yung reaksyon naman ng mata niya di ko alam kung nagpapaawa ba siya para wag akong magresign o kung parang sinasabi niyang "GO! GET OUT OF HERE! GET LOST, MEN!"

*sigh* Kaya lumabas nalang ako at inayos ang mga gamit sa desk ko. Paglabas ko, nilapitan naman ako ni Triscia.

"LJ, wag ka ng umalis.... PLEASE? LJ, wag mong gawin to. Kasalanan ko to eh." sabi niya.

"Di mo to kasalanan. Wala ka namang ginawa." yun lang sabi ko. Nagulat nalang ako sa sumunod niyang sinabi.

"LJ, Sir Red has something for you. I knew it, since from the start." sabi niya.

"Ehh Triscia naman, wag ka namang magbiro ng ganyan. Desidido nako. Saka kita mo naman yung nangyari sa ball diba? ang tingin niya sakin e flirt." sabi ko.

"No, LJ. Believe me. Nung sabi niyang ihahatid niya ko pauwi, iniwan niya na lang ako dun sa may carpark. Hindi naman rin niya ko sinundo nung ball. So I realized na he's only doing that to ahm... for you to get jealous." sabi niya pa.

"Ha?" tanging sabi ko. Di ko maintindihan yung sinasabi ni Triscia. Ako? pagseselosin ni Red Oliver? Imposible!

"Kasi nga nagseselos siya pag kasama mo si Jonas. Lalo na nung niligawan ka niya in public." dagdag pa niya.

"E hindi naman kami ni Jonas. Hindi ko siya sinagot. Kaibigan ko lang siya. Imposible. Imposible yang mga sinasabi mo. Salamat na lang, Triscia." pagkasabi ko nun, umalis nako. Di ko na pinakinggan yung mga sumunod pa niyang sinabi.

Simula nun, hindi na ko nagpakita sa SC Office. Pero minsan, may pagkakataong nagtatagpo ang landas namin ni Red Oliver. Kunwari na lang di ko siya nakikita para di ako affected. Hayyyy~

Alam ko pagraduate na sila ni Sir Franz ehh. Super busy nila kaya. Everywhere makikita mo sila.

Si Jonas naman di ko pa nakikita. Kaya si Yoori nalang palagi kong kasama. Si Ate Sam nasa California. May pictorial siya run. Pero nags'skype kami every night. Kinakamusta niya lang ako.

Isang gabi via skype:

"LJ, bukas na yung uwi ko. 6am. Ikaw magsundo sakin sa airport ahh?" pakiusap ni Ate Sam.

"Ha? Sige! Ayyy teka? Ba't ako? E si Sir Franz??" tanong ko.

"I want to surprise him. Please LJ? Please?" sabo niya. Haaay. Wala naman akong magagawa ehh saka napakarami ng pabor ang ginawa sakin ni Ate Sam. Nakakahiya namang tumanggi. Basta mga 5am may susundo saking koche. Hayy bahala na.

KINABUKASAN

*insert here the busina of koche*

Ayayaya! Ayan na! 

"Good Morning! I'm Henry, the personal driver of Miss Llena. And you are Miss LJ right?" sabi nung lalaki na nakadamit ng pang butler.

Ingles-speaking. Ang aga aga nose bleed -___-

Teka, bat MISS LLENA? Diba Samantha yung name ni ate Sam. 

"Yes. Ako nga." sagot ko.

"Okay Miss LJ. Miss Llena wants me to pick you up too." sabi ni Butler Henry.

"TOO? Why? Did you pick up someone else too?" tanong ko. Napa english na ko kasi kinabahan na ako bigla.

"Yes. Please get in the car, Miss LJ." tapos pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan.

Laking gulat ko sa nakita ko.

TO BE CONTINUED


*

~

UDs coming ahead!

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon