S2 Chapter 13: Possessed

458 11 2
                                    

RED 2

Hapon nun, around 3pm.

"O Master, may date ka yata tonight.'' sabi ni Franz nang mapansin niya si Red na nag aayos sa harap ng salamin.

"Magawa ko kaya to?" biglang sabi ni Red.

"Huh? May sinasabi ka ba?'' tanong ni Franz.

"I think of this a thousand times before." sabi ulit ni Red.

Hindi naman maintindihan ni Franz ang mga pinagsasabi ni Red.

"Teka teka. Ano ba kasi yang sinasabi mo, Red." nalilitong tanong ng kaibigan.

"Well, later. At the party." sabi lang ni Red tapos palabas na siya ng mansion.

"Ba't mamaya pa. Pabitin ka naman, Master ehh! Kinakabahan ako sayo ehh!" sabi ni Franz.

"Ikaw pa ang may ganang kabahan ha! Sige na may dadaanan pa ko." paalam niya. Pero pinigilan siya ni Franz.

"Ano ba kasi yon? Pwede naman kasing sabihin mo na nang matapos natong conversation nato!"

"Okay. Okay. (sabay hinga muna ng malalim) I WILL PROPOSE TO LOUREEN, later." sabi nito at saka umalis.

"WHAAAAAAAAAAAAT??!? Tama bako ng rinig? Teka teka! Really? I'm so excited. *O*" sabi ni Franz sa sarili niya.

*

Nang mga oras na iyon, nasa Aires pa si LJ. Naghahanda na para umuwi. Nasa library sila.

Until her phone rings.

A phone call from an unregistered number.

Calling +63922 324 ****

LJ's POV

"Hoy babae, may nagvivibrate ba o feeling ko lang yun?" tanong ni Yoori sakin. Nasa library kasi kami ngayon. Nagbabasa kunwari. Mehehe. Pero pauwi na kami.

Nakakaburyo rin kasi sa library. Ang sarap lang tuloy matulog kasi de aircon.

"Baka feeling mo lang yun." sagot ko.

"E feeling ko talaga hindi ko lang yun feeling ehh." sagot niya. Ano raw?

"Ano? Feeling mo na hindi mo feeling? Hashtag medyo magulo ahh." sagot ko tapos chineck ko yung phone ko, ayy shemaaay. May tumatawag pala.

"Hello? Sino to?" tanong ko.

"Ahm, Hi. Is this LJ?" sagot nung nasa kabilang linya na pamilyar ang boses sakin.

"Miss Catherine Vera?" tanong ko.

"Oh, yes. You remembered my voice huh. Haha. Are you free tonight?" tanong niya.

"Hinulaan ko lang naman. Wala naman akong gagawin mamaya, bakit?" sabi ko.

"Well, Red has a party later and maybe, let's go there together after we grab our dinner. What do you think?" alok niya. Hindi ko inexpect tong imbitasyon niya.

"Sige okay lang naman sakin." sagot ko.

"Okay. Dadaanan kita dyan sa Aires. I'll be there in 15 mins." tapos inend nya na yung tawag.

Weird. Ba't ambait niya yata. At niyaya niya pa kong magdinner.

At higit sa lahat...

Pano niya nalamang nasa Aires pa ako? WEIRD.

*

Catherine's POV

"Okay. I'll be there in 15 mins. Bye!'' Then I hung up. I'm so excited sa mga mangyayari mamaya.

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now