Chapter 46: The Confession (Updated)

5.8K 108 16
                                    

RED

LJ's POV

GIRLS JUST WANNA HAVE FUUUUUUN!

Yan yung tugtog. Napakaingay. Yung ilaw nakakasilaw men.

Andito parin ako sa kinauupuan ko 3 hours ago. Ang init na siguro ng inuupuan ko ngayon. Ako na nga lang yung babae sa table namin. Kasama lang naman ang dalawang lalaking...

Kanina pa tumitingin ng masama sa isat isa.

"Tara LJ! Lez dance!" Yaya sakin ni Ate Sam.

"Hala Ate sam. Di ako marunong ihhh." sagot ko. Di kasi talaga ko marunong ng mga pamparty na sayaw. Isa pa, wala ko sa mood. dahil pinoproblema ko pa tong puso ko.

Tong puso kong nagmamahal dito sa lalaking nasa tapat ko lang.

"Pano pag malapit na pala kong mamatay, hindi mo pa pagbibigyan ang request ko?" sabi bigla ni Ate Sam na siyang ikinagulat ko.

Ay di lang pala ako, pati yung dalawang kasama ko sa table.

"Just kidding. Let's go na." tumatawa niyang sabi sabay hila sa braso ko. K fine, no choice.

Grabe, ang dance floor ang WILD. Wild in a good way ha? Ang hahyper! Jusmiyo. Ang tataas ng energy level ng mga to. Di tulad ng sakin, 3% nalang ata, sandali nalang mad'deadbat nakooooo.

To kasing pusong to ehh. HANGGANG SA...

Tumugtog ang.... intro ng GOT TO BELIEVE IN MAGIC.

Alam na... matic na... slowdance natooooo. Nagsitayuan na ang mga couples? Love birds? O kung anumang tawag sa kanila.

Tapos narinig kong nagsalita yung host.

"Okay Ladies and Gentlemen, you should wear your mask na. For all the love birds out there, ENJOY."

Halaaaa teka. Angdilim! Teka, teka! Asan na ulit banda yung table namin? HALAAAA ATE SAAAAAAM!! Angsikip. Nagigitgit nako.

HANGGANG SAAAA.....

May humawak ng braso ko tapos maya maya may kahawak na ko ng kamay. Omaaaaay

WHAT'S HAPPENING???

Tapos tumigil kami.. magkaharap na kami ngayon...

Para namang gulat na gulat yung lalaking to...

Hindi ko siya makilala kasi may mask. Ako? Ahm, wala kasi di na ko nakabalik sa table namin diba nga kaya di ko na naisuot yung akin.

Hanggang sa hinawakan na ko sa bewang nitong lalaki at hinigit nya ko papalapit sa kanya.

Biglang....

Biglang...

bumilis ang tibok ng puso ko dahil............

dahil.... alam ko. Naniniwala ako. At nakakasigurado ako na etong lalaking kasayaw ko ngayon ay walang iba kundi si...

si.. si Red Oliver.

Si Red Oliver na siyang sinisigaw ng puso ko ngayon.

"Let me play the part of your first love...."

Hindi siya nagsasalita. Kahit ako ehh. This feeling... awkward siya pero...

Somehow, I kinda like it. Pero, pano naging...

panno naging ako yung kasayaw niya at hindi si TRISCIA???

"GOT TO BELIEVE IN MAGIC...

TELL ME HOW TWO PEOPLE FIND EACH OTHER..."

Habang tumatagal pabilis ng pabilis tong tibok ng puso ko... hindi maawat! 

Hindi ko mapigilan. Hindi ko na kayaaaa...

Hindi ko na kayang pigilan pa... Di ko na kayang itago pa hanggang sa di ko namalayan na...

na....

hinalikan ko na pala siyaaaa...

hinalikan ko na pala si Red Oliver sa..... dun saaaaa... labi niyaaaa....

Nakatingin lang siya sakin. Pakiramdam ko pulang pula nako. Buti nalang madilim ang paligid. 

Awkward!

Nakakahiya na masyado. Tumalikod nalang ako at patakbong aalis na sana pero...

"Bakit mo ginawa yon.... BAKIT MO GINAWA YON!!!" sigaw niya.

Halaaaa. Lagot na. Bat ko nagawa yung bagay na yon? 

"Inuulit ko, ba't mo ginawa yon??!!" ulit niya. Sa sobrang lakas ng boses niya, napatingin lahat ng nasa paligid. Pati yung music eh tumigil rin.

Tahimik na ang paligid. Inalis narin niya yung mask niya na suut suot niya.

OMAAAAYYY WHO'S THAT BOY??? AKALA KO SI.... SI RED... 

SHOCKS. NAKAKAHIYA!

pero joke lang  eto na talaga yung next na nangyari..

Pagkaalis niya ng mask niya... OO NGA... SI RED OLIVER ngaaaa. Nung una palang, siya na talaga yun e. Kilala ko yung amoy niya.

"Ah.. kasi... k-kasi..." yan lang yung lumalabas sa bibig ko. Di ko alam kung....

ANO BA ANG DAPAT KONG ISAGOT???

Tapos nakita ko siyang ngumiti. Tapos nagulat rin ako sa mga sumunod pang nangyari at sa sinabi niya.

"YOU TAKE ADVANTAGES ON ME KASI SECRETARY KITA? WHILE FLIRTING WITH ANOTHER GUY AT THE SAME TIME?" tapos nagpause siya at nagsalita muli.

"I pity you, Miss Martinez." sabi niya.

Sinabi niya yun nang nakangiti siya. Si Red Oliver ba talaga tong kaharap ko?

Nag eecho sa isip ko ngayon ang mga sinabi niya. GULUNG GULO na ko. Di ko namalayan, yung mga luha ko ehh tumutulo na pala mula sa mga mata ko. Yung mahal mo, sasabihan ka ng ganon?

Anong mararamdaman mo? Palibhasa, HINDI NIYA ALAM! WALA SIYANG ALAM!!!

"Ano ba't di ka makapagsalita? kasi TAMA AKO?" tanong niya. Yung mga tao nagbubulung bulungan. Masyado na kaming gumagawa ng eksena. Sobrang nasisira na yung BALL dahil sa ginawa ko.

"Gusto.... *sniff* GUSTO MO TALAGANG MALAMAN?" matapang na tanong ko. Masyado na kasi akong nahihirapang itago patoooo.

"OO." sagot niya rin nang buong pagmamalaki.

"Kasi... Kasi..."

Tapos huminga muna ko ng malalim at nagsalitang muli.

"kasi MAHAL KITA. Oo tama ka ng rinig. MAHAL KITA, RED OLIVER. Tulad din ako ng ibang nagpapakatanga sayo. KUNG BAKIT? Ewan ko ba. Kasalanan neto ehh." sabi ko sabay turo sa dibdib ko/puso ko.

"Pagkagising ko, bigla nalang kitang minahal. SORRY HA? o ngayong alam mo na, MASAYA KANA?" Pagkasabi ko nun, parang nabunutan ng tinik yung dibdib ko. Sa wakas, nasabi ko narin. Sa wakas.

Nakatingin lang siya sakin. Wala siyang imik. Aalis na ko. Kung may susunod pa siyang sasabihin, ayoko ng marinig. Tama na yung isang beses na sabihan niya ko ng kung anu ano, pag dalawa na, sobrang sakit naaa.

Tapos tumakbo na ko papaalis ng Aires. 

Narinig ko nalang na tinatawag pako ni Ate Sam at ni Jonas pero 

GUSTO KONG MAPAG ISA...

MUNA.

TO BE CONTINUED


*



REDers, paisa isa muna na chapt ang itatype ko.

Kasi UNDER CONSTRUCTION pa ang puso ko </3

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Where stories live. Discover now