Chapter 42: Valentines Day 4 (Updated)

5K 93 20
                                    

RED

Ilang oras pagtapos nung mga pangyayari sa open park (sa Aires) nagpunta ulit si LJ sa SC Office. Nagbabakasakali lang na baka makita niya na si Red.

Pagpasok niya, napansin niyang may iba. Ibang iba sa kanina. Napakatahimik. Tapos napansin niya yung sahig e puro lupa. Angdumi. Tapos may dugu dugo pa ata.

"Aimey, Aimey!" bulong ni LJ kay Aimey.

"Oh LJ? Andito ka pala." mahinang sagot ni Aimey.

"Bakit angtahimik dito ngayon? May nangyari ba?" tanong ni LJ.

"Kasi... kasi... si Sir Red, ewan namin kung saan siya nanggaling. Grabe angdumi niya, tapos may mga sugat siya sa pisngi, at kung saan." sagot ni Aimey.

"Ha? Bakit? Nasan na siya?" tanong ulit ni LJ.

"Di nga din namin alam eh. Kasi---"

Di na natuloy ni Aimey yung sinasabi niya dahil biglang lumabas si Red ng office niya.  Mukha na naman siyang okay. Maayos na ang damit at... wala namang sugat.

Nagtaka si LJ. Siya lang ang nagtaka. Si Aimey parang wala lang. Yun nga lang, yung ekspresyon ng mukha ni Red, iba.

Nakakatakot tignan. Nakakatakot SIYANG tingnan.

Pero naglakas loob si LJ. Syempre, ngayon nalang sila nagkita ULI.

"S-sir Red, sa wakas. Sa wakas.. Nakita ko na rin kayo uli... Kumusta na ho kayo?" sinabi yon ni Loureen nang punung puno ng kagalakan.

Pero diri diretso lang si Red. Para bang walang narinig. Para bang hindi niya nakita si LJ.

Naiwan na nakatayo run si LJ. Nagtataka. Nalulungkot.

At simula noong araw na yon, para bang may nagbago kay Red.

Kung may anong kurot na naramdaman si LJ sa puso niya.


TO BE CONTINUED

*

Eto na yung last part ng Le Valentines Day!

Magsusulat pako ihhhh. Just wait! :)

ADD NIYO KO SA PEYSBUK BILI! Hanapin nyo lang JANIE HERRERO tas ADD AS A FRIEND Okayyyyy?

/IamMarshmallow

RED S1 (Completed) S2 (On-Going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin